Kabanata XVIII

25 5 0
                                    

Kabanata 28

Feel Bad

WILLIAM'S POV:

Good Morning Luna! Tama umaga na. And today, I decided to swim.

Tulog pa itong dalawang roomates ko. Hindi ko na sila ginising pa at hayaang matulog hangga't gusto nila. Dumerecho ako sa banyo para maligo, magtoothbrush and everything.

Pagkatapos kong maligo at pagkalabas na pagkalabas ko ng banyo, biglang may kumatok sa pintuan kaya binuksan ko 'to. It's a staff of the Resort may dalang breakfast. "Sir, breakfast delivery!"

"Pakipasok nalang." sabi ko sa kanya. In fairness, Complete Service naman talaga ang aming paaralan.

Umalis na ang aming staff kaya isinara ko na ang pintuan. Hmmm... Gigisingin ko ba ang dalawa o hindi na?

Binuksan ko ang dala ni ate na agahan. Tatlong hotdogs, three cups of rice at tatlong pritong itlog at mayroon ding three cups of Milk. Wow ah! Sosyal ng lugar na pinili ng school pero yung pagkain na inorder nila nagtitipid. Pinulot ko lang ang itlog at kinain ito. Pinabayaan ko na ang dalawa. Lumabas nalang ako para maligo sa beach.

Nandito na ako ngayon sa beach. It's just onr of the perfect places. Good for cinematography. Coconuts were scattered here but well organized. Ang ganda rin ng mga cottages na nakapatayo dito, hindi siya ordinaryong cottage na makikita mo sa mga ibang beaches. Gaya ng tema ng resort, applied rin sa mga cottages.

Iginala ko pa ang aking mga mata to enjoy Luna's view. The sand is grayish white. Ang ganda. Kakaiba yung sand nila rito. It's not really ordinary.

Wala pang masyadong tao rito, marahil ay tulog pa ang iba. Pero meron na din namang nandito na at nagswiswimming na. Dahil sa wala pa namang masyadong tao at bigla akong tinamad maligo, I decided to wait for the sunset.

Umupo ako rito sa tabi ng dagat. Tinititigan ang karagatan. It's really blue baby! The transition of the colors were amazing. From light turning into darker color. Ang linis ng dagat. Walang kahit konting dumi ang makikita. Bukod sa malinis na ito, it's also clear.

While enjoying the beautiful Luna, came suddenly she. It's Mitch. "How did you know I'm here?"

Umupo siya sa aking tabi. "Actually, am not here dahil sa 'yo Yam. Just a coincidence." Ang assuming ko rin naman kasi eh no?

"Andito ako to enjoy Luna's beach. Bakit? Ayaw mo ba akong makita? Ang girlfriend mo?" tanong niya sa 'kin at ngumiti pa ang Sira!

Wow! The smile from her that I missed. Matagal ko ring hindi nakita ang kanyang ngiti. Pano ba naman kasi... Nagpapadala sa emosyon si ako. Tampo tampo lang ang nais. For a while, JP was gone both in my mind and in my heart and my world is focussed on her.

Gumaan ang loob ko pagkakita ko sa kanya. Alam mo 'yun? Nawala lahat ng pagadaramdam ko. Na gustong-gusto ko siyang akapin ngayon kaso nahiya ako.

"Gusto." I said it while smiling. "Gustong-gusto."

"Ayos ka na?" tanong niya sa 'kin tapos ibinaling ang atensyon sa dagat. Sa dagat kung saan ang alon ay hindi galit just like me.

"Ah... Hindi naman ako naging hindi ayos eh." kunyareng sabi ko sa kanya. As if really was nothing wrong.

"Psh. Hindi ka nga nagtetext eh." Tumingin siya sa 'kin. "Alam mo ba na miss na miss na kita?"

I went to her closer and hold her hand. "Sorry."

"Psh. Don't do it again. Swerte mo hindi ako nagtatampo." sabi niya sa 'kin at nginitian ko siya.

I lift her hand and kiss it.

While enjoying just the two of us, bigla namang narinig namin ang ingay nina Fiona at Andrea kaya tinignan namin sila.

"Andyan na naman ang mga maiingay mong barkada." sabi ko sa kanya. Bumitaw na kaming dalawa sa pagkakahawak sa mga kamay.

"Hi Michelle! Mukhang you're dating with William ah!" sabi ni Fiona tapos nagtawanan sila ni Andrea. Napangiti naman ako. They're wearing swim wear. 

"Ayos na ba si William?" pabirong sabi netong si Andrea kaya nagtaka ako.

Tumingin sa akin si Michelle. " I told them about us since nagtitiwala ako sa kanila." Tinitigan ko siya ng madiin at napakunot noo. "Peace!" sabi niya tapos nag peace hand sign.

"Sige na, swimming na kami lovers..." 

Dumerecho na sila sa dagat at naligo na nga.

"They are really enjoying ah." sabi ko kay Mitch.

Tumango siya. "Masaya silang kasama. They are so funny at ang daldal nila. Perfect silang kasama kapag gusto mong magpuyat."

"Nagpupuyat ka?" tanong ko sa kanya.

"Kakaisip sa 'yo. Kung ayos ka lang ba, kung hindi ka na ba stressed kung hindi ka naman ba masyadong nag-aalala kay Niccolo." sabi niya sa 'kin. And now I feel like so special. Para akong napakahalaga dahil mayroong nag-aalala sa 'kin. Habang ako, tanging ang ginawa ko lang ay hayaan siya. Kung ayaw ko siyang kausapin, huwag na. Gusto kung gusto. At hindi man lang siya gaanong sumasagi sa 'king isipan habang siya parang walang oras na hindi ako tumatakbo sa isip niya. I feel bad at nakokonsensya.

"Sorry, If I were too bad. Sorry kapag hindi kita naco-contact." sabi ko sa kanya sincerely. Medyo lumuluha na ako pati rin siya. The atmosphere is changing. Like I want to kiss her.

"Lovers! Samahan niyo naman kami dito!" sigaw naman ni Andrea sa 'min sa kalagitnaan ng dramahan.

"Shhh! Huwag kayong madaldal diyan!" pagsisita naman nitong si Mitch. Agad namang nagtakip ng bibig si Andrea. "Sorry!" sigaw niya. Nagpatuloy na sila sa pagswi-swim.

Nagtawanan kami ni Mitch. "Korny mo!" sabi niya sa 'kin. "Mo rin!" sagot ko.

I Love You Two [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon