Full Moon (TWO)

920 22 10
                                    

Kap's Note:

Update na po ako..mehehe. Magiging busy na po ako sa pag-process ng mga papales ko, mag-aabroad na po ako eh.. (Hindi po, biro lang ^_^) Haharapin ko na po kasi ang totoong mundo (Nakss) Kailangan ko na kasing pag-ipunan ang magiging bukas ng magiging asawa ko (Panes).. Parang gusto ko ng maging Angelito: Batang Ama. haha

Andami kong sinasabi. Nag-update na rin po talaga ako dahil naka 20 Reads na rin naman yung previous Chapter, yun kasi sabi ko eh, mag-a-update na ako pag umabot na ng 20 Reads..

Dinededicate ko rin ang chapter na to kay AfterMat .. hehe.. Thank You sa Comments naisipan ko tuloy mag update na rin; at sa pagsali mo sa akin sa Collab story mo na Crossing Boundaries- Basahin niyo po yun maaaliw kayo sa Adventure ng ilang bet niyong Author at Characters sa story nila.mehehe

Happy Reading Guys! Sabihin niyo kung magulo na at boring... ititigil ko na to.. Joke po, iimprove ko..

********************************************************************************************************

Napalingon si Zia at Sane sa lugar kung saan may sumabog. Malakas at malapit lang ito kaya kita pa nila ang itim na usok mula sa kinaroroonan nila.

"Zia, Mauna ka na, pumunta ka kung saan maraming tao na pwedeng biktimahin ng mga halimaw." Ani Sane

"Pero saan ka pupunta?"

"Sa may Police station, malapit lang yun dito. Kailangan nating ipaaalam sa kanila ang nangyayari."

"Okay," Sagot ng babae.

"Sadheek, Sumama ka na kay Zia." Ani Sane na binalingan ang alagang aso. Umungol lang ito tanda ng pag-tugon.

Nagpalit ang aso sa Giant Form nito at sumakay na si Zia, nagsimula na itong tumakbo palayo. Habang si Sane naman ay dumiretso na sa Police Station.

***

Napuno ng usok ang lugar na iyon kung saan pinangyarihan ang pagsabog. 

Nasa gitna ito ng highway kung saan nakapagitna sa mga building na puro establismiyento at pawang mga sarado na kaya walang katao-tao.

Ngumiti ang babaeng naka-itim, ngiti ng tagumpay dahil walang kahirap-hirap niyang napatumba ang dalawang Killian.

Akala niya malakas ang mga ito. Pero hindi man lang siya pinagpawisan. Konting pwersa lang ng kapangyarihan niya ay nagawa niyang idespatsa ang kalaban.

Ang babaeng iyon ay walang iba kundi si Sultana, ang katawan ng mga Demons. Sa tatlong katawan na nilikha ni Zecilla ay si Sultana ang pinakamalakas, triple ang lakas  nito kumpara kay Eleanor at Severino.

Hindi maaaninag sa hitsura nito ang taglay na kapangyarihan. Naka-pony tail lang ang mahabang buhok nito na lampas balikat, maiitim ang tila ba eyeliner na nakalagay sa mga mata, Itim din ang bibig na para bang nag-eendorso ng uling na lipstick. Kung may nakakatakot man sa hitsura ni Sultana iyon ay ang mga mata nito, na mababakas ang tapang at walang pag-alinlangang pumaslang ng kahit na sinong mabangga niya.

Tatalikod na sana siya ng mahagip ng pandinig niya ang lumilipad na bagay patungo sa kanya. Paglingon niya ay isang bagay nga na mabilis na umiikot patungo sa kanya, mabilis niya itong naiwasan, pero hindi niya napansin ang isa pa at nahagip ang kanyang kaliwang braso. 

Patuloy na lumilipad ang bagay hangang  sa bumalik ito sa pinanggalingan- sa Kotseng sumabog.

Unti-unting nahawi ang usok at tumambad sa paningin niya ang babae na ngayon ay hawak na ang mga lumilipad na bagay kanina.

Stained Blood (Enchanted Gangsters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon