Face Off

728 28 3
                                        

Pagkatapos ma-Ipark ang sasakyan ay agad nang bumaba sina Mae at Benz. Nakita nilang may isang sasakyang naka-park dun, marahil ay pag-aari iyon ng Harlin Gang. Ibig sabihin baka nauna sila.

Magtatagpo sila sa isang abandonadong building upang doon makipag-trade. Malayo-layo rin ito sa City Proper kaya mangilan-ngila lang ang mga gusali doon at hindi pa daanan ng mga sasakyan ang kinatatayuan ng building. Madumi ang nasabing Building, nagkalat din ang mga bubog ng mga salamin at maraming ring kumakalat na  mga yero, dagdagan pa ng mga vandals sa mga pader dito.

Tahimik lang silang naglakad papasok sa  loob ng building. Pagkatapos nila noon magka-usap ni Mae sa gilid ng pool tungkol sa kanila ni Venni ay hindi na sila nagkaroon ng panahon magkausap na tanging silang dalawa lang. Naging awkward na sila sa isa't-isa, hindi niya man alam kung sino ang tinutukoy nito sa sinabi niya at sa kung ano man ang ibig sabihin nun.

"Mae?" tawag niya sa babae

"Huh?" tugon naman ni Mae na hindi man lang siya nilingon at patuloy lang ito sa paglalakad.

"Yung tungkol sa-"

"Gebhuza Gang!" putol ng babae sa sasabihin niya.

Tiningnan niya ang direksyong tinitingnan ni Mae at nakita niya sa bintana ng building na bumababa mula sa sinasakyang kotse ang leader na si Marvis, kasunod ang dalawang babaeng kasama nito.

"We need to hurry Benz, nasa fifth floor ang Harlin Gang." ani Mae

Mabilis silang tumakbo paakyat, kung maaari lang ayaw nilang maka-Encounter ang mga buwayang Gang na yun.

Narating nga nila ang kinaroroonan ng Harlin Gang. At tatlong babae lang ang nadatnan nila, ang leader na si Scholastica, si Gieca at ang babaeng pinaglaanan niya ng pag-ibig- si Venni.

"Hello, Guys! You made to be the first to arrive!" masiglang bati sa kanila ni Scholastica, tipid namang ngumiti si Gieca at si Venni patay- malisya lamang na tinapunan sila ng tingin.

"Dala na namin ang Golds at Gems," ani Mae

"Oh, that's good to hear, and I think ang value nyan ay sakto sa pinagkasunduan natin?" si Scholastica uli

Hindi mapanganib ang Harlin Gang para sa kanila, basta't tumutupad ka lang sa mga kasunduan. Hindi na ito sumasali sa gulo ng mga Gang sa paghagilap sa Aegre, pero aktibo naman sa paghanap sa ibang Coult Element at ipakikipag-Trade sa kanila.

"Yes. We need the transaction to be fast." Wika uli ni Mae.

"Sure, Razik, walang problema diyan." Akmang kukuhanin na ni Scholastica ang isang 'di kalakihang bag na nakapatong sa lamesa ng may magsalita mula sa di kalayuan.

"Not so Fast, Girls...and one guy over there.." Aniya na tinukoy pa si Benz na nag-iisang lalaki. 

Si Marvis iyon, kasunod ang dalawang babaeng kasama niya- si Lou at Celyn. As usual, pareho pa rin ang get up ng mga ito, Hayok na mga Gangsters, parang pinagsamang Rockstars at adik. Tinalo pa ng mga babaeng 'to ang eyeliner ni Avril Lavigne at ang bibig ng mga ito ay itim na itim din, tulad ni Marvis ang mga mukha nila ay pwede nang mapagkamalang tray ng mga hikaw.

"Oh, Marvis! I regret to say na naunahan na kayo ng dalawang Clove na ito." Saka ngumiting wika ni Scholastica.

"Mukha nga, pero baka pwede namang hatiin, hindi ba? sampu ang Mga medalyong 'yan, saka nasa kanila na ang ibang Coult Element, wag naman nilang solohin." Mahabang litanya ni Marvis.

"Wala sa usapan yan, Marvis. And Correction, isa lang na Coult ang hawak namin." Mataray na pahayag ni Mae

"Tama si Razik, Marvis, once na maibigay na namin to sa kanila, pwedeng kayo na lang ang mag-usap? Ayaw naming makisali sa gulo eh." singit ni Venni

Stained Blood (Enchanted Gangsters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon