The Eye

1.5K 42 20
                                    

Naging Laman ng Balita ang nangyari sa National Museum na iyon.

"Ayon sa isang guwardiya ng museum ay isang babae ang bigla na lamang niyang nakita sa loob ng museum kaya agad niya itong tinawag, pero sinipa siya nito sa ulo sanhi ng pagkawala ng kanyang malay. Dalawa pa umanong lalaki ang nakita nila umano ayon pa sa dalawang guwardiya na pinatulog rin umano ng mga ito. Hinala ng autoridad ay isa ito sa mga grupo ng Enchanted Gangsters.

Malaki rin ang naging pinsala ng mga ito sa museum, ilan sa mga importanteng artifacts ay nasira at nawawala. Sa ngayon, nagpaplano na ang autoridad kung paano mapatigil ang mga Enchanted Gangsters sa mga gulong kanilang nililikha-

Pinatay na ni Kev ang TV. Kasalukuyang nasa sala sila ng bahay at nanunuod ng Tv nang biglang sumingit ang flash news na iyon.

"O bakit mo pinatay?" Tanong ni Mae

"Nakakainis kasi pakinggan eh."

"Ganun? pinatay agad? diba pwedeng ilipat muna ng channel?"  

Hindi na nito pinansin ang patutsadang iyon ni Mae. Sa halip ay nilingon ang iba pang kasamahan.

"We need to plan harder regarding of this guys, we need to finish this things and go back to Aindria. It's been five years after that tragedy." wika ni Kev. Ito ang Leader nila. Ito ang pinaka matalino sa kanilang lahat.

Kev, The Mindstorm. He has ability to go anywhere with the power of his mind. A man with a black hair, a pair of almond shape eyes and a fair complexion. "Gorgeous" That's what they call him 

Ilang sandaling namayani ang katahimikan saka nagsalita si Ebony. Si Ebony ang pumapangalawa kay Kev sa pagli-lead sa grupo nila.

"Tama si Kev, we need to hurry. Ngayong nasa kanila ang Armlet, siguradong mas mahihirapan pa tayong kalabanin ang Aglaeca, plus the two gangs. Isa pa hawak ng Mga Aglaecan si Daphryl. Kailangan natin siyang makuha, we don't know her situation in there."

"May lima pang natitirang Coult Element bukod pa dun ang Aegre, kailangan din nating makuha ang mga iyon."  sabat ni Inayra

"Tama ka Inayra, pero hindi natin alam kung saan ang mga ito makikita o hawak na ba ito ng mga kalaban, tanging Ang Mata lang ang makakapagbigay ng lead sa atin." si Ebony

Marami pa silang pinag-usapan tungkol sa mga isasagawang balak, saka nila ipinasyang magpahinga muna.

***

Tahimik na pinapanuod ni Benzsi Ebony na naliligo sa pool sa di kalayuan, isa na naman itong sirena, na nakikipaglaro sa mga isda. Lumapit sa kinaroroonan niya si Mae ng mapansing nag-iisa siya doon.

"Need to talk to?" tanong nito sa kanya, pero hindi siya sumagot. Tahimik lamang siyang nakatingin sa kinaroroonan ni Ebony. 

"Hindi ka pa rin maka-move on noh? dugtong nito.

Doon na napalingon si Benz kay Mae, nagpakawala naman ito ng alanganing ngiti. Inalis niya uli ang tingin sa babae, sa halip tumingala siya sa kalangitan, kay ganda ng mga ulap kung sana ganito rin kapayapa ang mundo nila ngayon, pati na rin ang mundo ng mga tao na nadamay na rin.

"Benz, It's been a long time ago, hindi ka na niya mahal, nakita mo, kalaban natin ang Gang nila, maski sila ay may personal na intensyon sa Aegre. Hindi mo-

"Stop it, Mae."

"Benz-"

"I said stoip it!" Napalakas ang boses ni Benz. Nilingon niya sa pool si Ebony, wala na ito, marahil sumisid na ito sa ilalim. Tiningnan niya si Mae, gulat ang nakarehistro sa mukha nito. Nagpasya siyang umalis. Lumakad siya at nilampasan lang ang tila natulos sa kinatatayuang si Mae.

Stained Blood (Enchanted Gangsters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon