“Narito na tayo,” Ani Benz. Nakatayo sila sampung metro malayo sa itim na kastilyo, nagkukubli sa malaking puno para hindi mapansin ng mga nagbabantay na barbaro.
Sa gitna ng kadiliman ng gabing iyon ay hindi maikakaila ang kapangyarihan sa kakaibang liwanag ng buwan. Naghahalo ang malamlam na kulay ng pula sa natural na liwanag nito.
“Ang dami nila,” Ani Razik na ang tinutukoy ay ang mga nagbabantay na barbaro. Organisadong nakatayo ang mga ito ng pangkat-pangkat bitbit ang kani-kanilang mga naglalakihang mga sandata, naghahanda rin sa inaasahang laban.
“Wala pa rin ba sina Sane?” Si Gieca
Walang sumagot sa tanong na iyon ni Gica, nagkatinginan na lamang sila saka marahang umiling.
“Maghanda na lamang tayo, huwag na natin silang hintayin, ang importante masira natin ang gagawing ritwal ni Salima,” Ani Scarlet.
“Kumilos na tayo,” Ani Benz
Anim lamang silang susugod sa kastilyo ni Salima. Hindi nila alintana ang daan-daang mga barbarong bantay, kasama pa rito ang mga Aglaeca na haharang sa kanila bago nila makaharap si Salima.
Ang kanilang plano ay haharapin ni Ebony, Khalil at Mae ang mahigpit na pagbabantay ng mga Barbaro habang lihim namang pupuslit sa loob sina Scarlet, Gieca at Benz.
Sa loob na lamang sila magkikita-kita. Maghaharap muna ng mano-mano si Salima at Scarlet habang hindi pa kumpleto ang mga taga-pangalaga.
Nauna nang lumapit sina Ebony sa mga nakaharang na malalaking tinik na nagsisilbing harang mula sa loob ng palasyo.
Ilang saglit lang ay naalarma ang mga barbaro dahil sa mabilisang pagtupok ng asul na apoy sa mga malalaking tinik.
“Humanda kayo!” Ani Ebony. Humugot sila ng mga kani-kanilang sandata, habang Ang mga barbaro ay tuluyan nang sumugod sa kanila.
Hindi pa man nakakalapit ng tuluyan ang mga halimaw ay isa-isa nang natutumba ang mga natatamaan ng mga pamaypay ni Mae na lumilipad sa ere.
Binalot naman ng asul na apoy ang kamay ni Khalil papunta sa kanyang braso, bawat katawan ng barbaro na matamaan ng kanyang apoy ay nabubutas. Katangian ng asul na apoy na taglay niya ay tunawin ang anumang bagay na madapuan nito.
“Parang hindi sila nauubos,” Komento ni Mae. Pansamantalang natigilan sina Ebony at Khalil sa sinabi niya, tiningnan nila ang paligid at mukha ngang hindi man lang nabawasan ang dami ng mga kalaban.
Bahagyang umatras si Ebony at inihanda ang sarili sa gagawin.
Hengen Maata, Ottaaja Feho!
Binalot ng nakakasilaw na puting liwanag ang buong katawan ni Ebony, nang mawala ang liwanag ay tumambad sa kanilang paningin ang katawan nito na kalahating kabayo na puti ang kulay. May hawak na spear si Ebony na ngayon ay ang Spirit of Earth na.
“Rawwwgghhhhh” Malakas na ungol ng Barbaro at saka muling sumugod sa kanila.
Mabilis na umikot si Ebony at nakagawa ito ng bilog sa lupa gamit ang spear niya, lumiwanag ang bilog at inihampas niya sa lupa ang spear, mula doon ay sumabog ang liwanag na dahilan ng paglaho ng mga barbaro na natamaan, binura ng liwanag ang presensya ng mga ito.
“Hindi niyo mauubos ang mga Barbaro!” Napalingon sila sa nagsalita at nakita nila mula sa di kalayuan na nakatayo si Greacoh kasama nito si Zana na nakangisi pa sa kanila.
“Akala niyo ba mauubos niyo sila na kayo lang? Tsk!” Ani Zana. Itinaas nito ang bolang Kristal na hawak kung saan may itim na usok sa loob na paikot-ikot.
BINABASA MO ANG
Stained Blood (Enchanted Gangsters)
AdventureIn order to save the Aindria, they must find the Aegre- a Red Nightingale that posses a power and can stop the Shadow of Darkness from conquering the world. They are the Killian, but well-known as the dangerous and deadly Enchanted Gangsters. Gang...