Seed of Protector

547 13 2
                                    

Isinara ni Elyn ang binabasang libro, hindi rin naman siya makapag-concentrate, wala siyang naiintindihan sa kanyang binabasa kaya itinigil niya na lang. Isang oras na ang nakalipas nang umalis sina Ebony at hindi siya mapakali sa magiging resulta ng paghaharap nila kay Salima sa gabing ito.

Ipinatong niya ang libro at nilingon si Sadheek na tumayo nang makitang tumayo siya, hinawakan niya ito sa ulo at hinaplos-haplos, kumawag-kawag naman ang buntot nito.

 “Hay.. Kailan kaya babalik yung amo mo Sadheek? Sabi nila baka daw doon na makipagkita sa kanila sina Sane,” Tumahol naman ang aso bilang sagot sa kanya. Napabuntong-hininga na lang si Elyn, kung may magagawa lamang siya.

Ano nga ba ang magagawa niya? Isang hamak na tao lamang siya, kahit nga siguro pinaka-mahinang Killian ay wala siyang laban.

“Alam mo—“ Naputol ang sasabihin niya nang makarinig ng katok sa pintuan. Nagtaka siya dahil walan naman siyang inaasahang pupunta dito ngayon.

Tumayo siya at akmang lalapit sa pintuan nang biglang umangil si Sadheek na nakatingin sa pinto.

“B-bakit Sadheek?” Humarang sa kanya ang aso at humarap ito sa pinto na patuloy na umaangil kaya mas lalo siyang kinabahan.

Patuloy na kumakatok ang sinumang tao na iyon, palakas ng palakas na akala mo ay nagmamadali hanggang sa tumigil ito.

Hindi pa rin tumitigil si Sadheek sa pag-angil, ang kaninang kaba na naramdaman niya ay napalitan na ng matinding takot.

“S-sadheek, umakyat na lang tayo sa taas,” Hindi pa rin tuminag ang aso. Umatras siya ng kaunti upang maghanap ng pwedeng gawing pantanggol niya sa sarili. Natatakot siya hindi lang para sa sarili niya, kundi pati na rin sa anak niya.

Nagulat na lamang siya nang kung anong may tumama sa pinto na tumalsik ito papunta sa kanila, mabuti na lamang at maagap si Sadheek, nag-giant form ito at sinangga ang pinto.

Nagimbal si Elyn sa mabilis na pangyayari, mula sa labas ay nakita niya ang anino ng isang babae at naglakad papasok sa loob.

“Hindi ko alam na may matatagpuan pala akong makakain dito,” Wika ng babae

“S-sino ka?” Tanong ni Elyn. Habang si Sadheek ay mas lalong naging mabagsik.

“Hindi na importante iyon, mamamatay ka lang rin naman,” Sagot nito. Marahil ay hindi nagustuhan ni Sadheek ang sinabi nito kaya sinugod nito ang babae.

Naglaban ang dalawa, kaya lumayo si Elyn sa takot na mahagip. Kahit na dambuhalang tutuusin si Sadheek ay nahirapan itong kalabanin ang babae. May itim na kapangyarihang bumabalot sa mga kamay nito habang nakikipaglaban sa dambuhalang aso.

Ang babaeng kalaban ni Sadheek ay ang nakatakas na kampon ni Zecilla, ang babaeng tagapamuno ng Demons- si Sultana.

Hanggang sa Hawak-hawak na nito sa leeg si Sadheek. Parang walang bigat ang dambuhalang aso na itinaas niya at itinapon sa kabilang sulok ng bahay, marami ng mga gamit ang nasira dahil sa paglalaban nila.

Pilit na tumayo si Sadheek, pero muli lang itong natumba dahil sa panghihina nito. Hanggang sa binalot itong muli ng puting usok at bumalik sa dating anyo.

“Walang kwentang aso, tatapusin na kita!” Itinaas nito ang dalawang kamay at lumabas ang itim na shakra.

Naalala ni Elyn ang puting hiyas na ibinigay sa kanya ni Ebony. Dali-dali niya itong kinuha sa bulsa ng kanyang dress at itinutok sa babae.

Hawakan mo lang ang hiyas at pag-isahin mo sila ng katawan mo, magconcentrate ka at susundin ng hiyas kung ano ang idinidikta ng iyong isipan

Stained Blood (Enchanted Gangsters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon