Love on Top

795 28 5
                                    

Yumanig ang buong Palapag ng Building mula sa pagsabog. Nabalot ng makapal na usok ang buong paligid, ang ibang bahagi ng palapag ay nawasak.

Hangga't sa unti-unting naglalaho ang mga usok.

Naaninag na nina Mae at Benz ang ang mga kalaban. Naprotektahan ni Greacoh ang sarili at si Mikan ng kidlat nito na ipinalibot sa kanila. Maging si Mae sa gumawa din ng barrier mula sa hangin upang hindi sila masabugan, ang mge Gebhuz naman ay hindi nakaligtas at nagsipagtalsikan sila.

Wala na sa kinatatayuan ang mga Harlino, mabilis din ang mga itong naglaho na parang mga bula. Mga granada ang mga inihagis ng mga ito, at hindi iyon ordinaryo dahil sa lakas ng pagsabog nito.

Mabilis na nilisan ni Mae at Benz ang lugar, wala na rin naman silang mahihita doon, kesa naman harapin pa ang mga kalaban.

***

"Thank You! Come Again, Ma'am." ani Elyn sa customer na nagtake out ng kape.

Nagtatrabaho siya bilang cashier/ Waitress sa isang coffee shop. Alas dos ng hapon- iilan lamang ang mga customer sa mga ganitong oras, dadagsa lamang ang mga ito pagsapit ng alas cuatro. Sa ngayon nga ay tatlo lamang ang customer nila, ang dalawa ay estudyante na sa tingin niya ay nursing students at mukhang nag-aaral ang mga ito. Ang isa naman sa kabilang dulo ay matandang lalaki na tila ba kay lalim ng iniisip habang humihigop ng mainit na kape.

Napahikab si Elyn habang minamasdan ang paligid ng Coffee shop. High Class din itong matatawag, salamin ang mga dingding at naka aircon pa ito,naka tiles din at maganda ang interior designs, kung ganda lang ang tatanungin ay maganda rin naman at sosyal ang Coffee shop na iyon, yun nga lang hindi kasing sikat ng Starbucks.

Napalingon siya sa pintuan ng bumukas ito at tumunog ang wind chimes na naka-sabit doon. Pumasok ang matangkad na lalaki. Sa hinuha niya ay nasa 6'2" ang height nito.

Gwapo !

Umupo ang lalaki sa sulok ng coffee shop. Sakto namang kakaupo lang nito ng mapadaan si Lucille, isa sa mga katrabaho niya. Tinawag ito ng lalaki at nakita niyang may sinabi ito sa babae, ilang saglit pa ay bumalik na si Lucille sa counter kung saan siya naka-pwesto.

"Uy, Elyn, nakikita mo ba yung gwapong mama na yun?" Ani Lucille saka inginuso ang kinaroroonan ng lalaki.

"Oo naman, bakit?"

"Gusto ka niyang maka-usap."

"Huh? Bakit naman?"

"Aba, malay. Puntahan mo na lang."

Nagtatakang tumayo mula sa kinauupuan si Elyn at pinuntahan na ang lalaking iyon.

"Good afternoon sir, How may I help you? 

Ngumiti ang lalaki kaya lumabas ang pantay-pantay na ngipin nito.

"Hi, Elyn! Ako nga pala si Grey, kaibigan ni Sane, pinapapapuntahan ka niya sa'kin eh." tugon ng lalaki.

Nung una ay nagulat siya dahil kilala siya nito, pero nabangigit niya na kaibigan siya ni Sane ay naliwanagan naman siya. Hay naku, ganito ba ka gwapo ang mga kaibigan ni Sane? Ang ipinagtataka niya lang ay bakit hindi na lang si Sane ang pumunta dito?

"Ahy, bakit po? May problema po ba?"

"Wag mo na akong pino-po, hindi naman magkalayo ang edad natin eh, just call me Grey."

"S-sige, sir- I mean Grey, bakit ka niya pinapunta?" ulit niya

"Actually, naghihintay siya sa atin kaya pinapasundo ka niya." nakangiting turan ni Grey

Stained Blood (Enchanted Gangsters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon