Kabanata 33
Blush
WILLIAM'S POV:
Suot-suot ko parin itong headband na pinasuot sa 'kin ni Mitch. Ayoko man sanang suotin...
"Saan na tayo pupunta?" tanong ko kay Mitch.
"Kahit saan." sagot naman niya. Anong kahit saan? May lugar bang ganon?
Napaisip lang ako kung saan pwedeng pumunta ngayon. Kina Niccolo kaya? Baka tulog 'yun.
"Oh? Yung sintas ko nakawala sa pagkakatali." sabi sa 'kin ni Mitch at tinignan pa talaga ako.
"Eh di itali mo." sabi ko naman sa kanya. Para siyang nadismaya. Bakit naman? Agad nalang siyang umupo at itinali ang sintas niya.
"Tara na." medyo cold lang niyang sabi. Bakit? May nagawa ba akong mali? Wala naman aa. Dumerecho siya sa paglalakad kaya sinundan ko siya.
"Uyy!" sigaw ko.
Tumalikod siya at hinarap ako.
"Ba't parang galit ka na? May nagawa o nasabi ba akong mali?" tanong ko sa kanya.
"Ihhh... Wala." sabi niya tapos nagpatuloy siya sa paglalakad. Hindi ko siya agad sinundan dahil parang may mali talaga akong nagawa eh. Hinabol siya sa paglalakd pero habang naglalakad siya parang may mali sa jeans niya.
"Parang may mantya amg jeans mo sa bandang pwetan?" sabi ko sa kanya.
"Ano?" Tinignan niya ito at napa "shet!"
"Bakit?" tanong ko.
"Nakatagos ako Yam." sabi naman niya. What? Meron pala siya ngayon? No wonder may kasungitan siya ngayon.
Agad kaming dumerecho sa isang banyo, malapit sa kinatatayuan namin. Pagkarating namin ron natataranta siya kaya agad na siyang pumasok sa girl's room. "Dito ka lang, babalik din ako agad." sabi ko sa kanya.
"Saan ka pupunta?" tanong niya pero hindi ko na siya sinagot pa.
Agad akong pumunta sa isang pharmacy para bumili ng napkin.
"Miss, napkin." sabi ko sa pharmacist.
"Overnight sir o hindi?" Pinagsasabi neto?
"Ah... Lahat na ng klase nalang." sabi ko dahil hindi ko naman alam kung ano ang bibilhin ko eh.
"Sigurado po kayo?"
"Oo basta bilisan mo na lang."
Agad na siyang nagbalot ng mga napkin at iniabot sa 'kin. Nagbayad na ako at agad dumerecho sa pinag-iwanan ko kay Mitch.
Hindi ko siya makita rito. Tinatawagan ko pero hindi nasagot. Hayaan mo na. Kahit girl's room, pinasok ko na lang.
Medyo nahihiya ako kasi ang daming babae. Nagsisigawan na sila at nagulat dahil sa may lalakeng pumasok sa teritoryo nila.
"Pasensya na po. Magdadala lang po ng napkin sa girlfriend ko." sabi ko sa kanila. I am the center of attraction ngayon. Sinubukan kong buksan lahat ng mga silid pero nakalock.
Bigla namang nagbukas ang isang pintuan ng isang banyo and there I saw Mitch. "Ba't ka andito? Para lang 'to sa mga babae." sabi niya sa 'kin.
"Napkin?" sabi ko sa kanya. Iniabot ko nang napkin sa kanya.
"What? Bumili ka?" tapos pinagtawanan pa niya ako. Nakakatuwa ba 'yun? I'm just concern naman.
"Huwag mo na akong pagtawanan." sabi ko sa kanya. Kinuha niya ang supot.
"Labas ka na." pagpupumilit niya dahil medyo nahihiya na siya.
Lumabas na akong girl's room. Habang nasa labas ako, nakita ko itong isang jacket sa isang brand store kaya nilapitan ko ito.
Color Blue ang kulay tapos sa likod may picture ni Spongebob. Ang cute! Hindi siya astig na jacket like a typical one but it has its own uniqueness quality.
Tinignan ko ito ng maigi, yung mga tahi and everything to check if it's fine. Maayos naman. Tinignan ko ang price tag. ₱780.50
Dinala ko ito sa counter at nagbayad. At mula rito nakita ko naman si Mitch sa comfort room na parang hinahanap na ako kaya nagmadali na akong pumunta patungo roon.
"Saan ka galing?" tanong niya sa 'kin pagkarating ko roon.
"Don lang. Tara na?" sabi ko sa kanya at inumpisahan na naming maglakad. Pero nakita ko parin ang tagos sa jean niya. Hayyy...
Nilabas ko ang binili kong jacket. "Tigil." sabi ko at napatigil naman siya pero nagtataka. Tinignan niya ako. Pinulupot ko ang jacket sa likod niya kung saan may tagos ang jeans niya. "Tara na."
Wala siyang imik ah. Tinignan ko siya and her chicks were blushing. Bakit?
"Pumupula ang chicks mo." sabi ko sa kanya.
"Ha?" gulat niyang sabi at napahawak siya sa pisnge niya at naglakad ng mabilis. Anong nangyare don?
MICHELLE'S POV:
Today ang sweet-sweet ni Yam sa 'kin. He bought a couple shirt for us tapos gusto niyang suotin namin kahit di pa nalalabhan.
Tas nakakahiya, nagpakuha pa siya talaga ng letrato sa isang babaeng napadaan lang sa aming harapan ah. Okay, nakakahiya pero nakakakilig lalo na nong binuhat niya ako o sinalabay. He's so adorable.
May nakita akong minnie mouse handband so I bought it not for me but for him. Pinasuot ko sa kanya, ayaw niya nong una pero pinilit ko siya. The headband really suits him. Ang cute cute cute niya lang.
Pero ang hindi niya lang nagets kung bakit ko sinabi sa kanya na natanggal ang sintas ko eh dahil gusto kong siya magtali. Parang 'yung ano typical na napapanood sa iaang romance story? Ang sweet kaya non noh! Kaya medyo sumama ang loob ko. Babaw no?
Agad naman siyang nakabawi when he bought a napkin for me. Tapos lahat ng klase talaga ng napkin ah? Nakakatuwa dahil hindi ko inexpect na bibili siya pero a boyfriend like him is very rare. Yung bibilhan ka ng napkin kase nakatagos ka.
And when we're about to leave, he puts a jacket on my jeans kung saan may tagos ako. And parang bago pa ata 'yung jacket. Kinilig talaga ako kaya napablush ako. Nahiya na ako nung sinabi niya na namumula ang pisnge ko. Eh kase naman eh.
William has his own sweetness. Yung mga simpleng nagagawa niya, hindi niya alam it makes my heart flutters.
Ine-enjoy ko ang araw na ito dahil bukas may pasok na naman. If we could stay like this forever, I would choose to... He's the perfect man.
BINABASA MO ANG
I Love You Two [COMPLETED]
عاطفيةAn UNTYPICAL STORY has began! I have a girlfriend and I love her so much, she's like my world but why am I being attracted with boys? It feels strange that every time I see attractive men, I have this desire for them.