Full Moon (Three)

626 18 4
                                    

Para to kay FruityLemon.. haha

***********************************************************************************************************

Maraming Dugo ang Tumilamsik sa dingding ng kwartong iyon. Nagulat si Ebony, lumingon siya upang makita ang nangyari. Nakita niya ang isang bampira na nakaambang ikalmot ang mga kuko nito sa kanya pero hindi na natuloy dahil may nakabaong matulis na bagay sa katawan nito. Sa tingin niya tubo iyon. Nasa likod ng bampirang iyon ang may gawa ng pagkakasaksak ng tubo sa halimaw kaya tumagos ito sa tiyan, hindi niya maaninag ang mukha ng taong yun dahil nakaharang ang bampira.

Ilang sandali pa ay unti-unting naging bato ang bampira at nagkabitak-bitak na ito at tuluyan ng naging abo at nilipad ng hangin.

Doon nakita ni Ebony ang taong hindi man niya aminin ay nagligtas sa kanya. Oo, maaaring hindi siya mapapatay ng bampira pero mapipinsala naman siya kung nagkataon, pasalamat siya dahil iniligtas siya ng binatilyong ito. Tama. Binatilyo ito, sa tingin niya ay nasa Edad kinse lang ang lalaki.

May hitsura ang bata, sa kabila ng sakitin nitong katawan na nakasuot pa ng hospital gown ay bakas ang pagka-mestiso nito, sa Edad niyang iyon ay matangkad na ito. Ang nakaagaw pa ng pansin ni Ebony ay ang pares ng mga mata nito na kulay abo (Grey).

May mga pumasok pang mga bampira mula sa bintana kung saan nakatalikod ang bata, kaya maagap nang humarang si Ebony sa apat na bampira, nakaangil ang mga ito. Mabilis na sumugod ang tatlong bampira. Ang dalawa ay hinawakan ang mga pakapak ng babaeng ibon upang doon siya pigilan. Pero nagkamali ang mga ito sa ginawang iyon, dahil kung gaano katalim ang mga kuko ng babae ay ganun din katalim ang dulo ng mga balahibo mula sa pakpak niya, kaya nasugatan ang mga ito.

Ikinumpas din ng babae ang pakpak at ipinagaspas kaya nahagip ng mga ito ang mga braso ng dalawang bampira kaya naputol. Humiyaw ang dalawang bampira sa sakit. Habang ang binatilyo kanina ay ipinagsama sa nakitang stretcher ang limang sanggol na nasa kwartong iyon upang mailigtas ang mga inosenteng  buhay ng mga ito.

Hindi nag-aksaya pa ng oras si Ebony at tinapos niya na ang mga walang kwentang buhay ng mga ito, nakipagkalmutan pa siya sa dalawang natira na walang laban sa sukatan ng lakas sa kanya.

Ilan pang mga bampira ang nagtangkang pumasok dahil nakaagaw na sila ng atensyon. Lalo na ang pag-iyak ng mga sanggol.

Umatras si Ebony dahil masyadong madami ang mga nagsidatingang bampira, winasak na ng mga ito ang mga salamin sa bintana kaya lalo pang lumaki ang posibleng daanan ng mga ito. Hinila niya ang binatilyo at ang stretcher palabas ng kwartong iyon, mahihirapan kasi siyang makipaglaban lalo pa at maliit lang ang kwarto.

Nasa Hallway na sila ng mula hindi kalayuan ay humarang ang mga bampira, umatras sila at tinahak ang kabilang pasilyo, pero ganun din, may mga bampirang nagsisulputan, may mga bakas ng mga dugo ang mga bunganga ng mga ito. Sa tantiya ng babae ay hindi bababa sa sampung bampira sa magkabilaang hallway na iyon. 

Hindi rin siya basta-basta makakasugod dahil baka masalisihan siya at matangay ang mga sanggol. Pumwesto si Ebony, hihintayin niya na lang ang mga halimaw na makalapit sa kanya, na ngayon nga ay palapit na ng palapit sa kanila, humigit kumulang ay sampung dipa ang layo ng bawat bampira sa magkabilang sulok na iyon.

Nang biglang makarinig sila ng isang sipol. Lumingon siya sa pinanggalingan ng sipol na iyon, ganun din ang mga bampira, nakita niya si Scholastica ng Harlin Gang, nasa kabilang dulo ng pasilyo, sa likod ng mga bampira may hawak na malaking baril, sa tingin niya ay Machine Gun. Tumulong na rin yata sa mga tao.

Stained Blood (Enchanted Gangsters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon