I dedicate this to Wrongmistake101.. Thank You sa pag -Add mo ng stained Blood sa RL mo :)
*********************************************************************************************************
Sa kalagitnaan ng gabing iyon ay muling nagkaroon ng hindi kalakihang liwanag sa isang puno sa gitna ng siyudad na iyon, Ang punong iyon ay malapit sa abandonadong gusali kaya walang masyadong taong naliligaw. Lumabas sa liwanag na iyon ang isang magandang babae. Nang Tuluyan ng makalabas ay nawala ang liwanag, luminga-linga ito sa paligid, at ng masigurong walang tao ay nagsimula na itong maglakad.
***
Nakakulong na si Daphryl sa loob ng madilim at masikip na silid na iyon, pero heto at nakagapos pa rin siya. Matagal na siyang namamalagi dito, kailangan niyang makatakas sa lalong madaling panahon. Hindi niya alam kung ano ang pakay sa kanya ng mga Aglaecan, hindi niya alam kung ano ang mga binabalak ng mga ito kaya bago pa mahuli ang lahat tungkol sa kanya ay dapat na siyang makawala sa pagkakagapos at makatakas sa pagkakakulong sa kanya. Ilang beses niya ng sinubukan ito, ngunit bigo lamang siya.
Sinubukan niya muling kalasin ang taling nakagapos pero kahit anong gawin niya ay napapagod lamang siya at nasasaktan dulot ng mahigpit na pagkakatali. Isang lubid lamang iyon, pero alam niyang may malakas na kapangyarihang bumabalot dito sanhi para hindi niya magawang kalasin iyon, kaya walang kwenta ang kapangyarihan niya.
Nang bigla na lang may sumulpot na matandang babae sa harap niya. Naaaninag niya ito sa kakaunting liwanag mula sa mga siwang sa dingding, ang isa niya pang ikinagulat ay dahil parang espiritu lang ito dahil nakikita niya ang pintuan mula sa parang transparent nitong katawan. Mataman siyang tinititigan ng matanda, saka ito nagsalita.
"Alam kong nais mo ng makawala, tutulungan kita." Ani ng matanda.
"Sino ka? At paano mo naman ako matutulungan? May nakabalot na mahika hindi lang sa mga taling nakagapos sa mga kamay ko kundi pati sa buong silid na ito." Sagot niya
"Ako si Onniec, at ako ang may gawa ng pagkakabalot ng kapangyarihan at kaya ko rin itong mapawalang bisa."
Onniec? Kung hindi siya nagkakamali ay ang Killian ito na nasa ilalim ng kapangyarihan ni Mikan kaya anyong matanda ito, at bihag rin nila ito. Nahihiwagaan siya sa kapangyarihan nito, ibig sabihin hindi lang ito nagsisilbing Mata.
Nakita niyang ikinumpas ng babae ang mga kamay at sa isang iglap ay naramdaman niya ng umiba na ang atmospera ng paligid, parang gumaan ito. At ang tali sa kanyang mga kamay ay kusang nakakalag.
Pagtaas niya ng paningin ay wala na ang matanda. Dali-dali siyang tumayo at sinubukang buksan ang pinto, at nagpasalamat siya dahil walang kahirap-hirap na nabuksan niya ito. Maingat at tahimik siyang lumabas.
Isang mahabang pasilyo ang tumambad sa kanya na iniilawan ang paligid ng mga torch na nakasabit sa dingding na bato, luminga siya sa kaliwa at napagtanto niyang dead end na doon, kaya wala siyang pagpipilian kundi ang tahakin ang nag-iisang daan sa kanang bahagi ng pasilyo.
Tahimik pero mabilis na ang mga kilos niya, nakailang hakbang na siya ng tumapat siya sa isang silid kung saan ang pintuan ay rehas na bakal, tipikal itong kulungan. Ang ikinagulat niya nandoon ang matanda na tumulong sa kanya, Si Onniec. Nakaupo ito sa sulok ng silid na iyon na nakatitig sa kanya.
Sinubukan niyan buksan ang rehas na bakal, pero halos pumalibot na ang kadena dito, nalilito siya kung saan ba ang uunahin sa pagkalag.
"Umalis ka na. Huwag ka ng mag-aksaya ng panahon na iligtas ako dito." Anang Matanda
BINABASA MO ANG
Stained Blood (Enchanted Gangsters)
AventuraIn order to save the Aindria, they must find the Aegre- a Red Nightingale that posses a power and can stop the Shadow of Darkness from conquering the world. They are the Killian, but well-known as the dangerous and deadly Enchanted Gangsters. Gang...