Some of Informations lang po Regarding sa Story
Mga Uri ng naninirahan sa Aindria:
Tamawo- ito ang tawag sa mga naninirahan sa Aindria. Ang Ordinaryong Tamawo ay walang kapangyarihan.
Killian- Mga Tamawo na nagtataglay ng Kapangyarihan at itinakdang magpo-Protekta sa kani-kanilang kaharian.
Hada- Ito ang uri ng mga tamawo na may mga pakpak ng katulad sa mga paru-paro at tutubi. May kanya-kanya rin silang mga kapangyarihan
Sa Mga susunod pong chapters malalaman ang tungkol pa sa kanila
*************************************************
Aglaeca Gang's Place
Nagtitipon-tipon na rin ang grupo ng Aglaeca sa kanilang lugar, tungkol na rin sa kanilang mga hakbang. Kasalaukuyan nilang hinihintay ang resulta sa paghahanap sa iba pang Coult Element, lalo na sa Aegre.
Kung ang Clovis ay gamit ang Booklet kung saan naninirahan ang mata, ang Aglaeca naman ay ang ginagamit nila ay walang iba kundi si Onniec. Isa itong matandang Killian, pero ang totoo ay kasing Gulang lamang ito ng iba pang Killians.
Si Onniec ay ilan lamang sa mga Killians na hindi kabilang sa alin mang apat na kaharian sa Aindria, namumuhay ito sa kabundukan, pero bago pa dumating ang pagsakop ng Heiress sa buong Aindria ay dinakip ng mga Aglaecan si Onniec at sapilitang isinama sa Aglaeca at ginawang bihag. Napag-alaman nila ang kakayahan ni Onniec kaya dinakip nila ito.
Naging Matanda lamang ang anyo ni Onniec dahil sa kagagawan ng ina Mikan, ginawa niya itong matanda upang sumunod ito sa mga utos nila at upang gamitin na rin. Nangako si mikan na ibabalik niya ang dating anyo ni Onniec kapag nakuha na nila ang Aegre.
Ang kakayahan ni Onniec ay ang makagamot ng mga sakit at iba pang karamdaman sa katawan, at tulad ng Mata, makikita niya rin ang kinaroroonan ang ilang mahahalagang bagay ng Aindria, isa pa sa kakayahan niya ay ang gumawa ng spells, napapailalim ang kapangyarihan niya sa Element of Earth. Kaya siya ang ginagamit ng mga Aglaecan, laban sa mga kalaban nito.
Labag man sa kalooban ni Onniec ang ginagawa ay wala siya pagpipilian, hawak ng mga ito ang buhay niya.
"Matanda, matagal pa ba yan?!" singhal ni Zana, isa sa mga Aglaecan
Hindi sumagot ang nakapikit na si Onniec, ilang saglit pa umilaw na ang bato sa ulo ng baston ni Onniec, ilan pang sandali ay sumabog na ang liwanag mula dito, lumabas sa liwanag ang isang mabilis na mga pangyayari, hindi ito maintindihan ng mga nanunuod.
Saka nagsalita si Onniec
"Kanlurang bahagi ng daigdig, kanlurang bahagi ng dagat pasipiko. Nasa isang bansa kung saan matatgpuan ang isang lugar, nasa isang bahagi ito ng Rehiyon ng bansang ito kung saan makikita ang isang kilalang lugar na itinayo noon emperyo ng Inca."
Pagkatapos noon ay biglang naglaho ang liwanag, kasabay ng pagkatumba ni Onniec, nanghina ang katawan niya sa pagpupumilit na makapagbigay ng impormasyon sa mga Aglaecan, pero tanging iyon lamang ang nakuha niyang impormasyon.
Marahang lumapit si Mikan sa kinaroroonan ni Onniec. Nang makalapit na ay umupo ito upang makapantay sa natumbang si Onniec,. Marahan nitong hinaplos ang buhok ni Onniec, saka marahas na hinawakan ang baba (Chin) ng matanda.
"Tanda, yun lang ba ang kaya mong ibigay? Masyadong malabo! hindi mo nga sinabi kung anong Elemento yun!" Mahinahon ngunit halatang nanggigigil si Mikan
BINABASA MO ANG
Stained Blood (Enchanted Gangsters)
AdventureIn order to save the Aindria, they must find the Aegre- a Red Nightingale that posses a power and can stop the Shadow of Darkness from conquering the world. They are the Killian, but well-known as the dangerous and deadly Enchanted Gangsters. Gang...