Agonies

533 9 2
                                    

"Kev, aalis na sa makalawa si Inayra at Sane, hindi sila agad makakabalik dahil hahanapin nila ng maigi si Zia." Si Ebony. Kasalukuyan silang dalawa sa HQ, hinihintay kung may balita ba ang mata.

"Kung ganun, maghanda na tayo, huwag na tayong umasa sa Aegre, sarili lamang nating ang ating maaasahan sa ngayon." Ani Kev na napabuntong-hininga. Pilit nilalabanan ang tensyong namumuo. Ngayong nagsisimula na si Salima na maghasik ng lagim.

***

"Maaari ba tayong mag-usap?"

"Okay, speak."

"Mikan, anong binabalak mo? Ligtas ba tayo sa mga kamay ni Salima?" Ani Grey. Huminga ng malalim si Mikan bago nagbigay ng sagot sa tanong ng lalaki.

"That's the best option, Grey. Kung hindi ko ginawa yun, baka natulad na tayo sa Gebhuza," napakunot-noo si Grey sa tinurang iyon ni Mikan.

"What do you mean?"

"Gebhuza has been wiped out. Wala nang natira sa kanila, nag-imbestiga ako. Pinatay silang lahat ni Salima."

Napatingala na lamang si Grey sa kawalan. Ibig sabihin kailangan talaga nilang makisama dito. Alam niya ang kakayahan niya. Pero isang pitik lamang sila ni Salima ay mabubura na sila dito sa mundo. At hindi siya papayag na mangyari yun, malapit na siya sa kanyang binabalak. Malapit niya nang makamtan ito.

Oo, may sarili siyang balak. Balak na maghari at walang kasinglakas na Killian. Lihim niya iyon, na tanging si Abril lang ang nakaka-alam. Ito lamang ang kanyang pinagkakatiwalaan sa mga binabalak niya.

"I feel her," Mahinang sambit ni Mikan na bumasag sa pag-iisip niya.

"Ano?"

"Be ready, Grey. She's here!" Magsasalita pa sana si Grey ng biglang bumigat ang paligid. Sumulpot ang makapal na itim na usok at nang mahawi iyon ay tumambad sa kanilang paningin si Salima.

Agad na yumukod si Mikan na sinundan naman ni Grey. Hindi siya likas na matakutin, pero nang malaman niya ang nangyari sa Gebhuza ay nakaramdam siya ng takot dito.

"Kamusta ang pinapagawa ko sa inyo, Mikan?" Si Salima.

"Panginoon..." Iyon lang ang tanging naisambit ni Mikan. Hindi niya alam kung paano magsasalita.

"Nabigo kayo. Alam ko."

"Nakatakas sila Panginoon, mala-"

"Shhhhh.. MIkan." Putol ni Salima sa sasabihin niya. "Marami pa namang pagkakataon, pasasaan ba at mapapatay ko rin sila. Meron akong bagong ipapagawa sa inyo." 

"Ano po iyon, panginoon?"

"Berhargang Hiyas. Hanapin niyo ang pulang Berharga. Alam ko kung nasaan ito, ang gusto ko lang ay kuhanin niyo ito, dahil magsisimula na ako! Ha HA Ha Ha!"

"Masusunod po panginoon, asahan niyo po."

"Sa pagkakataong ito, umaasa akong hindi niyo ako bibiguin. Susukatin ko kung talaga bang karapat-dapat ang lakas niyo para paglingkuran ako. Wala akong balak na mag-alaga ng mga walang silbing nilalang! Dahil kung hindi, alam niyo na ang mangyayari." Litanya ni Salima bago ito binalot muli ng itim na usok hanggang sa mawala na sa kanilang paningin.

Napa-ismid naman si Grey at walang paalam na tumayo at umalis sa kinaroroonan.

***

"Sadheek.." 

Nakaupo si Sane sa tabi ng swimming pool, at nakalublob sa tubig ang kanyang mga binti. Nasa tabi naman niya ang alagang aso habang hinahaplos-haplos niya ang mabalahibong katawan nito.

Stained Blood (Enchanted Gangsters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon