"Magandang gabi, Scholastica!"
"Greacoh!" Sambit ni Scholastica ng makita king sino ang may gawa nun. Pinahid niya ang dumugong labi saka bumangon. "What do you want?"
"What do we want?.. Get rid all of you." Ani Greacoh, saka ngimisi ng nakakaloko.
"Ang tapang niyo naman, you want war? I'll give you war!" Sagot niya saka humanda sa laban.
Nagpalabas si Greacoh ng malalakas na boltahe ng kidlat at ipinatama kay Scholastica, pero mabilis ang reflexes nito na tumalon papunta sa pinto. Alam niyang mahihirapan siyang makipaglaban sa lalaki kung ganito kasikip ang lugar. Tinakbo niya ang Sala ng bahay nila at nakita niyang nandodoon sina Mael, Venni at Gieca.
"Sinusugod tayo ng mga Aglaecan." Bungad ni Venni sa kanya na nakahanda na ring makipaglaban.
Isang bolang kidlat ang humahagibis papunta sa kanila pero sinangga ito ni Gieca gamit ang kapangyarihan niya.
"Anong kailangan niyo!" Sigaw ni Gieca.
"Buhay niyo." Si Mikan ang sumagot na hindi nila namalayan na sa kabilang bahagi na pala ng silid na iyon.
Hindi na sila nakasagot dahil biglang sumabog ang kalahati ng bahay gawa ng malakas na apoy, kaya nagsipagtalsikan sila.
Tumalsik palabas sina Scholastica, Venni, Mael at Gieca, kitang-kita nila kung paano mawasak ang kanilang bahay, pero ang ikinagulat nila ay lumabas mula sa usok sina Mikan at ang mga kasama nito na tila ba prinotektahan mismo ng apoy mula sa pagsabog.
"Kailangan niyong mamatay mga Harlino, mahihina lamang kayo, pero yun ang utos ni Salima.Tsk." Ani Mikan.
"Ano?!" Mas lalong nagimbal si Scholastica mula sa narinig. Nagimbal dahil sa narinig na pangalan.
"Oo, Scholastica, buhay at unti-unti ng buo si Salima, at ipina-uutos niyang patayin kayo." Umilaw ang mga mata ni Mikan tanda na magkakalat ito ng lason, pero bago niya pa ito nagawa ay tumalsik na siya.
Pinatalsik siya ni Gieca. Kayang kontrolin nito ang kahit anong liquid substance dahil sa kapangyarihan nito na element of water. Ang katawan nila tulad ng mga ordinaryong tao ay nagtataglay din ng dugo at Fluids kaya namanipulate yun ni Gieca.
Nagsimula ring magsilabasan ang mga spikes ni Mael mula sa buong katawan at inihagis ang mga ito sa mga kalaban, pero natupok lamang ito ng mga apoy ni Grey na may gawa kanina ng pagsabog.
"Nagpapakahirap pa kayong lumaban, mamamatay rin lang naman kayo." Ani Zana na inihanda ang mahahabang mga kuko sa pagsugod.
"Mahihirapan muna kayo sa pagpatay sa amin." Sabat ni Gibb na sumulpot mula sa kung saan.
Pumagaspas ang mga pakpak ni Zana at lumipad ng mabilis pasugod sa direksyon nina Gibb. Napangisi si Gibb dahil sa ginawa ng babae, masyado itong matapang. Napansin naman iyon ni Zana, lalo na ng hindi man lang tuminag sa kinatatayuan sina Gibb, laking gulat niya na lang ng bumuka ang bibig nito, huli na para umiwas siya dahil masyadong mabilis ang paglipad niya.
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH"
Umalingawngaw ang napakalakas at nakakabinging sigaw ni Gibbs sa lugar na iyon, si Zana ay hindi na nakaiwas at tumalsik pabalik kasama ang mga kasamahan niya na hindi nakaya ang pinakawalang kapangyarihan.
"Greacoh, gumawa ka ng paaran! Sasabog ang ulo natin dito!" Ani Mikan na takip-takip ang tenga.
Binalot ng kidlat ang katawan ni Greacoh at nagpakawala ng malakas na kapangyarihan at ipinatama kay Gibb, nagaw naman nito.
"Gibb!" sigaw ni Venni ng natamaaan ang kaibigan. Tumalsik din ito.
Hanggang sa unti-unting nakakabawi ang mga Aglaeca. Napuruhan si Zana at nasira ang pakpak nito. Nagpaulan si Grey ng apoy at dahil na kay Gibb ang atensyon nilang lahat ay isa-isa silang natamaan.
BINABASA MO ANG
Stained Blood (Enchanted Gangsters)
DobrodružnéIn order to save the Aindria, they must find the Aegre- a Red Nightingale that posses a power and can stop the Shadow of Darkness from conquering the world. They are the Killian, but well-known as the dangerous and deadly Enchanted Gangsters. Gang...