Kabanata 30
Love is Sacrificing
WILLIAM'S POV:
"Yam!" rinig kong sigaw ng isang lalake habang ako ay tumatakbo paalis.
Bigla akong nanghina. I don't know why. Basta natigil na lang ako sa pagtatakbo, napayuko at humawak sa tuhod ko. "Yam!"
Tinignan ko kung sino ang humahabol sa 'kin. It's Michael.
"Pareh!" sabi niya habang nahihingal. "Wah-wala yung nakita mo! Liniligtas lang ni JP si Mitch!"
Tumayo ako at humarap sa kanya habang naluluha. "Yun na nga eh, alam ko naman na CPR lang yun! Pero nagseselos ako!"
"Huminahon ka Pare." awat niya sa 'kin.
"Pare girlfriend ko 'yun eh! Mahal ko 'yun syempre... Pero mahal ko rin si JP na hindi naman sana dapat! Kaso 'tong putang-inang puso ko, Tumibok sa kanya!"
Pagkabitaw ko ng linya kong 'yun napaupo lang ako. Lumapit siya sa 'kin and comforts me.
"Pare... Nagseselos ako pero mas nasasaktan ako. Nasasaktan ako kasi alam ko sa sarili ko na Oo, Mahal ko si Mitch pero Mas Mahal ko si JP eh." sabi ko sa kanya.
"Ano ngayon ang gusto mong gawin?" sinseryong tanong niya sa 'kin.
Tumingin ako sa kanya. "Hindi ko alam." sagot ko. "Pwede ba na dumerecho nalang tayong room? I don't feel good today. Gusto kong magpahinga."
"Sige. Kung 'yan ang nais mo. Tara." Tumayo na kaming dalawa at naglakad papuntang silid namin.
Nandito na kami. Agad akong dumerecho sa kama at nahiga. Humiga rin siya sa tabi ko. "I think, this is my time para bumawi na sa 'yo." sabi niya sa 'kin.
Naramdaman kong tumayo siya at umalis ng kama at narinig kong sumara ang pintuan.
Hindi ko alam kung saan siya pupunta. Hindi ko na inisip pa.
Hindi natagalan at narinig ko ulit na bumukas ang pintuan. And I'm expecting Michael pero nung tinignan ko it's not him but JP kaya agad kong pinikit ang aking mata at nagpanggap na natutulog.
Naramdaman ko ang presenya niya dito sa kama.
"Alam mo, hindi ko alam kung bakit ka agad tumakbo kanina. Pero nasabi nila sa 'kin na marahil ay nagselos ka." Selos na selos talaga ako.
"Dahil girlfriend mo daw si Mitch." mukhang nagkakalat na aa.
"But it's not my intention to touch her mouth. Kailangan ko lang siyang sagipin dahil kung hindi, mawawalan siya ng hangin. Kaya sana, mapatawad mo ako. I know you'll do the same when someone is in danger." Parang ibang JP ang kausap ang narito ngayon ah! Ang bait lang.
"Alam mo, alam kong gising ka kaya naririnig mo ako." sabi niya sa 'kin. Alam mo kahit kailan matalino siya eh.
Umalis na siya sa kama at narinig kong patungo sa labas ang tunog ng kanyang tsinelas kaya sinilip ko siya. At eksakto namang lumabas na siya. Napadilat na akong tuluyan. I spread my arms para magrelax.
Shet! Basa ang ibang parte ng kama. Oo nga pala, JP and Michael were both wet galing sa dagat. Mga lalakeng 'yun oh!
Bumangon ako agad at sumilip ako sa labas para tignan si JP. He's is not around here.
Tumawag ako sa Manager ng Resort para palitan ang bed sheet. Tapos umupo ako sa isang upuan at binuksan ang phone para sana kumustahin sina mama pero bigla nalang itong tumunog pagkabukas ko. Nakabukas pala ang data ko hindi ko napatay.
"John Priel sent you a friend request."
John Priel? Whose John Priel? Nacurious ako kaya agad kong chineck ang wall niya.
Medyo natagalan dahil mahina ang signal pero nung nagload na, agad kong chineck ang profile niya. It's JP! Ang Profile Picture niya ay naka uniform lang siya but he's not smiling. Wala lang. Poker lang. Pero bakit naman siya nag send ng friend request sa 'kin? So, John Priel pala ang tunay niyang pangalan?
Binack ko to check his timeline. Wow! Private Account pala 'to? Two friends lang? Tsss...Puro mga babae pa. Nag-scroll ako to know more pero wala nang information ang available. Birthday, Family Member, Wala eh. Pumunta ako sa wall niya. Ang linis! Profiel picture at cover photo lang narito. I hesitate if I should accept his request?
Bahala na. Part of forgetting my feelings para sa kanya is to not to accept it. Kaya hinayaan ko nalang ang request niya.
Tatawagan ko na sana sina Mama kaso nagbukas ang pintuan and that's when Michael came. May mga dala siyang napakaraming pagkain and in-can soda. Talaga lang ah!
"Andami mo naman atang dalang pagkain?" tanong ko sa kanya.
"Tama! At pupunta tayo sa baba, para uminom at manuod ng sunset." Bakit hapon na ba? Agad kong tinignan ang wall mirror. Nako, malapit na pala ang sunset. "But for now, hayaan mo muna akong magbanlaw"
Ibinaba niya lang ang mga pinamili niya at dumerechong banyo.
Hindi nagtagal may kumatok sa pintuan. "Pasok!" It's the stuff, may dalang bed sheet.
"Sir Room 207 magpapalit ng bed sheet?" pagsiaigurado niya. "Yes. Go ahead, please."
Pinalitan niya ang bed sheet. Pinanood ko lang siyang palitan ito. At 'di rin nagtagal habang pinapalitan ng staff ang bed sheet lumabas na si Michael mula sa banyo.
"Bilis mo naman." sabi ko sa kanya.
"Eh... Wala lang."
"Sir tapos na po." sabi nung staff habang nag-uusap kami ni Michael.
"Thank You!" at umalis na siya.
"Bakit 'yun?" tanong ni Michael.
"You're really clueless? Eh basa ka pala, nahiga-higa ka pa sa kama." kunyareng pagsisita ko sa kanya.
"Oh?..." wow ah! Nagulat ka pa talaga?
"Tara na." aya niya sa 'kin. At dunerecho na nga kaming tuluyan sa baba.
We stayed dito sa cottage. Ikinalat niya lahat ng mga pagkain, mayroong chichirya, mayroong mga lutong karne basta marami para sa pulutan. At mayroon ding sampong alak. Agad kong binuksan ang isa at uminom. "Are we allowed?" panigurado ko parin.
"Ako ang bahala." sabi lang niya. Well, I believe so uminom lang ako.
"You know what? After you went out kanina to buy these, JP came inside and apologize about what happened." sabi ko sa kanya.
"Tapos?"
"His words were really comforting. My first time hearing him apologize." Napakagat siya sa labi niya, kunot noo at nagtanong.
"So ano na ang plano mo ngayon?" tanong niya nang derecho. Lumunok ako, huminga and talk.
"Forget him." simpleng sagot ko lang.
"Kaya mo ba?" tanong naman niya.
"Well, nothing is easy. Pero pare masakit na eh. Don't want to keep this feeling anymore dahil hindi lang sarili ko ang nasasaktan ko kundi si Mitch rin." sagot ko naman.
"Well actually, alam mo naisip ko, bakit mo kaya nagustuhan si JP? Bakit parang ang lakas ng epekto niya sa 'yo?"
"Hindi ko nga rin alam eh. Naramdaman ko na lang. Ang pag-ibig naman 'di ba walang dahilan? Mahal mo dahil mahal mo. Hindi dahil gwapo o maganda siya. Mahal mo dahil 'yun ang sinisigaw ng puso mo."
"Kung ganon, ano ng plano mo sa inyo ni Mitch?"
"Magiging masama ba ako kung ipagpapatuloy ko ang relasyon namin kahit na hindi niya nalalaman ang nararamdaman ko kay JP?"
"Wala naman sigurong masama kung magtatago ka sa taong mahal mo kung para rin naman sa kanya 'di ba? Para hindi siya masaktan." Tama naman dahil Love is sacrificing.
Hindi na ako nasagot. Tumango lang. I looked at the beach, and wow! Sun is falling. Sunset.
BINABASA MO ANG
I Love You Two [COMPLETED]
RomansaAn UNTYPICAL STORY has began! I have a girlfriend and I love her so much, she's like my world but why am I being attracted with boys? It feels strange that every time I see attractive men, I have this desire for them.