Simula

302 10 6
                                    

Simula

Heartbeat

WILLIAM'S POV:

SABI NILA, "HUWAG HANAPIN ANG PAG-IBIG DAHIL KUSA ITONG DARATING."
Ako naman, Wala akong pake-alam sa mga love love na 'yan. Basta makapagtapos ng pag-aaral tapos. Yan lang ang goal ko sa buong buhay ko. Dahil gusto kong tulungan ang mga magulang ko at maiahon sila sa kahirapan. Well, our life is average, hindi napakayaman pero hindi rin mayaman, hindi sobrang hirap pero hindi rin mahirap. Okay, since first time niyo akong makilala, allow me to introduce myself;

I am William Christian De Marasigan. I am 21 years old and nasa kolehiyo na 'ko ngayon taking up Medecine, 4th year college. Hindi ko naabutan ang k+12, well for me it's a good thing. Gusto kong maging surgeon and it would be Neurosurgeon.

So eto na... Naglalakad na po ako papuntang paaralan dahil sa isip ko gastos lang 'pag magtataxi pa ako o tricycle. I am chasing this pavement that would lead me to school. Habang naglalakad ako nakakita ako ng couple na nag-aaway, parang magbe-break na sila. Hindi ko na sila pinansin pa at tumuloy lang ako sa paglalakad. Ewan ko ba sa mga kabataan ngayon, parang ang dali lang sa kanila ang pumasok sa isang relasyon tapos 'pag naging sila na sasabihin nila, "You're my world... Ikaw lang sapat na." Pero 'pag nagsawa na sa isa't-isa, SIRAAN na at wala ng pansinan. Simple lang yan eh, Before naging sila, Strangers palang sila at kapag naging sila at naghiwalay na, balik strangers na ulit. Pero minsan naisip ko rin... PAANO BA ANG MAGMAHAL? Never pa kasing akong nainlove and NGSB ako o No Girlfriend Since Birth. Ano kaya yung feeling? Anyways, malapit na ako sa paaralan namin, halos 7 steps nalang and nasa gate na ako. Mayroong policy ang aming paaralan at 'di na naiba dahil, "No I.D, No Entry."

Nakapasok na akong paaralan... Habang naglalakad ako papuntang klase ko bigla na lang may bisekletang nakabangga sa 'kin. Nabagsak ako at nabagsak rin yung nakabangga sa 'kin.

"Ano ba?!" reklamo ko dahil medyo masakit ang pagkakabangga ko.

"Pasensya na." paumanhin niya. Tinignan ko siya at pamilyar siya sa 'kin.

"Ikaw?" tanong ko sa kaniya.

"Kilala mo'ko?" tanong niya sa 'kin.

"Oo! Ikaw ata yung babaeng nakita ko kanina na nakikipag-away sa boyfriend niya?" paliwanag ko.

"Ah... siguro nga ako 'yun." sabi niya sa 'kin.

"Sige mauna na 'ko." sabi ko sa kanya tapos umalis na ako.

Pagdating ko sa klase ko usap-usapan na meron raw transferee dito sa paaralan.

"Pare! This is your one time big time chance para magka-girlfriend! Balita ko maganda daw ang transferee student." sabi sa 'kin ni Michael. Si Michael ang best friend kong chickboy na gustong-gusto na akong magkasyota.

"Wala akong pakealam." sabi ko sa kanya.

"Pare, bakit ba kase wala kang natitipuan?" tanong niya sa 'kin.

"Go back to your seats!!!" sabi ni Ma'am Castillo kaya hindi ko na nasagot si Michael.

"Everyone! We have a transferee student! And dito siya sa klase niyo ngayon naka schedule kaya be good to her." sabi ni Ma'am. Pero hindi ako nakatingin sa harap dahil busy akong naco-compose ng tula.

I Love You Two [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon