Mesmerizing Bomb

543 14 4
                                    

Napahigpit ang hawak ni Zia sa kanyang baril ng makita ang mga nagsilabasang mga nilalang mula sa dilim- mga bampira. Nagsilabasan rin ang mga pangil ng mga ito at mga mahabang kuko na nagbabanta ng kamatayan sa kanya.

"Kamusta ka Killian?" 

Isang babaeng bampira ang lumabas rin mula sa dilim, ito ang nagsalita. Nararamdaman ni Zia na may taglay itong kakaibang lakas base sa aura nito.

"Sino ka?!" Asik niya rito

"Eleanor. Katawan ng mga bampira."

"Ow?" Napataas ang kilay niya sa narinig. "Marami na talagang pakulo si Zecilla ngayon noh, may katawan2x pang nalalaman ha?" 

Sa halip na sagutin siya ay binalingan nito ang mga alagad at pinasugod sa kanya.

Isa-isa niya itong pinaputukan hanggang sa maubusan siya ng bala. Ibinato niya sa papalapit na bampira ang baril, natamaan ito pero bahagya lang napaatras.

Patuloy ito sa pagsugod sa kanya, pero mabilis niya itinaas ang palda ng bestida at hinugot mula sa hita niya ang nakasukbit na dagger, itinarak niya iyon sa dibdib ng halimaw

Bullsh*t! Palagi na lang ako napapasabak sa labanan ah! Kapagod din noh!

Habang abala sa pakikipaglaban ay hindi niya namalayan ang paglapit sa kanya ni Eleanor na parang hangin sa bilis, huli na para iwasan ito dahil naramdaman niya na lang ang paglapat ng kamao ng babae sa kanyang mukha kaya tumalsik siya sa kotse niya mismo, tumalsik din sa kung saan ang kanyang dagger, hindi pa siya nakakabawi ay parang hangin na naman ito sa bilis at muli, naramdaman niyang bumaon ang mga kuko nito sa kanyang tiyan.

Tinadyakan niya si Eleanor, napaatras ito at natumba. Pinilit niyang tumayo pero nalugmok siyang muli, hinawakan niya ang kanyang sugat sa tiyan na alam niyang malalim ang pagkakahiwa.

Nakita ni Zia na muling lumapit sa kanya si Eleanor, unti-unting tumulo ang dugo mula sa bibig niya, nanghihina siya bigla dulot ng pagod at sugat na iyon, lalo na at nanlalabo na rin ang paningin niya.

"Mukhang hindi mo na kaya ah?" Ani Eleanor. Hinawakan nito ang buhok niya at hinila pataas, kaya napatayo na rin siya. "Ano kaya ang lasa ng dugo ng isang Killian? Hmmmm?" Dugtong pa nito

Ibinuka ni Eleanor ang bibig at lumabas ang dalawang matutulis na pangil nito, nakaambang kagatin siya, hanggang sa unti-unting inilapit nito ang kanyang mukha sa kanyang leeg.

Gamit ang natititrang lakas ay itinaas niya ang kanyang kamay upang ibigwas iyon sa bampira pero nasalag lang nito iyon. Wala na siyang magawa kundi  mapapikit  ng maramdaman ang pagbaon ng mga pangil nito sa kanyang leeg. 

Kung hanggang dito na lamang siya ay wala na siyang magawa. Wala na siyang magagawa kung hindi niya maipagpatuloy ang misyon.

Sana magtagumpay kayo mga Clove....

Naramdaman niya ang unti-unting paghigop ni Eleanor sa kanyang dugo na para bang mainit lang na sabaw. Pero Hindi nagtagal ay naramdaman niya rin ang pagkalas ni Eleanor sa kanyang katawan, pinilit niyang imulat ang mga mata, at nakita niyang tumalsik pala ito sa kabilang panig.

Hinarap siya ng taong tumulong sa kanya, at nagulat siya kung sino iyon- ito ang babaeng nabangga niya kanina paglabas niya ng CR, ang tila manyikang babae. Nakarehistro sa mukha nito ang pag-alala sa kanya.

Pero mabilis rin itong tumayo ng maramdamang nakabawi na si Eleanor at handa na itong sumugod.

"Diyan ka lang Halimaw!" Tila walang emosyong wika ng babae.

"Aba, at sino ka naman? Ang lakas ng loob mong pumasok sa gulo ah." Sagot ni Eleanor

"Hindi naman siguro ako makiki-alam kung alam kong hindi ko kayang kitlin ang buhay mo."

"Hah! Sugurin siya!" Ani Eleanor sa mga alagad.

Humakbang ang babae upang salubungin ang mga halimaw. Nag-umpisa ng mamigat ang talukap ng mga mata ni Zia, pero bago pa siya tuluyang panawan ng ulirat ay may isa na namang nilalang ang mabilis na binuhat siya at itinakbo ng walang nakakapansin.

***

Napunit ang damit ng babae sa likod at lumabas doon ang kanyang mga pakpak na siyang ikinagulat ni Eleanor at ng mga kasamang bampira. Isa itong pakpak na tulad ng sa tutubi.

"Sino ka?!" Tanong ni Eleanor

Tinitigan lang siya ng malamig ng babae, gumalaw ang mga pakapak nito na parang kumakaway at bigla itong lumiwanag. Mula sa lumiliwanag niyang mga pakpak ay may humihiwalay na maliliit na bilog na liwanag at unti-unting nagiging isang insekto na lumilipad na umiilaw din.

Bahagyang natigilan ang mga bampira at tila ba namamangha sa nakikitang ginagawa ng babae. Ang mga insektong iyon na kung tawagin ay alitaptap ay nagsiliparan at ang tinatahak ng mga ito ay ang tila pa naeengkantong mga bampira na ang mga mata ay nakatuon sa mga insektong lumilipad. Dahil dito ay bahagyang napangiti ang babae na patuloy ang paglabasan ng mga alitaptap sa kanyang pakpak. Kahit sino man ay matutulala sa kagandahan ng mga paglipad ng mga insekto, ngayon lang din ang mga ito nakakita ng ganun karaming alitaptap na lumilipad.

Hanggang sa nagsidapo ang mga ito sa mga bampira. Meron sa mga braso nito, meron rin sa mga balikat. Ang isang bampira ay dinapuan pa sa ilong kaya kinuha niya ito at maiging sinipat-sipat, pero nanlaki ang mata niya ng lalong lumiwanag ito at hindi na siya nakahuma ng sumabog ito, pero puting liwanag ang isinasabog nito na init at sakit din ang idinudulot sa kung sinumang matamaan.

Nag-umpisa na ring magsi-sabog ang ilang alitaptap na nagdudulot ng kamatayan ng mga halimaw. Naalarama si Eleanor, mabilis niyang tinapik ang mga alitaptap sa katawan bago pa ito sumabog, dahil sa angking bilis ay nagawa niya naman. 

Nakita niya kung paano magsi-sabog ang mga alitaptap na nakadapo sa katawan ng mga alagad at kinakain ito ng mga puting liwanag na nagdudulot ng kanilang kamatayan.

Napatingin siya sa dako ng babaeng may gawa nun, nakaramdam siya ng panganib, malakas ang babaeng ito, hindi niya man lang kanina naramdaman ang presensya nito ng sinugod siya habang ninanamnam niya ang dugo ng babaeng killian kanina. Hindi lamang nila nararamdaman ang presensya ng isang nilalang kung isa itong Killian o nagtataglay ng kung anong kapangyarihan. Mabilis na nilisan ni Eleanor ang lugar na iyon.

Lumipad ang babae para hanaping ang kaninang babaeng halimaw na sa tingin niya ang pinuno ng mga ito, pero hindi niya na nakita. 

Nagliliwanag ang lugar na iyon kung nasaan sila dahil sa pagsabog ng mga puting liwanag. Nang masigurong wala ng natira ay nilingon niya na ang Babaeng Killian, pero nagulat siya ng wala na ito sa kinasasadlakan nito kanina. Iginala niya ang paningin pero wala siyang maramdaman bakas nito.

Napakuyom na lang siya ng kamao dahil pagkakataon niya na sanang makatagpo ng isang Killian, pero nawala pa ito.

*****************************************************************************************************

Mag-ingay naman kayo diyan Dear Readers ^_^

**Sino naman po kaya ang babaeng ito? may Clue na kayo? Potpot

Yan po ang powers niya ang ,magproduce ng mga alitaptap mula sa pakpak niya na nagsasabog ng liwanag ... Ayos po ba?

 **Nagpapasalamat pa rin po ako sa mga nagbabasa nito, kahit kaunti lang kayo, pero salamat pa rin sa mga sumusubaybay at nagta-tiyaga,

 

Stained Blood (Enchanted Gangsters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon