Nang masigurong wala ng nabubuhay na halimaw ay napagdesisyunan ni Elsent na umalis na para hanapin ang mga Clove.
Nagliwanag ang katawan niya at sa isang iglap ay kasinlaki na lamang siya ng paru-paro na lumilipad. Napansin niya ang kotseng nakatirik sa daan,inisip niyang sundan ang daan kung saan nakaharap ang kotse, maaaring pauwi na ang babaeng Killian, hindi niya matukoy kung Clove ba ang Killian na iyon, pero bahala na, kailangan niya pa ring mabalaan ang lahat ng Killian. Nagsimula na siyang lumipad muli at sinundan ang daang iyon.
****
"Muntik na pala talaga nakatakas yang Clove na yan ano? At ginaya pa talaga ang anyo ko!" Wika ni Zana habang nakaupo sa sa gilid ng mahabang lamesa na iyon. Kasalukuyan silang nasa HQ nila habang hinihintay si Mikan, may mahalaga daw itong sasabihihn sa kanila.
"Ano ka ba Zana? Nung isang araw pa iyon nangyari, ngayon mo lang nalaman." Pakli ni Abril na walang gana makipag-usap sa dakdak ng dakdak na si Zana.
"Eh, sa walang nagbalita sa akin eh, naku na lang! Lahat kasi kayo may sariling mundi lalo na si-
Naputol ang sasabihin sana ni Zana ng makita si Mikan na paparating.
"Oh, Hi Mikan, what took you so long?" Ani Zana
"Umayos ka ng upo Zana, kung ayaw mong pilayan kita." Matabang na sagot ni Mikan, kaya umayos naman ng upo si Zana.
"Bakit ka nagpatawag ng meeting Mikan?" Si Grey.
Magkakaroon tayo ng panauhin, pero hindi niya alam na alam kung darating siya." Sagot ng babae.
"At sino naman iyon Mikan, aber? Ani Abril
"Maghintay ka lang Abril, dahil mag-uumpisa na ang hinihintay nating paghahari hindi lang sa Aindria, kundi pati dito sa mundo ng mga tao." Wika ni Mikan
Napataas na lang ang kilay ni Abril.
Ilang sandali na ang lumipas na naghihintay lang sila doon habang nakapalibot sa lamesa, walang nagsasalita, walang gustong makipag-usap sa isa't-isa. Malalim ang pag-iisip na tila ba may sariling plano. Ewan nga ba kung paano sila nagkakasundo sa mga desisyon at mga plano nila kung ganitong wala silang paki-alam kung anong nagyayari.
"Ano ba ang plano mo Mikan? I-memorize yung mga facial features ng bawat isa? aba memorize ko na yun!" Wika ni Zana na hindi na nakatiis, panis na kasi ang laway niya. Katunayan nga ang taas-taas na ng level niya sa Candy Crush sa paglalaro simula kanina. Ganun siya ka updated sa Technology.
Naningkit lang ang mga mata ni Mikan, nabubwiset siya sa kadaldalan ni Zana. Sa halip na magsalita ay bumuga lang siya ng hangin.
Hindi nagtagal ay parang nanikip ang dibdib ni Zana at sunod-sunod ang pag-ubo nito. Dahil dun ay naagaw niya ang atensyon ng mga kasama.
"Mikan, Stop it!" Mahina ngunit madiing sabi ni Grey. Huminga lang naman si Mikan ng lason at pinalanghap nito kay Zana.
"Wag kang mag-alala, mild lang yan, para matigil yang bunganga niya." Sagot ni Mikan
Hindi nagtagal ay nahimasmasan na rin si Zana at hindi na rin umimik, mukhang natakot na nga ito.
"Ano ba kasi ang pla no mo Mikan?" Ani Grey na inip na inip na rin. "Marami pa akong ga-
"She's here." Putol ni Mikan sa sasabihin ni Grey.
Naramdaman ni Grey ang kakaibang atmosphere sa paligid, tila ba bumigat ito. Gayun din ang mga kasamahan niya kaya nag-focus na rin at nakiramdam.
"What's Happening?" Ani Greacoh
Hindi na nila magawang sumagot dahil lumitaw mismo sa harapan nila ang isang itim na usok kasabay nun ang isang babaeng naka-itim.
BINABASA MO ANG
Stained Blood (Enchanted Gangsters)
AdventureIn order to save the Aindria, they must find the Aegre- a Red Nightingale that posses a power and can stop the Shadow of Darkness from conquering the world. They are the Killian, but well-known as the dangerous and deadly Enchanted Gangsters. Gang...
