Pabaling-baling sa kanyang higaan si Elyn, ala una ng madaling araw pero hindi pa rin siya dalawin ng antok. Hindi niya alam kung bakit, kung tatanungin ang tungkol sa higaan niya ay kumporable naman, hindi naman siya uminom ng kape o softdrinks na may caffeine. Napabuntong-hinga na lang siya, masyadong mahiwaga ang nangyayari sa kanya, hindi niya sukat akalain na makakapasok siya sa mundo ng mga nilalang na hindi normal.
Dapat siyang matakot para sa kanyang buhay, pero sa halip ay mas naging secured ang pakiramdam niya, at iyon ay dahil kay Sane. Hindi nabibigo ang lalaki na iparamdam sa kanya ang pagmamahal araw-araw. Masaya siya dahil nakilala niya ito, ang ipinagtataka niya ay paano siya naging isang takda, wala siyang maramdamang kakaiba sa kanyang katawan.
Tok! tok! tok!
Natigil siya sa pagmumuni-muni ng marinig ang marahang katok na iyon.
"Sino yan?"
"Ako to, please open."
Bahagyang tumibok ng mabilis ang puso ni Elyn ng marinig ang boses na iyon. Si Sane.
Hindi rin ba ito makatulog?
Tumayo si Elyn sa higaaan at tinungo ang pinto upang pagbuksan si Sane.
"Sane.."
Nakatayo si Sane sa labas at bahagya pang gulo ang buhok nito, halata ring hindi makatulog. Matiim lang itong tinitigan si Elyn.
"Sane.."
"Elyn.."
Inilapit ni Sane ang mukha niya kay Elyn at sa isang iglap ay magkalapat na ang kanilang mga labi. Kakaiba ang dulot niyon kay Elyn, simula ng magkasama sila ni Sane ay ngayon lang siya nito hinalikan, at sa disoras pa iyon ng gabi, o sa madaling araw pa.
Pero hindi niyang maikakaila na napakasarap ng halik na iyon ni Sane, nagdudulot ng kakaibang sensasyon sa kanyang katawan. Napakatamis ng mga labi nito, dahilan para walang magawa ang kanyang katawan para tumutol.
Namalayan niya na lang na inihiga na siya ng lalaki sa kanyang kama. Masyado ba niyang nilasap ang halik na iyon para hindi mamalayan na binuhat na siya nito?
Humiwalay si Sane mula sa kanilang pinagsaluhang halik, tinitigan nito ang kabuuang mukha ni elyn na tila ba kinakabisa nito ang bawat anggulo. Hanggang sa MAGTAMA ANG KANILANG PANINGIN.
Nagpakawala ng isang matamis na ngiti si Sane, bakas din sa mga mata nito ang pagmamahal sa babaeng minsan nang nagdulot sa kanya ng saya at sumukli ng pagmamahal.
Bahagyang namula si Elyn dahil sa titig na iyon, kinabig niya ang batok ng lalaki upang siya na mismo ang humalik dito. Hindi niya alam kung saan siya humugot ng lakas ng loob para gawin iyon. Muling nag-isa ang kanilang mga labi, hanggang sa naging mainit ang pagsasalong iyon.
Bumaba ang mga labi ni Sane sa leeg ni Elyn upang bigyan ito ng mumunting halik.
"Sane.." Ungol ni Elyn ng maramdaman ang kakaibang sarap sa ginagawa ng lalaki.
Alam niya ang mangyayari sa pagitan nilang dalawa, at alam niya ring hindi siya magsisisi.
***
Nagising si Sane dahil sa pagtama ng liwanag ng araw sa kanya mula sa labas ng bintana. Nilingon niya si Elyn na mahimbing pa ring natutulog. Napangiti siya at ginawaran niya ito ng halik sa noo.
Bumangon na siya at nagbihis, dahil na rin narinig niyang nagkakagulo sa labas. Agad siyang nagtungo sa kanyang kwarto upang ayusin ang sarili at dumiretso na siya sa sala. Nakita niya doon na nag-uusap ang mga kasamahan at bakas sa mga mukha nito ang problemang kinakaharap.
BINABASA MO ANG
Stained Blood (Enchanted Gangsters)
AdventureIn order to save the Aindria, they must find the Aegre- a Red Nightingale that posses a power and can stop the Shadow of Darkness from conquering the world. They are the Killian, but well-known as the dangerous and deadly Enchanted Gangsters. Gang...