Kabanata 17
Claimed
MICHELLE'S POV:
Ang bastos talaga nung lalakeng 'yun. Akala mo kung Sino! Gwapo nga! Oo pero Saksakan ng BASTOS! Goshh! Why can't I stop getting mad at him?
Good thing he already left.
Kami nalang ni Yam ang naiwan dito.
"Yang noo mo." sabi ni Yam sa 'kin while looking at JP leaves.
Ibinaling ko ang tingin ko sa kanya at inayos niya ang kunot ng noo ko at nginitian ako.
"JP is just like that." sabi niya sa kin.
Humugot ako ng hininga and I bite my lip.
"Sige na Yam, mauna na ako, my class is about to begin." pagpapaalam ko sa kanya. Agad na akong tumayo at inayos ang mga gamit ko sa mesa.
"Sige." sabi lang niya so I took my steps papunta sa klase ko. Naiwan siya don na nagmemeryenda at walang kasama. Psh... Di man lang niya ako inihatid.
Nandito ako sa part ng school na hindi masyadong dalawin ng mga estudyante naglalakad dahil hindi naman masyadong maganda ang part na ito. There's nothing wrong here naman. I just take this path as a shortcut kasi.
Ginala ko ang mata ko, and maraming siyang historical thingy. Maraming naka carve sa pader at naka list ang founder ng school, which is Mr. Noriel Dela Fuerte. Well, kinda not interested though. Hindi kasi ako mahilig sa mga ganyan-ganyan like history. Psh! Old issues. Hate it.
While walking at the pavement bigla akong nakaramdam ng something. It's like someone is following me or someone's around. Hindi ko lang alam kung saan nanggagaling ang awra pero sigurado ako na may someone here.
Hindi ko nalang inintindi 'yun at nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Suddenly, nakarinig ako ng tunog kung saan.
"Bakit di pagbigyan muli ang ating pagmamahalan, kung mawawala ay di ba't sayang naman..." awit na aking narinig mula sa tunog na lumabas kung saan.
Walang ideya na lumabas sa 'king isipan. Ginala ko ang mata ko para hanapin kung saan nagmula ang tunog na bigla nalang tumugtog.
Hindi ko mahanap kung saan nagmula ang tugtog pero patuloy parin itonf tumutunog.
Biglang lumitaw kung saan ang isang imahe nang nilalang sa aking harapan. Nakaputing damit, may long sleeve na leather din siyang suot at nakapantaloon. Mayroon siyang hawak na mga pink roses at unti-unti siyang naglakad patungo sa 'kin.
Sa una, hindi ko siya naaninag dahil sa liwanag na nagmumula sa araw kaya naging parang silouete and dating. Pero habang papalapit na siya sa kinatatayuan ko, doon ko na siya nakita at naaninag. Si Kenn.
Pagkakita ko sa kanya agad akong naglakad pabalik dahil ayaw ko na sana siyang makita pa. Pero pagkatalikod ko para maglakad agad niya akong pinigilan. Hinawakan niya ang aking kamay dahilan para mapahinto ako.
"Mitch wait. Please!" sabi niya sa akin.
Hindi parin ako humarap sa kanya at agad nalang nagsalita pagkabitaw niya ng kanyang salita.
"Let go of me Kenn!" sabi ko sa kanya
Humarap ako sa kanya dahil hindi parin niya ako binibitawan.
Pumwersa ako para makakawala sa pagkakahawak niya at nagawa ko naman. Pagkakawala ko, agad na akong humakbang pabalik pero bigla siyang tumakbo patungo sa direksyon na pupuntahan ko at hinarangan ako at sa pagtakbo niya, narinig ko ang tunog na parang may nahulog and it's like the roses.
"Ano ba Kenn! Malelelate na ako sa klase ko!" sabi ko sa kanya.
"What should I do Mitch para mapatawad mo na ako? Please tell me..." pagmamakaawa niya sa 'kin.
Tinignan ko siya nang madiin at doon nakita ko ang sinseridad niya at napaluha pa siya.
"You're just making yourself so pathetic Kenn!" sabi ko sa kanya.
"Wala ka na ba talagang nararamdaman para sa akin Mitch?" tanong niya sa 'kin.
Tinignan ko siya, seryoso ang aking mukha at galit na galit sa kanya. Hindi dahil sa kasalanan niya kundi dahil pinagmumukha niyang kawawa ang sarili niya.
"Kung may nararamdaman man ako sa 'yo Kenn? Awa! Hindi Pagmamahal. Kaya please, maawa ka naman na sa sarili mo oh!" sabi ko sa kanya ng buong sinseridad.
Pinunas niya ang kanyang mga luha at tinaas niya ang kanyang chin. Nagmukha siyang panalo dahil sa ginawa niya. Ngumiti siya sa 'kin at nagsalita.
"Hangga't wala ka pang boyfriend Mitch... hindi ako susuko." sabi niya sa 'kin.
Nagkatinginan kami at hindi ko alam ang sasabihin ko, kung sasabihin ko ba na may boyfriend na ako para tumigil na siya o hindi para maitago ang tungkol sa amin ni Yam.
"Mitch!" sigaw ng isang baritonong boses kung saan habang nagtititigan kami ni Kenn.
Nilingon namin siya pareho and it's JP.
"Andito ka lang pala! Kanina pa kita hinahanap!" cool niyang pagkasabi.
Ang karakter na ipinapakita niya ngayon ay ibang-iba sa karakter na alam ko sa una kong pagkakakilala sa kanya. Ano kayang ginagawa niya?
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko na parang tatangayin ako paalis dito.
"Si-sino ka?" tanong ni Kenn kay JP habang paalis kami.
Hindi parin binibitawan ni JP ang kamay ko. Humarap siya kay Kenn at binigyan ng ngiti. Ngayon ko lang makita ang ngiti galing sa kanya.
"Hindi mo ba alam? Boyfriend ako ni Mitch." sabi ni JP kay Kenn kaya nagulat ako at napatingin sa kanya. He is still smiling and looking at Kenn.
Bumitaw ako sa pagkakatitig sa kanya at ibinato ko ang mata ko kay Kenn. Ibinaling din naman ni Kenn ang tingin niya sa 'kin.
"Totoo ba?" tanong sa 'kin ni Kenn. Dahil parang ang intense napalunok ako at hindi ko alam kung sasagot ako o hindi.
Pinisil ni JP ang kamay ko na parang senyas na sumagot ng oo. Tumingin ako sa kanya pero nakatingin siya kay JP na nakangiti parin.
"Ano Mitch?" tanong ni JP dahil hindi ko siya nasagot agad.
Lumunok ako at sumagot sa tanong niya. "Oh-OO Kenn. Boyfriend ko siya. Kaya please stop bothering me. Dahil sabi mo, titigil ka lang kapag may boyfriend na ako." matigas kong sabi sa kanya at kinakabahan. Iniisip, tama ba ang ginawa ko?
"You heard her. Tigilan mo na ang pagbubunto-buntot sa girlfriend ko dahil kung hindi, may kalalagyan ka." sabi ni JP kay Kenn.
Hinila na niya ako paalis dito, paalis kay Kenn.
BINABASA MO ANG
I Love You Two [COMPLETED]
RomansAn UNTYPICAL STORY has began! I have a girlfriend and I love her so much, she's like my world but why am I being attracted with boys? It feels strange that every time I see attractive men, I have this desire for them.