Epilogue

1.1K 12 1
                                    

"Sane, sigurado ka ba na tutuloy tayo?" 

"Nandito na tayo, Inayra, kaya wala nang atrasan," ani Sane saka ito nagpatiunang naglakad. Sumakay sila sa Leukos at inihatid sa tulay, saka bumalik ang mga ito. Napabilis ang pagdating nila, dahil sa angking bilis ng mga leukos

Sumunod naman agad si Inayra dahil sa kakaibang takot na nararamdaman, kasalukuyan na silang tumatawid sa isang tulay papunta sa kabilang bahagi, ang Gunerius.

Iginala ni Sane at Inayra ang paningin nang makarating sa kabilang bahagi ng tulay, nasa lupain na sila ng Gunerius. Napakatahimik ng paligid na nagdadala ng kakaibang pakiramdam sa paligid, nakadagdag pa dito ang mpusyaw nakulay berdeng fog.

"Halikana," Walang nagawa si Inayra kundi ang sumunod kay Sane, buo na talaga ang loob nito na pigilan si Grey, wala nang atrasan.

Tinatahak nila ang daan papunta sa maliit na burol sa pinakagitna ng Gunerius, ang sabi ni Hada Chariya sa kanila ay doon nila makikita ang lixa.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Sane kay Inayra nang mapansing pakumpas-kumpas ito ng kamay.

"Hindi ko rin magamit ang kapangyarihan ko dito,"

"Tulad nang nangyari sa walang buhay na gubat, hindi rin gagana ang kapangyarihan mo dito sa Gunerius. Kasama sa pagkakasumpa sa kanila na sinuman ang makaapak sa lupain nila ay mawawalan ng bisa ang kapangyarihan, kaya mag-ingat tayo, maaaring may nag-aabang na panganib," Wika ni Sane

"Oo nga, nakakapagtaka dahil wala talagang katao-tao dito,"

Napailing na lang si Sane, naisip niyang wala naman talagang tao dito, dahil mga tamawo ang nakatira sa mundo ng Aindria.

Umabot rin ng mahigit kumulang tatlumpung minuto ang nilakad nila bago makarating sa sinasabing burol.

"Nandito na tayo," Maraming puno ang nasabing burol, mas lalong natakot si Inayra dahil nakakatakot din ang mga punong nakatirik dito.

"S-sane, sure na ba talaga to?"

"Kung gusto mo, maiwan ka na lang dito," ani Sane saka muling nagpatiuna sa paglakad.

"Ano?! sira ka ba? Nakatakot kaya mag-isa dito," Hinabol niya si Sane at nagsimula silang akyatin ang burol.

Ilang sandali pa ay nakarating sila sa tuktok ng burol, tumambad sa kanilang paningin ang tumpok ng malalaking tipak ng bato, sa pinaka-gitna nun ay may isang bagay na kumislap.

Agad nilang nilapitan ang kumislap na bagay at nakita nila na iang itong gintong lalagyan ng kung anong bagay na nakadikit sa malaking tipak ng bato.

"Kung hindi ako nagkakamali, dito nakalagay ang Lixa, ibig sabihin nakuha na ito," Ani Sane

"T-tama ka, tingnan mo," Ani Inay ra na tinuro ang mga bakas ng sapatos sa lupa. Yumukod si Sane at siniopat ito ng maigi.

"Bago lang ito, hindi pa nakakalayo si Grey," ani Sane na tumakbo at sinundan ang mga yapak.

"Sure ka si Grey, talaga yun ha?" Ani Inayra habang habol-habol si Sane

Sinundan nila ang mga bakas ng sapatos hanggang sa unti-unting mawala ito. Tumigil sila sa malawak na bahagi ng burol kung saan walang masyadong puno. Inilibot nila ang kanilang paningin para makita kung nandirito pa ba si Grey.

"Sane! Ayun siya!" Nilingon ni Sane kung saan nakaturo si Inayra, at nakita niya ang kilalang-kilala niyang bulto ng katawan, si Grey. Mahigit tatlumpung metro ang layo nito sa kanila at hindi pa sila nito napapansin.

Halika-Arghhh!" Impit na napaungol si Sane ng kung anong matulis na bagay ang tumusok sa balikat niya tagos sa harap.

"Sane!" gimbal si Inayra ng makita kung ano ang bagay na iyon.

Galamay ng isang higanteng nilalang na mahahawig sa gagamba,pero mas nakakatakot ang isang ito. Mabilis na hinugot ni Inayra ang katana at pinutol ang galamay na ito bago pa iangat si Sane sa ere.

"Sane, ayos ka lang ba?"

hindi siya sumagot sa halip ay itinulak ang babae para makaiwas sila sa muling pag-atake ng mga higanteng halimaw.

Gamit ang kanilang sandata ay nakipaglaban sila sa mga halimaw, pero may nagsisidatingan pang iba. Nilingon ni Sane si Grey, pero wala na ito, ang tanging nakita niya ay ang portal pabalik sa mundo ng mga tao.

Hindi niya na napansin ang pag-atake sa kanya, muli siyang natusok ng galamay ng halimaw, sa pagkakataong iyon ay sa likod na niya tagos sa kanyang tiyan, napabuga siya ng dugo dahil dun.

"Sane! hindi!" Kusang binunot ng halimaw ang galamay niya kaya napaluhod si Sane at napahandusay sa lupa.

Muling umatake ang halimaw pero naunahan na ito ni Inayra, itinarak niya ang katana sa ulo nito dahilan para mamatay nang tyuluyan.

"S-sane!" dinaluhan niya si Sane na patuloy ang pagsuka ng dugo.

"U-umal-umalis k-ka na I-inay..ra,"

"Hindi, Sane, hindi kita pwedeng iwan," Unti-unting tumulo ang luha sa mga mata ng babae dahil sa sitwasyon niya.

"I-iligtas m-mo ang sarili mo. ugh..ugh.." Umiling-iling lang si Inayra bilang tugon "S-sige na!" Pilit na tumayo si Sane at itinaboy si Inayra. "Malapit nang m-magsara ang p-portal inayra, ka-kailangan mong ma-makapasok dun at p-pigilan si G-grey, h-humingi ka ng t-tulong sa k-kanila,.. Sige na!" Itinulak niya si Inayra at wala na itong nagawa kundi sundin ang lalaki.

Nakita niyang nagiging mapusyaw ang liwanag ng portal, kaya tinakbo niya na ito. Nang makarating siya sa harap ay muli siyang lumingon sa kinaroroonan ni Sane, nakita niyang may mga paparating pang mga halimaw.

"S-sane..." Iyon lang at pumasok na si Inayra sa portal at agad din itong naglaho.

Kinuha ni Sane ang katana na naiwan ni Inayra at inihanda ang sarili sa pag-atake ng mga halimaw. Pero sa pagtataka niya ay tumigil ang mga ito ilang hakbang malayo sa kanya.

Nagkaroon ng nakakasilaw na berdeng liwanag ang sumalubong sa kanya kaya napapikit si Sane. Pagdilat niya ay tumambad sa kanya ang pitong nilalang na nakalutang at nakapalibot sa kanya, nakasuot ang mga ito ng kulay green na cloak kaya hindi niya maaninag ang hitsura ng mga ito.

Hindi na alam ni Sane ang mga sumunod na nangyari, namalayan niya na lang na kinakain na siya ng berdeng liwanag mula sa mga kamay ng mga nilalang na iyon.

Hindi niya maipaliwanag ang nararamdamang sakit, parang pinupunit ang bawat himaymay ng kanyang laman at para bang may pinapalitan sa kanyang pagkatao, may kung anong bagay na hindi niya maintindihan na pumapasok sa kanyang mga ugat at humahalo sa kanyang dugo . Hindi niya nakayanan ang sakit hanngang sa pawian na siya ng ulirat.

Ikaw ang magiging kasangkapan sa pagbabalik sa kapangyarihan ng Gunerius, nanakawin mo ang bawat kapangyarihan at enerhiyang taglay ng sinumang kakalaban sa iyo. At dapat mong kitlin ang buhay ng sinumang nagnakaw ng pag-aari ng Gunerius.

Pagkatapos magsalita ng pinuno ng mga nilalang na iyo ay naglaho ang mga ito sa kawalan, ganun din ang mga halimaw.

Stained Blood (Enchanted Gangsters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon