Kabanata LVI

46 4 0
                                    

Kabanata 56

Fate

WILLIAM'S POV:

Agad-agad dumapa si Dr. Magallion at chineck ang vitals ni JP. Mga mukhang kinakabahan, pusong nagtatakbuhan, isipang naguguluhan.

"Tumawag na kayo ng ambulansya dali! Para kayong hindi mga Doctor!" sigaw ni Dr. Magallion sa amin na mahahalata mong maski siya ay kinakabahan rin.

Agad na kumilos si Fiona, inilabas ang cellphone, at tumawag sa Hospital. "Isang lalake ang biglang bumagsak dito sa Howlu. Please rescue ASAP." sabi niya habang sumisinok, luhang dumadaloy pababa at natatakot.

Ginala ng aking mata ang paligid at lahat ay sobra ang kaba. Mga matang pababa na ang mga luha. Maski ako'y paluha na rin.

"JP! Bangon ka diyan. Hindi ito magandang biro!" naluluhang sabi ni Dr. Magallion. "Asan na ba ang Ambulansya?"

"Parating na po." sagot naman ni Fiona na ngayo'y naaaligaga na.

Hindi ko alam kung anong dapat isipin. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Ang tanging sigurado lang ako, natatakot ako. Panong nangyari ito? Anong meron? Bakit bigla siyang nabagsak? Malusog naman siya ah.

Sa kaiisip ko, hindi ko namamalayan ang tunog ng ambulansya. Hindi sumagi sa aking mga tenga ang mabibilis nitong pagsisigaw.

"Tabi! Tabi!" sigaw ni Dr. Magallion pagkarating na pagkarating ng ambulansya. Bumababa ang mga nurse, bitbit-bitbit ang higaan. Lumapit sa amin tsaka binuhat si JP at ipinasok sa loob ng ambulansya.

"Ako na ang sasama. Sumunod nalang kayo." sabi sa 'min ni Dr. Magallion tsaka agad-agad ng pumasok rin sa ambulansya.

Agad ng umalis ang ambulansya, at ang tunog nitong weew-weew-weew-weew ay unti-unti ng humihina at nawawala na sa tenga.

"Ano kayang nangyari kay JP?" mala OA na tanong ni Fiona. If I know, siya ang may pinakaCrush kay JP, hindi na si Andrea.

"Doctor ka, hindi ka tanga." sabi nalang ni Mitch. Gayonman, may halong takot sa kanyang dibdib subalit parang mas nangibabaw ang kakaibang emosyon. Hindi ko mawari kung tama ang aking hinuha. Pero kung tama man, naiinis siya. Agad na siyang tumakbo paalis."San ka pupunta?" biglang sigaw ng aking labi, ng dila, sa kanya. Isang tanong na hindi ko inaasahang masasabi ko.

Prumeno siya at napalingon. Habang ang mga kilay ay nagsalubong at ang noo'y nakakunot. "Saan pa?! Eh di sa hospital! Mag-isip naman kayo!" Tumalikod siya't nagpatuloy na sa pagtakbo paalis. Napalingon ang aking ulo sa kanan, sabay namang nagtakbuhan na rin sina Fiona at Andrea habang bigla nalang may isang kung anong mabigat ang umakbay sa 'kin. Tumingin ako sa aking kaliwa at nakita ko si Michael na inaakbayan ako. "Tara na rin." sabi niya sa 'kin habang ang mukha ay seryoso at masasabing walang halong biro. Tumango ako at pagkatapos ay dumerecho na kami sa aking kotse.

Ang masaya. Ang tugtog na nagpapasayaw. Ang mukhang hindi maipinta sa ligaya. Sabay-sabay nawala, pinalitan ng lungkot, kaba, at takot.

Pagkarating namin ni Michael dito sa Hospital ay agad kaming tumungo sa monitor room to check if what's wrong about JP. Bakit ganito? Ang lakas ng tambol ng aking dibdib? Ang aking mga kamay ay nanginginig. I can't even predict what's wrong...

Pagkarating na pagkarating namin ni Michael dito sa monitor room ay naabutan namin ang lahat. Lahat nandito, ang lugar ay tahimik, mga mukhang nakatulala, ilang mga matang naluluha, kinakagat na labi at tila nagpapianong mga daliri.

Agad-agad akong lumapit sa screen to check the CT and MRI scans. "It looks like meningioma" sabi ni Michael habang tinititigan ko ito. And yes he's right, meningioma nga. Malapit ito sa kanyang sphenoid bone at malaki na ito. "Malapit rin ito sa optic at motor nerves niya na maaaring maging sanhi ng kanyang pagkabulag o 'di kaya ay mawawalan siya ng kontrol o pakiramdam sa kanyang kamay." dagdag pa ni Michael.

I Love You Two [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon