Lifeless Forest

538 11 2
                                    

“Mahal na Salima!”  Yumukod sa kanya ang mga Barbaro nang makita siya

“Tumayo kayo, ituro niyo sa akin ang daan palabas,” Nagtatakang nagtinginan ang mga barbaro, lalo pa at nagtataka rin ang mga ito kung bakit niya kasama ang matandang bihag ng mga Aglaecan. “Ang ibig kong sabihin, samahan niyo ako sa labas dahil pupugutan ko ng ulo ang matandang ito. Ano ba?! Tutunganga lang ba kayo?!” Nagmamadali namang sumunod ang mga barbaro ng sumigaw siya.

Hindi nagtagal ay tuluyan na silang nakalabas sa kastilyong itim. Napakadilim ng paligid, tanging apoy lang mula sa mga sulo ang nagbibigay tanglaw, kahit ang buwan ay nagdadamot ng liwanag.

“Ngayon, tumalikod kayo,” Nag-aalangan na namang muli ang mga ito kung susunod ba sa utosi ni Salima, “Tumalikod kayo!” Sigaw niya kaya natakot na naman ang mga itong muli at sumunod s autos niya.

Tumalikod sa kanila ang limang barbaro. Tinapunan ng makabuluhang tingin ni Salima ang kasamang matanda saka tumango.

Itinaas nito ang hawak na tungkod at nagliwanag ang batong nakalagay dito.  Tumama ang liwanag sa mga barbaro at sa isang iglap ay naging daga ang mga ito na nagsitakbuhan sa kung saan-saan.

Isang uri ng Mahika.

Habang si Salima naman ay nagsigalawan ang balat nito at nagbago ang anyo.

“Umalis na tayo Daphryl, bago pa tayo mahuli,”

“Pero paano si Abril?” Marahang umiling si Onniec

“W-wala na siya,” Nanlumo si Daphryl sa narinig, maaaring hindi nito nakayanan ang bagsik ni Mikan

Tinakbo na nila ang kakahuyan nang marinig ang mga ungol ng mga papalapit na mga barbaro. Kailangan nilang tuluyang makatakas bago pa si Salima ang makaharap nila.

**

“Nasaan na ba tayo, Sane? Kanina pa tayo paikot-ikot eh,” Halos puro patay na puno lang ang nadaraanan nila. Ang alam nila nasa malaking gubat sila ng Aindria, patay na gubat kung tutuusin dahil wala ka nang makikitang nabubuhay dito, kahit mga puno ay walang buhay. Nakakatakot din ang katahimikang namamayani.

“Magpahinga na lang muna tayo dito,” Umupo siya sa ilalim ng malaking puno. Kanina pa nga sila lakad ng lakad ni Inayra. Napunta pa sila ng Aindria nang wala sa oras, ang problema pa ay dahil wala silang medalyon para makabalik sa mundo ng mga tao. Hindi na rin nila naabutan si Grey.

“S-sandali narinig mo ba yun?” Napatayo si Inayra na kaka-upo lang. Napatayo rin si Sane nang marinig ang kluskos at tila ba mga ungol.

Hanggang sa lumakas nang lumakas ang mga ungol na iyon.

Grrrrrrrrrrrrrrr!!!

Lumabas sa dilim ang malalaki at mababangis na mga hayop.

“Mga Balakan!” Pinalibutan sila ng mga nagsilabasan na mga Balakan. Tumalikod sila sa isa’t-isa at pinagdikit ang kanilang mga likod at inihanda ang mga sarili.

Naghagis si Inayra ng Yelo sa lupa at lumikha ito ng malalaking ice spikes para hindi makalapit ang mga hayop. Humugot na rin si Sane ng palaso para ibala sa kanyang pana.

“Sane!” Nagulat si Inayra nang unti-unting natutunaw ang mga ginawa niyang yelo hanggang sa mawala ito ng tuluyan, walang bakas na nagkaroon ng yelo ang lupa kanina. “Anong nangyayari?”

Mabilis na lumundag sa kanila ang mga Balakan. Isa-isa itong pinana ni Sane, direkta sa ulo at dibdib. Hindi napansin ni Inayra ang isang balakan kaya sinakmal siya nito at nagpagulong-gulong sila ng hayop. Akmang kakalmutin na siya nito pero mabilis niyang hinugot ang katana sa likod niya at inunahan ito. Tinarak niya ang sandata sa ulo nito.

Stained Blood (Enchanted Gangsters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon