Matapos ang labing anim na oras ng byahe ay narating nila ang tinutuluyan nila sa City. Nakakapagod ang byaheng yun, pero No Choice sila, hindi naman sila pwedeng gumamit ng kapangyarihan dahil mas lalong manghihina ang lakas nila, mahirap na, baka bigla silang atakehin ng iba pang Gang o ng kampon ng black witch.
Napalingon si Mae sa kinaroroonan ni Benz kung saan tahimik itong naglalakad. Sa ngayon ay tinatahak nila ang daan papunta sa Bahay na tinutuluyan nila.
Hayyy, my Baby.. He looks so tired..
Lingid sa kaalaman ni Benz ay may lihim siyang pagtingin dito, alam ito ng buong grupo pwera sa kanya. May dating kasintahan ito maraming taon na rin ang nakakaraan, iyon ay si Venni. Pero wala pa rin siyang natatandaan nagka relasyon ito sa ibang babae pagkatapos nun, hindi pa rin yata ito maka move on. Kawawa naman siya.
"We're here,"
Bumasag sa pag-iisip niya ang nagsalitang si Benz.
Pumasok na sila sa loob ng bahay.
***
"Welcome Backkkkkkk!!!!!"
Nagulat pa silang tatlo ng sabay-sabay na sigaw yun ng tatlo na naghihintay sa pagdating nila, Si Kev, Inayra at Zia
"Where's Ebony?" Tanong ni Benz
"I'm Here!"
Lumabas mula sa kusina si Ebony na may dalang malaking cake, nakasulat doon ay Welcome Back, Sane! gumuhit ang magandang ngiti sa mga labi niya ng makita ito. His friends are really good to him, they also serves as his family, hindi niya alam kung bakit nagawa niya itong iwan noon, pero kahit ganun na ang ginawa niya, hindi man lang nabahiran ng galit ang mga ito. Tinaggap pa rin siya.
Masaya silang nagsalu-salo sa hapunang iyon. Nakaupo siya ngayon sa labas ng bahay sa tabi ng swimming pool. Marami talaga siyang na-missed, may swimming pool na ang dating may malawak na lawn na tinitirhan nila. Pinagawan na nila ito ng pool.
Naramdaman niya na may papalapit sa kanya, hindi niya ito nilingon at hinayaan niya lamang na makalapit ito sa kanya.
"Kamusta ka, Sane?"
Boses iyon ni Ebony.
Ebony, The Elemental Spirit. Her power is to shapehift into a mermaid, centaurus and Harpie. She is not that tall, around 5'5", with Black and curly hair and dark brown skin. Like, Mae, Ebony possesed a beauty that every Killian have.
"Ayos lang ako Ebony. Nagpapasalamat ako dahil tinangap nyo pa rin ako ng bukal sa kalooban niyo".
"But of Course Sane, I understand why you did that, I know kung ano ang nararamdaman mo noong mga panahong iyon."
Saka binigyan ng matamis na ngiti si Sane. Tumayo na si Ebony. Doon niya napansin na naka-robe lang ito, hinubad nito iyon at walang pag-alinlangang tumalon sa pool. Nakita ni Sane na bahagyang lumiwanag ang bahaging tinalunan ni Ebony kung saan narito pa rin ito ngayon.
Ilang sandali pa ay lumangoy pataas si Ebony. Iba na ang aura nito. Malalim ba ang pool? Nagtaka siya kasi kung bakit parang ang lalim ng ipinag dive ni Ebony.
"Malalim ba ang pool?"
"Two hundred Feet,"
Nagulat siya. Two hundred feet? Ang lalim nun kumpara sa ordinaryong pool na may six feet lang ah. kung sabagay bakit pa siya magtataka eh, maaaring gawa yun ni Benz ang ganun kalalim na paghukay, ito ang Elemental Keeper of Earth. Pero ang ganun karaming tubig? hindi niya alam, wala sa kanila ang Elemental keeper of Water.
"Gusto mo bang pumunta sa ilalim?" Tanong ng babae.
Napakunot ang noo niya. Sasagot pa sana siya ng bigla siya nitong hilahin. Ayon na nga, nasa tubig na rin siya. Hindi pa ito nakontento talaga, hinila pa siya nito at lumangoy sila papunta sa ilalim ng pool.
Doon niya napansing isa na pala itong sirena. Naisip niya na may control din pala ito sa tubig. How could he be so Dumb to forget what Ebony can do. Aside from Water, may kaalaman din si Ebony sa kapangyarihan ng lupa at hangin, pero wala sa apoy. Kahit ganun mas malakas pa rin at maraming alam ang tatlong Elemental Keeper kesa kay Ebony.
Napakalawak ng lower part ng pool. Napakarami ring isda at iba pang Sea Creatures. Nakatagal siya sa ilalim ng tubig dahil magkahawak sila ng kamay ni Ebony. Kaya nitong imanipulate ang hanging hinihinga niya at ang tubig para makatagal siya.
***
Nakabalik at nakabihis na sina Sane at Ebony ng mapansin nilang walang katao-tao sa loob. Isa lang ang ibig sabihin nun, nasa Head Quarter sila.
"Nasa HQ sila Sane, Halika pumunta tayo dun" wika ni Ebony
Tinungo nila ang isang silid. LIbrary iyon. Lumapit si Ebony sa isang shelf at inusog ang isang libro. Gumalaw ang shelf na animo isang pinto at tumambad sa kanila ang isang hagdanan pababa.
Narating nila sa loob ng limang minuto ang 'Head Quarters'.
Naroon nga sila, pero ang tanging nandoon ay si Kev, Benz at Razik lamang.
"Anong nangyayari Kev? Nasaan sina Inayra at Zia?" boses iyon ni Ebony
"We detected the presence of the Armlet, nasa National Museum ito at pumunta doon si Inayra at Zia para kunin ito." Sagot ni Kev sa tanong ni Ebony. Kasalukuyan itong nakaharap sa computer.
Ang armlet ay isa sa Clout Element sa Aindria na kung sino man ang nakasuot nito ay nagbibigay ng kapangyarihan. Hindi nasusugatan ang nagsusuot nito.
"Pupunta kami." ani Sane
"Wag na Sane kaya na nina Inayra at Zia yun." Sagot ni Kev
*******************************************************************
Isa sa Clout element po ang Armlet na yun. Pito po ang Clout Element, malalaman po ang iba pang Clout Element sa next Chapters ng Story.
Razik and Benz's Pic nasa Right side po. Nandoon na rin ang kay Sane sa 'Demon' Chapter, huli ko na kasi nilagay. :)
*Credits to Google.com
Your Comment will be a help :) Thank You :)
BINABASA MO ANG
Stained Blood (Enchanted Gangsters)
AdventureIn order to save the Aindria, they must find the Aegre- a Red Nightingale that posses a power and can stop the Shadow of Darkness from conquering the world. They are the Killian, but well-known as the dangerous and deadly Enchanted Gangsters. Gang...