Kabanata 7
Official
MICHELLE'S POV:
Kumawala na ako sa pagkakaakap kay Yam at tinignan ko siya at nginitian. I don't know why but he became special to me. Parang masaya ako na nakita siya at nalinaw na lahat.
"Asan ang mga magulang mo?" tanong ko sa kanya.
"Si Papa nasa Italy, OFW at si mama naman baka may pinuntahan lang." sagot niya.
Lumabas na kami sa hospital para bumalik ng school.
"Sayang hindi ko naantay magising si Niccolo." sabi ko kay Yam.
"Alam mo napakamasiyahin niyang bata. Kapag makikilala mo siya, mamahalin mo rin siya." sabi niya sa 'kin.
"Sure, I will." sagot ko naman tapos nginitian ko siya.
Dito sa school dumerecho kaming laboratoryo dahil wala pa naman kaming pasok. BAKANTE
Umupo si Yam sa isang lamesa at ako naman nasa harapan niya.
"So, bakit ka nagalit sa 'kin? Ba't ka nagtampo?" kulit niyang tanong.
"Wala." pabebe ko namang sagot.
"Ano nga?" pagpupumilit niya.
"Basta." sabi ko lang.
Marahil hindi ko sinasagot ang tanong niya kaya ginulo niya ang buhok niya. Dahil sa paggulo niya ng buhok niya he became more attractive. He's so hot and I can feel my sweat.
"Ba't ka pinagpapawisan? Eh naka-aircon tayo." tanong ni Yam sa 'kin.
"Ha? Eh... Ewan?" sagot ko naman na parang nalilito kung anong isasagot ko.
Bumaba siya sa pagkakaupo niya sa mesa at lumapit siya sa ng mas close kaya napapapaatras ako pero umaabante parin siya.
"Do you like...messy?" tanong niya sa 'kin in a very attractive voice.
"Ha?" paguulit ko lang pero hindi niya ako sinagot.
Umaatras parin ako pero siya pilit umaabante hanggang sa hinawakan niya ang baywang ko it inilapit niya ako sa katawan niya kaya napalunok lang ako.
"Anong ginagawa mo? Tanong ko sa kanya na parang natatakot at hindi sigurado.
Linapit niya ang mukha niya sa mukha ko kaya biglang parang may mga kabayong nagtatakbuhan sa 'king dibdib sa kaba.
Inuunti-unti niyang inilalapit ang labi niya at parang sinusubukan ata ako o parang hahalikan ako.
Wala na akong nagawa kundi parang pumayag na lang kaya ipinikit ko ang mata ko at hinihintay ang labi niyang dumampi sa 'king labi.
Kinakabahan ako at nag-oover think ako kung tama ba, ayos ba ang mga ginagawa ko.
Hinihintay ko parin ang halik ni Yam pero parang ang tagal kaya inuunti-unti komg binuksan ang aking mga mata para tignan siya.
Sa pagmulat ko ng aking mga mata natitigan ko ang Yam na nakangiti at parang tuwang-tuwa ang mukha niya.
Agad akong umalis sa posisyon namin at nakaramdam ako ng pagkahiya dahil ako yung babae pero parang nangyaring ako ang may gusto sa halik.
Sa pagkawala ko agad akong pumunta sa tabi na lang niya kase ang awkward na.
Hindi ko namalayang bigla na lang lumuhod sa harapan ko si Yam at hinawakan ang kamay ko.
Nagulat ako sa ginawa niya kaya agad ko siyang tinignan.
Nginitian niya ako at bigla niyang hinalikan ang aking kamay.
BINABASA MO ANG
I Love You Two [COMPLETED]
रोमांसAn UNTYPICAL STORY has began! I have a girlfriend and I love her so much, she's like my world but why am I being attracted with boys? It feels strange that every time I see attractive men, I have this desire for them.