“Abril,”
Huminto siya sa paglalakad nang marinig ang pagtawag sa kanya ni Zana.
“Bakit?”
“Hinahanap ka ni Mikan,”
“Bakit daw? Anong kailangan niya?”
“Bakit hindi mo na lang siya puntahan? Pero sa pagkakaalam ko kasi hinahanap niya si Grey. “ Nginisihan siya nito. “O siya, wag mo nang paghintayin ang babaeng bumubuga ng lason na iyon. Alam mo naman, feelingera rin yun. Babush! Dideretso na ako sa room ko,” Litanya ni Zana
Dideretso na ako sa room ko
Kusang umalingawngaw sa isipan niya ang huling sinabi sa kanya ni Zana. Napabuntong hininga siya, Nasa kastilyo na sila ni Salima. Kastilyong galing sa impiyerno, at dito na sila nakatira. Iniwan na nila ang dating tahanan.
Ayaw niyang mabuhay sa ilalim ng pamumuno ng isang demonyo. Paghahari at kapayapaan lang naman ang gusto niya, at wala siyang nakikitang kapayapaan sa mundo habang nabubuhay si Salima.
Sa halip na puntahan ang kinaroroonan ni Mikan ay ibang daan ang tinahak niya. Pupuntahan niya ang mga silid kung saan nakakulong ang kanilang mga bihag.
**
“Anong kailangan mo?” Bungad sa kanya ng isang bantay na barbaro.
Sa halip na sumagot ay hinagisan niya ito ng punyal kaya natamaan ito sa leeg at bulagta sa sahig. Sumugod naman sa kanya ang isa pa, ginamitan niya ito ng psyche kaya napaluhod ito at natulos, lumapit siya rito at binali ang leeg ng barbaro.
Maraming tao ang nakakulong. Isa-isa niya binuksan ang mga rehas na pintuan, hanggang sa makarating siya sa dulo at nakita niya ang pakay niya. Mabilis niyang binuksan ang pintuan, ramdam niya ang kapangyarihang bumabalot sa loob ng kulungan, kung nasa labas ka ay maaari mo itong buksan, nasa loob lamang ang bumabalot na kapangyarihan, ang dahilan ay para hindi makagamit ng kani-kanilang kapangyarihan ang nakakulong sa loob.
Nakita niyang tumayo ang babae na katabi ng matanda. Hindi ito nagsalita, pero bakas ang magkahalong galit at takot sa mga mata.
“Kailangan niyong tumakas, bilis!” ani Abril
“Pinapatakas mo kami? Bakit? Bakit mo kami tutulungan?”
“Im not helping you, I’m helping myself, okay? Kaya pwede ba? Bilisan niyo Daphryl, akayin mo na si tanda bago pa tayo pare-parehong mahuli dito.
Mabilis namang itinayo ni Daphryl si Onniec at lumabas na sila sa silid na iyon. Narinig nilang nagsisigawan ang mga tao. Napamura si Abril, nahuli na ang mga ito ng mga barbaro, hindi niya na sana pinakawalan pa kanina ang mga ito, tuloy, nagkaleche-leche na.
“Dito tayo sa kaliwa, maraming bantay diyan,” Tinahak nila ang kabilang pasilyo palabas.
Nang makarating sila sa dulo ay may hagdan silang nakita, naunang umakyat si Abril kaya sumunod na lamang sila. Hanggang sa marating nila ang dulo nito at bumungad sa kanila ang malawak na silid kung saan maraming mga pasilyo, nakakalitong tingnan, bihasa lang sa lugar na ito ang nakakaalam kung saan ang daan palabas.
“Dito, dito tayo,” Ani Abril
Sumunod lang sila uli kay Abril, nakakailang hakbang pa lang si Daphryl nang may pumulupott na tali sa pulsuhan niya at sa isang iglap ay tumilapon siya sa ere at bumagsak sa matigas na sahig.
“Daphryl!” Sigaw ni Onniec. Napalingon rin si Abril sa nangyari.
“May balak ka pa talagang patakasin ang mga yan?”
BINABASA MO ANG
Stained Blood (Enchanted Gangsters)
PertualanganIn order to save the Aindria, they must find the Aegre- a Red Nightingale that posses a power and can stop the Shadow of Darkness from conquering the world. They are the Killian, but well-known as the dangerous and deadly Enchanted Gangsters. Gang...