The Beginning

979 33 19
                                    

"Berhargang Hiyas." sambit ni Ebony habang sinipat-sipat ang batong hawak.

"Pero hindi ba tatlo ang Berhargang Hiyas?Nasaan ang pula at ang itim?" Naguguluhang tanong ni Kev.

Tatlong uri ang Berhargang Hiyas. ang puting Berharga na nagpo-produce ng laser-like power at galing, bilis at liksi sa pakikipaglaban sa sinumang may hawak nito. Ang pulang Berharga, tulad ng puti ay nakakagawa rin ito ng laser-like power at nagbibigay naman ng Enerhiya at lakas sa sinumang may hawak nito. Ang huling hiyas ay ang itim na Berharga, na katulad ng dalawang naunang hiyas ay nakakagawa din ng laser-like power at nakakagawa rin ito ng mga halimaw.Ang mga laser na nagagawa ng hiyas ay nakadepende sa kulay nila.

"Kung ibig sabihin na hindi buo ang tatlong Berharga, nakakasiguro akong hawak nga ni Zecilla ang itim na berharga dahilan para makagawa ito ng tatlong uri ng halimaw." ani Sane

 "Pero kung ganun nga, nasaan naman ang pula?" si Zia

"Yun ang isa pang dapat natin tuklasin."

***

Black Witch's Place


"Humanda ang lahat ng mga kampon ko! Magpalakas kayo! Dahil sa darating na kabilugan ng buwan ay aatakehin natin ang buong siyudad! Patayin ang dapat patayin! Magpakabusog kayo sa mga dugo't laman na makukuha niyo!" 

ito ang malakas na wika ni Zecilla. Kasalukuyan niya iyong anunsiyo sa mga kampon niya at nagsi- ungol at nag-ingay nman ang mga ito. Nasa harap ang tatlong nilalang na magsisilbing leader ng bawat uri ng halimaw.

"Mabuhay ang Reyna!" Sigaw ni Eleanor, ang katawan (kumakatawan) ng mga bampira

Ito ang agresibo sa tatlong iyon. Si Sultana naman ay nakangiti lang na bakas sa mukha ang tapang at determinasyon na magtagumpay sa gagawing pag-atake sa mga tao.  Habang si Severino ay tahimik lang at tila blangko ang ekspresyon ng mukha nito.

Sampung araw bago ang kabilugan ng buwan. Sa panahong iyon, doble ang lakas ng mga halimaw ni Zecilla

***

"Anong susunod nating plano?" Wika ni Zia sa pamamagitan ng paghiwa ng karne na nasa plato niya. 

Kasalukuyan silang nasa isang Fastfood Restaurant si Zia at Kev. Nagpasya silang mag-relax muna bago magpatuloy sa pagtrabaho. Niyaya nila ang ibang kasama pero tumangi naman ang mga ito. Ang iba naman ay hindi nila mahagilap kaya silang dalawa lang ngayon ang magkasama.

"Kailangan nating makuha si Daphryl, baka kung anong mga pahirap ang ginagawa sa kanya ng mga Aglaecan. Kailangang mahanap natin ang kuta nila." ani Kev

"Pero hindi tayo basta-bastang makakasugod kung ganito ang sitwasyon ng paligid. Malalakas ang mga Aglaecan, lalo pa kung sa teritoryo nila. Kaya kailangan  din natin ang buong lakas ng grupo kapag nagkaganun. At pag nagkaganun nga walang magbabantay sa siyudad, maaaring umatake ang mga kampon ni Zecilla." Mahabang paliwanag ni Zia

Iyon din ang naisip ni Kev. Hindi niya rin alam kung ano ang mga susunod na hakbang. Kailangan na nila matagpuan ang Aegre, dahil habang tumatagal ay nagiging malakas ang taglay na kapangyarihan ng Heiress, baka lalong mawalan ng pag-asa ang Aindria na maibalik sa dati. Pero heto kahit kaunting lead wala sila para makita ang pulang ibon.

Alas sais na ng gabi ng mapagdesiyunan nilang dalawa na umuwi. Naglalakad silang dalawa sa parking lot ng Mall kung saan din sila kumain. 

Stained Blood (Enchanted Gangsters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon