“Inayra!” Mabilis na kumilos si Sane, itinaas niya ang kamay para makagawa ng barrier. Ilang dangkal na lang ang layo ng apoy kay Inayra, mabuti na lang at maagap niyang naiharang ang ginwa niyang barrier.
Ilang sunod-sunod pang mga apoy ang ibinato ng babae sa kanila hanggang sa tuluyang masira ang barrier.
“Sinasabi ko nga ba Sane eh! Kung hindi ako nagkakamali si Salima yung babaeng yan! Siya lang ang nakasira ng barrier mo. Ever!”
“Tama ka, HA HA HA!” Sabat ni Salima. Muling nagpalabas ng itim na apoy si Salima, sa pagkakataong ito ay malalaki na.
Ramdam ni Sane ang kakaibang init sa paligid. Nilingon niya ang portal, ilang Segundo nalang at magsaara na ito.
Kasabay ng paghagis ni Salima ng mga apoy ay hinawakan niya si Inayra at tumakbo sila papunta sa portal. Ga-buhok na lang ang distansya ng apoy sa kanila nang makatalon sila at makapasok sa portal, hanggang sa tuluyan na itong magsara. Ang mga apoy na pinakawalan ni Salima ay sa pader tumama.
***
Halos labing pitong oras na ang lumipas pero hindi pa rin sumisikat ang araw, tumingala si Ebony sa kalangitan, napakadilim pa rin nito, kakaibang dilim. Ito rin ang dahilan kung bakit madilim rin ang kapaligiran. Heto siya ngayon, mag-isang gumagala, hindi niya alam kung saan na siya dinala ng kanyang mga paa.
Nagkakagulo na ang buong siyudad, hindi niya alam kung buong mundo na ba ang nasa kadiliman.
Sa isiping iyon ay muling nagbalik ang ala-ala ng pinag-usapan nila sa HQ.
“Pula? Anong ibig mong sabihing pula?” Muling tanong ni Mae kay Scarlet
Sa Halip na sumagot ay tumayo ito, hindi nagtagal ay binalot ang buong katawan nito ng mapusyaw na pulang liwanag, nakakasilaw, kaya napatakip sila ng kanilang mga mata.
Hanggang sa namalayan na lang nila na wala na ang nakakasilaw na liwanag, at tumambad sa kanila ang isang pulang ibon.
Pulang ibon!
Ang Aegre!
Lahat sila ay gulat at pagkamangha ang rumehistro sa mga mukha, ibig sabihin si Scarlet at ang Aegre na matagal na nilang hinahanap ay iisa. Napakaganda nitong tingnan, bukod tanging kagandahan ng isang ibon.
Muli na naman itong binalot ng liwanag at bumalik na ito sa taong anyo. Kahit isa sa kanila ay walang masabi sa nalamang iyon. Hindi pa rin makapaniwala na nasa harap na nila ang Aegre, na matagal na pala nila itong nakasama.
“K-kung ganun, matatalo na natin si Salima,” Ani Mae na namamangha pa rin magpa-hanggang ngayon.
Hindi ganun kadali, Razik. Hindi basta-basta matatalo ni Era si Salima, pantay lamang ang kanilang kapangyarihan. At hindi nila maaaring mapatay ang isa’t-isa sa kanilang mga kamay, dahil magkarugtong ang kanilang buhay, kung papatayin ni Era ang kanyang kapatid gamit ang kanyang kapangyarihan, ibig sabihin mamamatay din siya, ganun rin kapag si Salima ang gagawa nun. Mapapatay lamang ang isa sa kanila, na hindi namamatay ang isa pa, kung ang gagawa nun ay ibang nilalang.
“Pero Mata, ang sabi ng aking Ina, ang Aegre lamang ang tanging makakagawa nun,”
“Ang kapangyarihan ko lamang ang makakatulong sa pagpigil kay Salima, Mae, yun ang isinasaad ng Mata,”
“Ano ba ang iyong kapangyarihan, Scarlet?” Singit niya
“Pagpapalakas ng enerhiya at kapangyarihan ng isang nilalang, Ebony. Kaya kong palakasin ang kapangyarihan ng katulad ninyo ng sampung beses sa orihinal na lakas nito.”
BINABASA MO ANG
Stained Blood (Enchanted Gangsters)
AventuraIn order to save the Aindria, they must find the Aegre- a Red Nightingale that posses a power and can stop the Shadow of Darkness from conquering the world. They are the Killian, but well-known as the dangerous and deadly Enchanted Gangsters. Gang...
