Into the Darkness

697 23 15
                                    

 Alas Sais ng umaga.

Maaga pa lang ay abala na sina Ebony sa paghahanda ng makakain nila, sa ngayon ay si Elyn ang tumutulong sa kanya. Hindi tulad nina Zia at Inayra, si Ebony ay tanging sa bahay lang, hindi ito nagta-trabaho.

Ang Ilan pa sa mga Clove abala na rin dahil maaga pa ang trabaho nila. Si Kev ay maaga pa kung pumunta sa HQ, dun ito namamalagi buong Araw.

Ang tanging tulog na lamang sa ganitong oras ay si Scarlet, palaging tinatanghali ito kung gumising, pero hindi naman sila nagrereklamo dahil hindi naman ito pabigat.

Habang si Mae ay nakasalampak at nagbabasa ng libro na gawa ni Dan Brown ng biglang tumunog ang Intercom.

“Guys, All of you come here at HQ. Important message!”

Tinig iyon ni Kev. Agad namang tumayo si Mae at ilang sandali pa ay nagsilabasan na rin ang iba. Bawat kwarto nila ay may Intercom na konektado sa HQ, meron din sa sala kung saan kanina ay nakapwesto si Mae, ganun din sa kusina at maging sa labas ng bahay kung saan pwede silang tumambay.

Naghugas na ng mga kamay si Ebony dahil kasalukuyan siyang nag-gigiyat ng gulay ng marinig ang pagtawag sa kanila ni Kev.

“Elyn, ikaw na muna ang bahala dito, Baka magising si Scarlet, ikaw na rin ang bahala sa kanya, alam mo naman na wala pa siyang alam tungkol sa amin.” Ani Ebony

“Sige, Ebony, ako na ang tatapos dito, wag kang mag-alala.” Tugon ni Elyn.

Magkasabay na tinungo ng anim na Clove ang HQ. Doon nakita nilang nakabukas ang libro at nandu-doon na rin Ang Mata, sadyang hinihintay sila, kaya nagsi-pwesto na rin sila.

Ang Mata ay lumalabas lamang kung may mga importanteng nakikita ito, lalo na kung tungkol sa mga Coult Element. Marahil alam na rin nito kung nasaan ang iba pa.

“Mata, natukoy mo na rin ba kung nasaa ang ibang Coult element?” Si Mae

Hindi tungkol sa Coult element ang pagbubukas ko, Razik

 

“Kung ganun, tungkol sa ano?” si Zia

Ngayong gabi, ang kabilugan ng buwan, at isang babala ang nais kong iparating sa inyo mga Clove… Sapagkat ngayong gabi gagawa ng pag-atake ang mga kampon ni Zecilla, kaya’t maghanda kayo, protektahan niyo ang mga tao, dahil magiging madugo ang gabing ito.

Pagkatapos na magsalita ay nawala na ang mata na tila ba pumikit na uli ito, at unti-unting naglalaho ang liwanag hanggang sa tuluyan ng mawala ito sa paningin nila.

“At balak talaga maghasik ng lagim ng Zecillang yun ha?” wika ni Zia

“Oo nga, nakaka-gulo lang sila sa paghanap natin ng mga Coult. Dapat talaga magmadali na tayo para makabalik na tayo sa Aindria, nadadamay na ang mga tao.” Si Inayra.

“Ang mabuti pa maghanda na lang tayo, ihanda niyo na ang mga sandata ninyo. Kung na kay Zecilla nga ang itim na berhargang Hiyas, posibleng malakas ang hukbo niya ngayon.”

“Okay, Let’s go, this will be Fun!” Ani Inayra na naexcite.

“No Inayra, maiiwan ka dito kasama ni Scarlet at Elyn, hindi pwedeng walang maiiwang kasama ang dalawa dito.” Wika ni Kev

Ang kaninang Excitement sa mukha ni Inayra ay napalitan ng pagka-dismaya. Pero wala naman siyang magagawa. Tama si Kev, hindi pwedeng walang matira dito sa kanila.

**

Dumating ang Oras ng pagtatago ng Haring Araw, kasabay nun ang pagkalat ng dilim sa kalangitan.

Stained Blood (Enchanted Gangsters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon