I Dedicate this to Miss Aya!!! Thank You talaga.. hehehe
Dito na rin po mag-uumpisa kasi ang madugong Climax..haha
Happy Reading Guys!
****************************************************************************************************
Hankea Ilman Kaana Minusta Voima!
Yun ang narinig ni Kev na ibinulong ni Ebony sa hangin, at biglang lumiwanag ang buong katawan nito.
Lumabas sa likuran nito ang dalawang malaking pakpak na kulay puti. Ang mga Braso nito at mga kamay ay nagkaroon ng mapipinong Balahibo na tulad ng sa ibon, ganun din ang mga binti nito. Nagkaroon din ito ng matatalas na kuko. Ang mga maselang bahagi ng katawan niya ay binalutan din ng makakapal na balahibo, ang kanyang mga mata ay naging kulay berde, tanda ng mas matalim na mga paningin. Ang kulot niyang buhok ay maayos na na nakalagay sa likuran sa pamamagitan ng pag-ipit ng dalawang malalaking balahibo na na nakapwesto sa ibabaw ng kanyang mga tainga.
Isa na siyang ganap na Elemental Spirit of Air.
Lalo pang lumakas ang mga alulong ng gabing iyon, hindi matukoy kung iyon ba ay galing sa mga aso o sa mga taong-lobo na ngayon ay magsisimula ng maghasik ng lagim kasama ang mga bampira at mga demonyo.
Mula sa itaas ay tanaw nila sa ilalim ang mga pigurang mabibilis kumilos- Mga Bampira! At nakikita na rin nila ang mga taong-lobo na mabilis na palundag-lundag at palipat-lipat sa taas ng mga buildings.
"Ebony, Ikaw na bahala doon sa ilalim, Huwag mo hayaang makapasok ang mga bampira sa loob." Wika ni Kev. "Ako na ang bahala sa mga taong-lobo." Dugtong pa nito.
Lumipad na pailalim si Ebony upang harapin ang mga bampira. Ang building kung nasaan sila nakapwesto ay isang hospital, may sampung palapag ito, pinili nila doon dahil alam nilang malaki ang posibilidad na dito umatake ang mga halimaw. Mahihina ang mga tao dito at walang masyadong depensa.
Narinig ni Ebony ang ilang mga putok ng baril, kaya mas binilisan niya ang pagbulusok pababa.
Akmang kakagatin na ng bampira ang isang security guard ng mabilis niya itong sinunggaban sa ulo gamit ang mga kamay na may matutulis at mahahabang kuko na matutulad sa isang agila. Pagkatapos ay inihagis niya ito sa pader.
Hawak-hawak ng Security Guard ang leeg nito na muntik ng magripuhan ng bampira.
"Pumasok na kayo sa loob, tawagin niyo ang mga kalalakihan, huwag niyong hayaan makapasok ang mga halimaw sa loob." Ani Ebony sa Guard.
Tumalima naman ito pero halatang hindi pa nakaka-recover mula sa pagsilip sa kanya ni kamatayan.
Hinarap na ni Ebony ang iba pang mga bampira.
Kung gaano ka bilis ng mga ito ay ganun din siya kabilis. Dalawang bampira ang sumugod sa kanya, pero mabilis lang niya itong dinaklot sa leeg at inilipad pataas, pagkatapos ay malakas na inihampas sa semento mula sa itaas, sa lakas ay walang kawala ang dalawang iyon at nagkalasog-lasog ang katawan, hangang sa umapoy ang mga katawan.
Nakipagkalmutan pa siya sa iba pang mga bampirang sumusugod, pero dahil mas malakas at kahit marami ang mga halimaw ay walang laban ang mga ito sa babaeng ibon.
Isang taong lobo ang palipa-lipat ng building at naghahanap ng mabibiktima, isang lundag pa ng may sumulpot na lalaki sa harapan niya, hindi nakahanda ang taong lobo at naramdaman na lang nitong nakabaon na sa dibdib niya ang hawak nitong samurai.
Parehong bumagsak ang dalawa, ang taong lobo ay bulagta at unti-unting kinain ng apoy na nagmula rin sa katawan niya at ang lalaki naman ay nakaluhod ang kanang binti at nakatukod sa sahig ang hawak na Samurai, kasalukuyan silang nasa rooftop ng kabilang building, sa pagkaka-alam niya ay isa itong hotel.
BINABASA MO ANG
Stained Blood (Enchanted Gangsters)
AdventureIn order to save the Aindria, they must find the Aegre- a Red Nightingale that posses a power and can stop the Shadow of Darkness from conquering the world. They are the Killian, but well-known as the dangerous and deadly Enchanted Gangsters. Gang...
