"Maliwanag na isang Killian ang Umatake sa inyo, Eleanor!"
"Killian? Ano Yun kamahalan?" tanong ng tinawag na Eleanor
"Estupida! Palibhasa bagong silang ka pa lang na anak ko. Malalaman mo rin kung sino sila."
Ang nag-uusap ngayon ay walang iba kundi ang Black Witch na si Zecilla at ang kanyang bagong likha na si Eleanor. Lumikha ng mga bagong persona si Zecilla, at isa nga dito si Eleanor, isang bampira, ito ang gagawin niyang pinuno at kumakatawan ng mga bampira, pinalabas niya ito sa kanyang kuta upang matapos ang pagsasanay, pero mukhang naunahan ito ng takot nang maka-engkwentro ang isang Killian. Dalawa pa ang nilikha ni Zecilla, ito ay sina Sultana at Severino. Si Sultana ang magiging pinuno at kumakatawan ng mga Demons at si Severino naman sa mga Werewolves.
Hindi tulad ng ordinaryong mga halimaw niya na dating mga tao, ang tatlong ito ay mga tamawo na sinalinan niya ng kanyang dugo at ginamit ang kapangyarihang itim mula sa hiyas upang makagawa ng malalakas na halimaw.
***
Galing si Sane sa Grocery store upang sana ay bumili ng ilang kakailanganin sa pagpunta nila sa Peru, siya, si Razik, Benz at Kev na ang gagawa ng mission, dahil pagpapahingahin na muna nila si Inayra at Zia, dahil hindi tuluyang nakapagpalakas mula sa nangyari sa museum, mahirap na dahil baka mas madami ang mag-aatake, batid nilang sa panahong ito, alam na rin ng ibang gang ang tungkol sa coult element doon.
Sa katunayan, hindi na nila kailangan magbiyahe, Kev has his power to bring them in there in just one snap.
Nasa ganung pag-iisip si Sane, nang maramdaman niyang may sumusunod sa kanya, paglingon niya ay wala siyang nakitang tao, pero ramdam niya na may tumititig sa kanya. Mabilis siyang naglakad at lumiko sa isang kalye may nakita siyang eskinita ay pumasok siya at doon nagtago. Unti-unting nawala ang kabuuan ni Sane. He made his self invisible.
***
Bigla na lang nawala si Sane sa paningin niya.
Ang bilis naman yata nun? nahalata siguro na sinusundan ko.
Pauwi na si Elyn galing trabaho nang makita niya si Sane na naglalakad kaya naisip niyang sundan ito upang malaman kung saan nakatira. Ewan niya ba, crush niya na talaga ang super hero niya.
Luminga-linga pa si Elyn na nagbabakasakaling makita niya pa ito, pero sumuko na rin siya. Tumalikod na siya para bumalik, pero sa pagtalikod niyang iyon ay nagulat siya.
"Sane!"
"Sinusundan mo ba ako?" walang prenong tanong nito, seryoso ang mukha.
"Ah, Hindi... Oo?' saka nagpakawala ng isang alanganing ngiti ang babae.
"Bakit?"
"Gusto ko lang sana magpasalamat bi-"
"Nakapagpasalamat ka na, Miss, tama na yun."
"N-no, hindi sapat yun, gusto sana kitang yayain kahit magmereyenda man lang." giit ng babae
Bahagyang napataas ang kilay ni Sane, hindi siya sanay na niyayaya siya ng babae kumain, maliban na lang kung ang mga kasama niya ito. Pero may kung anong humahatak kay Sane na pumayag.
"S-sige." sa narinig na sagot ni Sane ay doon na nagpakawala ng matamis na ngiti si Elyn.
Charm!
Kasalukuyan sila ngayong pumipila para mag-order ng pagkain. Sa isang fast food restaurant niya dinala si Sane.
BINABASA MO ANG
Stained Blood (Enchanted Gangsters)
PertualanganIn order to save the Aindria, they must find the Aegre- a Red Nightingale that posses a power and can stop the Shadow of Darkness from conquering the world. They are the Killian, but well-known as the dangerous and deadly Enchanted Gangsters. Gang...