A/N:
*O siya, nag update pa rin kahit wala pang comments. hahaha..Wala akong opinyon na mababasehan sa story. Naka-stock na kasi sa drafts eh.
*Pero masaya pa rin ako dahil kahit 10 days pa lang na nag-eexist eh may readers na rin naman..haha
*Idine-dedicate ko to sa isa sa mga author na nagagalingan ko with her story- Requiem book 1 and 2, si sinagtala :). Try to read it at malalaman niyo.. :)
***************
Masayang Nag-uusap si Sane at Elyn ng araw na iyon, halos buong maghapon na naman silang magkasama. Simula nang magkita silang muli pagkatapos niyang iligtas ito ay araw-araw na silang nagkikita.
Kasalukuyan silang naglalakad sa isang park.
"Elyn?"
"Hmm?"
"I like you."
Napalingon sa kanya ang babae, nagtatanong ang mga mata na ibig bang maunawaan ang mas malalim na pakahulugan ng sinabi ni Sane.
"Gusto kita Elyn, sana ganun din ang nararamdaman mo sa akin. Ngayon ko lang naramdaman ang bagay na ito, yung para bang masaya palagi. Kaya sana magkaroon pa tayo ng maraming pagkakataon na magkasama." Seryosong turan ni Sane habang ang paningin ay nasa kawalan.
"S-sane.." Tanging nasambit ni Elyn sa hindi inaasahang pagsiwalat sa kanya ni Sane ng nararamdaman nito sa kanya.
Doon na nakuhang lingunin ni Sane si Elyn, nais nitong malaman ang kasagutan mula sa babae.
"Ayos lang naman kung hindi eh, igagalang ko ang nararam-
"Gusto rin kita Sane!" Putol ng babae sa sasabihin ng binata. "At tama ka, kailangan pa natin ng maraming panahon upang makilala ng lubusan ang isa't-isa." Dugtong pa niya at saka ngumiti.
Dumaloy sa alaala ni Sane ang sinabi sa kanya ni Benz nang gabing ikinuwento niya ang tungkol sa pagligtas niya sa babae.
Marahil siya nga ang babaeng isinasaad ng Mata, Sane. Makipaglapit ka sa kanya, don't let her caught by the enemies. Bantayan mo siya.
Hindi siya nakipaglapit dahil sa posibleng ito ang babaeng tinutukoy ng Mata na magbibigay ng kapangyarihan para sa kapayapaan ng lahat. Alam niya sa sarili na umpisa pa lang ay may kakaiba na siyang naramdaman para kay Elyn, at ang nararamdamang iyon ang nagtulak para mas lalong makipaglapit dito.
Sinuklian niya ng isa ring matamis na ngiti si Elyn at saka hinawakan ang palad nito. binaybay nila ang parke na magkahawak-kamay.
Alam nilang masasaya pang mga sandali ang naghihintay sa kanilang dalawa.
***
Muling nagkatipon-tipon ang mga Clove sa kanilang HeadQuarters. Nagagawa nila ito na doble ang ingat lalo pang may ibang tao silang kasama- Si Scarlet. Hangang ngayon ay sa kanila pa rin ito nanunuluyan at tila wala pa rin tiong kamalay-malay sa pagkatao ng mga kasama.
"Tumawag ang Harlin Gang, at ito ay tungkol sa Medallion of Portals na hawak nila." Panimula ni Kev
"So, nasa kanila na pala ang isang Coult element?" si Mae
"Yes, and They are not interested with the element." si Kev uli.
"Really?! are they planning to give the Medallion to us?" ani Zia
"Correction, Medallions, sampu ito, and they won't give it to us for free, they want us to trade it for Gems and golds.
"What?! Halos panabay na sambit ng anim.
"Paano yun? May matitira pa ba sa atin niyan? lalo na kung sampu ang Medallion, sigurado malaki ang sisingilin nila." ani Zia ng makabawi sa pagkabigla.
"Mag- Ambag-ambag na lang tayo sa mga natitira natin." Singit ni Inayra
Bawat isa sa kanila ay may mga naipong Golds at Gems mula sa Aindria. Pero habang tumatagal ay unti-unti rin itong nauubos dahil sa mga pangangailangan rin nila.
"We don't have a choice guys, Importante ang Medallion, yun lang ang paraan para makabalik tayo sa Aindria at makapunta sa Dimensyon ng mga Hada upang makahingi tayo ng tulong. Bukas ang itinakdang araw ng Harlin Gang na makipagkita sa kanila, First come, First Serve daw, ibig sabihin alam na rin ito ng Aglaeca at Gebhuza Gang. Wika ni Kev na hudyat na trin na tinatapos niya ang meeting nilang iyon.
Isa-isa silang lumabas upang hindi magtaka si Scarlet kung saan sila nanggaling sakaling makita sila nito.
Alas siyete pa lang yun ng umaga, kaya ang iisipin ni Scarlet ay galing lang sila sa kanilang kwarto at kakagising lang.
Naunang lumabas si Mae, dumeretso siya kaagad sa malawak na bakuran ng bahay, at doon niya nakita si Scarlet na maaaring kakagising lang rin at masaya itong nakikipaglaro kay Sadheek at sa ibon ni Mae. Tila bang matagal na riin nila itong kaibigan.
**
Samantala, Nagpupulong rin ang mga Aglaecan tungkol sa pakikipagkita sa mga Harlino.
"May natitira pa naman akong ginto, dagdagan na lang ng kaunti, makukuha na natin ang mga Medalyon." Ani Abril matapos marinig ang pagpupulong mula kay Greacoh.
"Hah! Itago mo na lamang yang mga ginto mo, Abril, baka ikahirap mo pa." ani Mikan
Lihim naman na napataas ang kilay ni Abril sa sinabi ni Mikan.
"Bakit, Mikan? Marami ka bang Golds and Gems diyan? tanong naman ni Zana.
Marahang lumapit si Mikan kay Zana. Pinatulay nito ang kanyang mahahabang mga kuko sa mga balikat ng babae. Makikita sa kanyang mukha ang ngiting kakaiba.
"Walang makikipagpalitan sa mga Harlino! Mag-aaksaya lang kayo ng ginto!" ani Mikan.
"Wag mong sabihin na hindi ka interesado sa mga Medalyon?" Ani Abril na muling napataas ang kilay.
Isang masamang tingin ang ipinukol sa kanya ni Mikan.
"Ofcourse I am, Abril, wag kang masyadong slow. Kukunin natin ang Medalyon na hindi makikipagpalitan ng alinmang ginto o mga Gems." ani Mikan saka ngumiti na namng muli na bakas ang maitim na balak. "At ako ang gagawa ng bagay na yun!" dugtong pa nito.
********
Mikan and Abril's pic on side...
Credits to Google
BINABASA MO ANG
Stained Blood (Enchanted Gangsters)
AdventureIn order to save the Aindria, they must find the Aegre- a Red Nightingale that posses a power and can stop the Shadow of Darkness from conquering the world. They are the Killian, but well-known as the dangerous and deadly Enchanted Gangsters. Gang...
