Unti-unting sumisikat ang Araw, natapos ang malagim at madugong gabi na iyon sa pagitan ng mga tao, ng mga lumusob na halimaw at sa mga Enchanted Gangsters.
Pero alam nila na simula pa lang iyon, o sa mas tamang salita nagsisimula na ang malakihang gulo ngayon.
Nakauwi na rin upang makapahinga ang mga Clove mula sa matinding bakbakang iyon, mabuti na rin lang at hindi natunton ng mga halimaw ang tirahan nila. At muli, naging laman sila ng Media, sa pagkakataong ito ay naging mabango ang pangalan nila sa mga tao kahit papaano.
Pagkatapos maligo ay sumalampak si Mae sa sofa sa sala, nandudoon rin si Zia at Kev na naka-upo.
"Shit talaga ang Demonyong babaeng yun, muntik na talaga kami, dudurugin ko talaga yun next time." Ani Mae na hindi pa rin mapakali sa nangyari dahil natakasan siya ng naka-engkwentrong Demoyo.
"Sino naman kasi yun?" Tanong ni Zia habang nililinisan at nilalagyan ng kolorete ang mga kuko.
"Ewan, basta may taglay siyang lakas, like duh, kung hindi lang siya umatras sa laban ,puputulan ko yun ng ulo." Ani Mae.
"Maaaring bagong likha ni Zecilla, ibig sabihin nasa kanya nga ang berhargang hiyas kung bakit nakakagawa siya ng halimaw na tulad ng sinasabi mo." Sabat naman ni Kev sa usapan nila.
"Oo, hindi nga siya pangkaraniwang Demon, pwedeng leader yun nila. Ah, ewan, basta pagnagtagpo ang landas namin uli, hindi ko na siya bibigyan ng second Chance na mabuhay." Litanya ni Mae.
***
"Nakalabas na ng Aindria si Salima, anong gagawin natin, Hulyana?"
"Hindi ko rin alam, dapat nating mahanap ang ilang Killian na nandudoon upang mabigyan sila ng babala." sagot ng tinawag na Hulyana. Walang kakayahan makita ng mga Mata ang mg pangyayari tungkol kay Salima, ganun siya ka makakapangyarihan.
Ang dalawang nag-uusap ay sina Hulyana at Kae. Iilan sila sa mga Hada, sila ang mga Tamawo na may mga pakpak na tulad ng sa tutubi at paru-paro. Nakatira ang mga ito sa loob ng mga puno sa Aindria. Nung sinakop ng kadiliman ang buong Aindria ay hindi nito nalukob ang mga puno kung saan nakatira ang mga Hada, dahil na rin sa angking lakas ng mga kapangyarihan nito. Halos lahat sa kanila ay babae, iilan lamang ang mga lalaking Hada.
Si Hulyana ang pinaka-pinuno ng mga Hada at pumapangalawa rito si Kae. Siya rin ang nagsisilbing Gabay ng Timog, habang si Kae naman ang Gabay ng Hilaga. Silang mga Hada ang mga Gabay na nagbibigay ng balanse sa Aindria bago pa ito nilukob ng kadiliman.
"Kailangan nating magpadala ng isang Hada upang ipaabot ang mensahe sa kanila." Mungkahi ni Kae.
"Mabuting mungkahi yan, Kae, ngayon din ay magpatawag ka ng pagpupulong sa mga may tungkulin." Ani Hulyana
"Masusunod."
Lumipad na palayo si Kae upang ipatawag ang mga may tungkulin sa pamunuan ng mga Hada. Agad din naman itong tinugon at ilang saglit lang ay nagsimula na ang pagpupulong.
Ang pamunuan ay binubuo ng apat na makapangyarihang babaeng Hada kung saan sila rin ang Gabay, kasama na sina Hulyana at Kae. Ang Pantas, ang Pinuno ng mga Kawal at ang Guro.
"Unti-unti ng lumalakas ang kapangyarihan ni Salima, at unti-unti na rin siyang nabubuo, Ngayon ay nasa mundo na rin siya ng mga tao, kailangan may isa sa atin ang pumunta doon." Ani Hulyana
"Tama si Hada Hulyana, nais ni Salima na kitilin ang mga buhay ng mga Killian dahil ito ang balakid sa kanyang paghahari." Segunda naman ni Victor, ang Pantas. May hawak itong baston kung saan nagmumula ang kanyang kapangyarihan.
"Sino naman Hada Hulyana ang maghahatid ng mensahe sa mga Killian?" Tanong naman ni Eufren, ang pinuno ng mga kawal ng mga Hada. Sa pamunuan ay tanging sila lamang ni Victor ang lalaki (Hadeo- Tawag sa mga lalaking Hada).
"Ako. Ako ang pupunta sa mundo ng mga tao. Ako ang maghahanap sa mga Killian."
Napatingin ang lahat sa babaeng nagsalita na walang iba kundi si Elsent. Si Elsent ang isa sa apat na Gabay. Siya ang Gabay ng Kanluran.
"Kung ganun, ipapahanda ko na kay Perlas ang mga kakailanganin mo Hada Elsent." Wika ni Hulyana na ang tinutukoy ay ang Guro.
"Mag-iingat ka sa paghahanap sa mga Killian Hada Elsent, dahil ang iba sa kanila ay mapanganib, iilan lang na mga Killian ang may mabuting kalooban." Wika naman ni Victor
Tumango lamang si Elsent bilang pagtugon. Ilang sandali pa at natapos din sa pagpupulong ang mga Hada.
**
Naka-upo si Elsent sa Hardin ng palasyo ng lumapit sa kanya si Perlas. Si Perlas ay may malusog na pangangatawan, siya ang may pinakamatalas na pag-iisip sa lahat ng mga Hada kaya siya ang inilagay sa katungkulan bilang guro.
Marahan siyang umupo sa tabi ni Elsent na nakatingin sa kawalan.
"Alam kong may iba ka pang dahilan kung bakit ninais mong ikaw ang magbigay ng mensahe sa mga Killian." Ani Perlas
Lumingon naman si Elsent sa nagsalitang babae. Pagkaraan ay inalis din ang paningin at ibinalik sa kawalan. Ilang segundo rin bago ito nagsalita.
"Umaasa pa akong buhay siya, Perlas. Umaasa akong buhay pa ang kapatid ko, buhay pa si Gamaliel."
Si Gamaliel ang nakababatang kapatid ni Elsent. Nung panahon ng pagsakop ng kadiliman ay nasa bayan ito ng mga tamawo. Dahil si Gamaliel ay kalahating Hadeo lamang, ang Ina nito ay isang Tamawo, kaya ibig sabihin kapatid niya lang ito sa kanyang ama. May nakapagsabi na na kasama ito sa ilang mga tamawo na maswerteng nakabukas ng lagusan papunta sa mundo ng mga tao upang iligtas ang mga buhay nila.
Ilang linggo na lang at darating na uli ang kaarawan ng kanyang kapatid, maglalabing anim na taon na sana ito.
"Mag-iingat ka sana Hada Elsent, ngayong nandudoon na si Salima, posibleng makaharap mo siya, ngunit sana bago mangyari yun ay mahanap mo na ang mga Killian."
"Tatandaan ko yan, Perlas." Sagot ni Elsent. "Pero paano ko mahahanap ang mga Killian na makakatulong sa atin?" Dugtong nito.
"Mga Clove. Yun ang pagkaka-alam kong may mabuting pakay sa Aindria, pero mag-ingat ka sa isa kanila." Seryosong Turan ni Perlas sa huling sinabi.
"Bakit?"
"Dahil nasa kanila ang isinasaad na Banta. Ang Banta ay maaaring maging mahigpit na kalaban ng kadiliman at maaaring ring magdulot ng pinsala at kamatayan sa mga nilalang dahil sa magiging kapangyarihan nito, hindi pa lamang nalalaman kung ito ba ay tuluyan ng nagising sa pagkatao ng isa sa mga Clove." Paliwanag ni Perlas.
Alam na rin ng mga Hada ang tungkol sa Banta ngayon, pero hindi lang nila matukoy kung sino ang banta at kung nabuhay na ba ito sa pagkatao ng isang Clove.
***
BINABASA MO ANG
Stained Blood (Enchanted Gangsters)
AdventureIn order to save the Aindria, they must find the Aegre- a Red Nightingale that posses a power and can stop the Shadow of Darkness from conquering the world. They are the Killian, but well-known as the dangerous and deadly Enchanted Gangsters. Gang...