"Salima!"
Humarang si Mikan kay Scarlet, may hawak itong latigo at inihagupit sa babae, pero maagap itong nakaiwas, sa halip ay si Gieca ang umatake sa kanya.
Ginamit ni Gieca ang liquid manipulation kay Mikan, hindi ito nakaligtas kaya tumalsik ito sa sulok.
"Hindi niyo ako kaya!" umalingawngaw sa silid ang mga boses na iyon. Napatda sila nang makita ang tatlong katauhan sa pisikal na kaanyuan ni Salima. Tatllong Salima ang kaharap nila ngayon.
Sabay-sabay na kumumpas ng kani-kanilang kamay ang tatlong Babae na si Salima at sa isang iglap ay napalibutan sila ng itim na apoy na mabilis na gumapang papunta sa kanila.
Maagap na pinalibutan ni Benz ng Earth Shield silang tatlo at pinalakas naman ito ni Scarlet.
"Maki-ayon ka na lang at sumama sa akin, Era! Wag mo nang pahirapan ang sarili mo sa mga walang kwentang nilalang na mga iyan!" Ani Salima
"Tumigil ka Salima!"
Nagpalabas naman ng water waves sa kanyang mga kamay si Gieca at lumaki ito dahilan para mamatay ang itim na apoy ni Salima.
Binalot ng makapal na usok ang paligid, hindi pa man sila nakakapaghanda ay sinugod na sila ni Salima, isa laban sa isa.
Dahil sa angking lakas ni Salima at hindi sila kumpleto ay nahirapan silang talunin ito.
"Hindi tayo pwedeng maghiwalay," Ani Scarlet
"Napakabilis nilang kumilos, kung sinuman sa dalawang Salima ang peke, napakahirap pa ring talunin," Ani Benz na mahaba ang nakaguhit na sugat sa braso na hindi nakaligtas sa pinsala mula kay Salima.
Hindi pa man si Benz nakakatapos ay naramdaman niya na lang na lumilipad ang sarili sa ere, kasunod nun ang malakas na sipa kaya sumadsad siya sa sahig.
"Katapusan mo na!" Itim na bolang apoy ang balak nitong ihagis sa lalaki, pero hindi natuloy dahil ang dalawang pamaypay ni Mae ang mabilis na tumama sa mga kamay ni Salima. Nadaplisan lang ito at hindi man lang nagkaroon ng malaking pinsala.
"Huwag tayong maghihiwa-hiwalay, papagitnaan natin si Scarlet, Hihintayin nating sila ang sumugod," Ani Mae na kakarating lang kasama si Khalil.
Nagsama-sama silang apat, habang ang paligid ay nagkakaroon na ng may kakapalang fog. Hindi napansin ni Mae na umatake si Salima sa tagiliran niya kaya hindi niya naiwasan ang kalmot nito na nagdulot ng mahabang sugat sa gilid ng tiyan niya.
"Mae!" Dinaluhan siya ni Benz at inalalayan dahil muntik na siyang matumba sa lakas ng impact. Habang si Gieca naman ay sinangga ang susunod pang atake ni Salima.
"Khalil, magpalabas ka ng apoy, kailangan natin ng liwanag," Ani Scarlet
Agad namang nagkalat ng maliliit na bolang apoy si Khalil upang mabigyan ng liwanag ang paligid, pero halos hindi rin naman nito napigilang ang kapal ng Fog na kumakalat din.
Isang anino ang papalapit sa kinaroroonan nila, mabilis na inilapat ni Benz ang palad sa sahig, lumabas ang malalaking baging mula dito at pumulupot sa aninong aatake sana sa kanila.
"Urghhhhhhhhhhhhh!" Ungol ni Salima na nahuli ng mga baging ni Benz
Isa-isa nitong pinutol ang mga baging, pero kinukontrol din ito ni Benz dahilan para lalong lumago at humigpit ang pagkakapulupot sa kanya.
"Mae!" Sumenyas si Scarlet sa kanya at tumango naman ito, sunod-sunod na nagpalabas ito ng air spears at ipinatama sa kay Salima.
"Ahhhhhhhhhhhhhh" Halos mabingi sila sa lakas ng sigaw nito dulot ng sakit. Ang mga sigaw na iyon ay galing sa tatlong Salima na nakakalaban nila. Hanggang sa kahuli-hulihang Air spear ang tumama dito at naging itim na usok na lamang ang babae at naglaho sa kawalan.
![](https://img.wattpad.com/cover/18430287-288-k388253.jpg)
BINABASA MO ANG
Stained Blood (Enchanted Gangsters)
AdventureIn order to save the Aindria, they must find the Aegre- a Red Nightingale that posses a power and can stop the Shadow of Darkness from conquering the world. They are the Killian, but well-known as the dangerous and deadly Enchanted Gangsters. Gang...