"Ahhhhh!!! Bakit hindi niyo nakuha?" Sigaw ni Mikan sa mukha ni Zana. Walang nagawa ang babae, kundi ang yumuko na lang."Stop it, Mikan, sana ikaw ang pumunta dun ng malaman mo ang sitwasyon!" Mariing bigkas ni Grey. Sa kanilang grupo tanging si Grey lang ang kayang sumagot kay Mikan, dahil alam naman ng lahat na mas malakas si Grey kesa sa babae. Pero si Mikan ang prensesa ng Aglaeca kaya hindi sila masyadong pumapalag dito.
Tinapunan lang sila isa-isa ni Mikan ng masamang tingin saka tumalikod.
Tumalikod na rin si Grey upang umalis papunta sa silid niya. Katulad ng mga CLovis nasa isang underground ang hideout nila na nasa ilalim ng building. Isang Hardware store ang building na frontline nila sa hideout. Sila din ang nagma-manage nito.
Ngunit kabaliktaran ng HeadQuarters ng Clovis, ang Hideout ng Aglaeca Gang ay parang underground Cave, na naiilawan lamang ng mga apoy na nakalagay sa torch at nakasabit sa dingding.
Pagkapasok na pagkapasok ni Grey sa silid ay hinagisan niya ng apoy ang lamesa na nasa loob niyon. Galit na galit siya, particular kay Sane.
Hangang sa muling dumaloy sa kanya ang alaala ng kahapon.
Katatapos niya lamang magsanay sa paghawak ng sandata ng maisipan niyang maglibot at magpahangin, hangang nakarating siya sa loob ng kagubatan na nasasakupan ng Aglaeca. Hindi naman siya nakaramdam ng takot dahil alam niya naman ang kakayahan niya bilang isang Killian sa paghawak ng sandata. Hindi pa sumisibol ang kanilang kapangyarihan, dahil ayon sa kaalaman, kailangan pa nilang umabot sa labing pitong taon bago tuluyang maging isang ganap na Killian na nagtataglay ng isang kapangyarihan.
Labing limang taong gulang pa lamang siya ng mga panahong iyon.
Naisipan niya nang bumalik sa Palasyo kaya nagsimula na siyang humakbang pabalik. Nakaramdam siya ng mga kaluskos sa di kalayuan, kaya naging alerto siya. Mahigpit niyang hinawakan ang espada niya na nakasukbit sa kanyang bewang.
Hindi nagtagal ay nagsi-lundagan ang mga mababangis na mga hayop mula sa pinagtataguan ng mga ito at pinalibutan siya
Balakan!
Nakaangil ito sa kanya na handang siyang lapain. Limang balakan ang nakapalibot sa kanya. Pero hindi man lang siya nakaramdam ng kahit munting kaba.
Mabilis na lumundag ang isang Balakan upang siya ay dambahin kaya mabilis niya ring hinugot ang sandata niya, yumuko at pumaikot, lumundag rin siya papunta sa mabangis na hayop at iwinasiwas ang espada dito, bumagsak ang hayop at bulagta ito, Pagbagsak ni Grey ay nakaluhod ang isang paa nito, naging mas alerto ang mga mata. Tatlong Balakan na ang aatake sa kanya, mula sa likod ng bewang niya ay humugot naman siya ng mga maliliit na patalim at inihagis ito sa papasugod na hayop, ang dalawa ay nasapol sa leeg kaya sumirit ang dugo mula dito at hindi na ito nakasugod sa kanya, ang isa ay nakaiwas at nadaplisan lang sa balikat kaya patuloy ang pag-atake nito.
Mabilis siyang tumakbo at sinalubong ang Balakan, nang ilang dipa na lang ang layo niya ay lumuhod siya at lumiyad, sabay ng pagtalon ng hayop at pumaibabaw ito sa kanya, iyon ang magandang pagkakataon upang itarak niya ang espada sa dibdib ng hayop pababa sa tiyan nito.
Sumalubong sa kanyang mukha at katawan ang dugong umagos mula sa katawan ng Hayop. Hindi niya napansin ang pag-atake ng huling Balakan, ito ang pinakamalaki sa Limang balakan na umatake sa kanya.
Papatayo na siya ng dinamba siya ng natitirang Balakan, at dahil hindi siya nakapaghanda ay tumalsik sa di kalayuan ang espada niya.
Pumaibabaw sa kanya ang Hayop at lalapain na siya nito pero mabilis niyang nahawakan ito sa ulo upang pigilan sa pagtatangkang paglapa nito sa kanya. Nakadagan ito sa kanya kaya hindi siya makalaban dito. doble ang laki nito kumpara sa ibang ordinaryong balakan na kasinglaki lamang ng Leon
BINABASA MO ANG
Stained Blood (Enchanted Gangsters)
MaceraIn order to save the Aindria, they must find the Aegre- a Red Nightingale that posses a power and can stop the Shadow of Darkness from conquering the world. They are the Killian, but well-known as the dangerous and deadly Enchanted Gangsters. Gang...