Kabanata XLIII

19 5 0
                                    

Kabanata 43

Sa Pagtawa

WILLIAM'S POV:

Papunta na sana akong office ko pero nakasalubong ko naman si JP sa daan. Okay Yam! Chin up! Ipakita mo sa kanya na hindi ka naaapektuhan sa mga nangyayari. Ipakit mo sa kanya na matatag ka, kayo ng mga kaneuro mo.

Linampasan ko siya nong nagkasalubong kami. Hindi ko siya pinansin. Poker face lang ako. And as expected, ganon rin siya. 

"Ah Doc. Marasigan!" rinig kong tawag niya sa 'kin pagkatalikod ko. Ay oh! May kailangan naman pala. Tumalikod ako agad with my look na parang nagpapakita ng pride.

"Anong kailangan mo-DOC. MILLER?" sabi ko sa kanya. Tinigasan ko talaga ang Doc. Miller para on character parin.

"Parang wala kang ginagawa?" malasuplado niyang sabi. Oo, Wala akong ginagawa, pake mo?

"Ah---Hindi, ang dami ko ngang ginagawa eh. Diba nga doble kayod tayo? Doc.?" sabi ko naman na parang nangi-inis ang tono ng aking boses.

"Kaya pala baliktad pa yang lab. gown mo." sabi niya tapos umalis na. Wait! Ano? Tinignan ko agad ang gown ko. Shete! Baliktad nga!

"Nako hindi! Fashion 'to! 'Di mo lang alam!" pasigaw kong sabi sa kanya. Hindi siya lumingon, nagpatuloy lang sa paglalakad.

Grabe 'yun ah! Nakakahiya! Aarte-arte kasi ihhh...

Paalis na ako papunta sa aking office kaso nakita ko itong batang mag-isang naglalakad. 

"San ka papunta?" tanong ko sa kanya.

"Ah Doc..." sabi niya tapos tumawa. May nakakatawa ba? Siguro 'tong gown ko. Halata ba masyado? "Magbabanyo lang po sana ako, madalas po kasi akong naiihi." dagdag niya tapos tumawa na naman. Nakakinsulto na rin ah. Agad kong tinanggal ang gown ko at binaliktad ito at isinuot. Ngayon bata, wala ng nakakatawa.

"Gusto mo samahan kita?" tanong ko sa kanya pero tumatawa parin. May after shock ata 'tong batang 'to.

"Sige po." sagot niya sa 'kin tapos natigil naman na siya sa kakatawa. Ang gown ko nga ang nakakatawa kanina. Tumakbo na siya patungo sa banyo pero natisod pa siya. Ayan bata, Karma. Hahaha

Agad akong pumunta sa kanya tapos tinulungan ko siya para bumangon at sinamahan ko ang bata papuntang banyo. Ang cute netong bata. Maputi siya, tapos ang ganda ng pagkakurba ng buhok. Lalake siya. Pero medyo long hair, above the shoulder. Ang tangkad niya nasa aking balakang tapos brown eyes siya at parang masiyahan lang.

Pumasok na siya sa loob ng banyo, pagkarating namin. Hindi niya abot ang open bowl kaya don siya sa bowl na for kids. Oo, may for kids bowl kami. 

Tinitignan ko siya dahil natatanaw ko naman kahit na may silid. Mukhang hindi niya matanggal ang butones ng kanyang short. "Tulungan kita?" tanong ko sa kanya. Tinignan ako at tumawa na naman ang bata. Parang mali na ah. "Sige po." sagot niya. Pumasok ako at tinulungan siya. Tinanggal ko ang butones at hinayaan siyang umihi. Agad akong lumabas na para don siya hintayin.

I'm thing gelastic seizure bilang kanyang karamdaman dahil kusa na lang siyang tumatawa. Kanina merong dahilan akong nakikita para tumawa siya pero 'yung napapansin ko parang tumatawa na siya ng walang dahilan.

Lumabas na ang bata at 'di ko siya napansin agad dalhin tumakbo siya. At natisod pa siya. Something really is wrong.

"Huji!" rinig kong sigaw ng isang ale at tinulungan niya ang bata, marahil ay nanay nung bata. Agad akong lumapit sa kanila.

 "Kayo po ba ang nanay niya?" Tumingin sa 'kin ang ale with a bit of awkwardness siyang nadarama.  

"Ah Yes Doc."

I Love You Two [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon