Mabilis silang tumatakbo papunta sa kagubatang bahagi ng Clovis, kailangan nilang bilisan ang pagtakbo, mabilis din ang pagkalat ng kakaibang kadilimang iyon na tila ba isang napakaling anino at kung sino man ang maabot nito ay tiyak na manghihina at mamamatay. Patungo sila sa dalawang magkatabing matataas na puno na may dalawang metro ang layo sa isa't-isa, ito ang nagsisilbing portal sa kabilang dimensyon ng mundo nila. Ito lang ang tanging alam na lugar ng hari at reyna na pwede nilang pagtaguan ng ligtas.
"Bilisan ninyo! Malapit na tayo!" sigaw ng Reyna. Ilang minuto pa ang lumipas ay narating na nila ang portal. Humihingal sila sa tindi ng pagkahapo, kakaunting liwanag na lang ang natitira sa bahaging iyon, at patuloy pa rin sa pagkalat ang dilim na tila ba may taglay itong buhay.
Humarap ang hari sa dalawang puno at itinaas ang kanang kamay at isinentro sa mga ito, umilaw ang singsing sa daliri niya, at ilang segundo pa ay lumiwanag ang gitna ng dalawang puno.
Bukas na ang lagusan! handa na silang pumasok ng napansin ng reyna na may nawawala sa kanila.
"Si Sane! Nasaan si Sane?"
Nagkatinginan lang sila, walang alam kung saan ito, maaaring naiwan ito sa palasyo.
"Ahhhhhhh!" Narinig nilang sigaw. Si Sane iyon na di nagtagal ay nakita nilang tumatakbo papunta sa kanila, nakasunod na dito ang dilim, ibig sabihin malapit na rin masakop ang kinaroroonan nila.
Mabilis na tumakbo ang hari at sinalubong si Sane, malapit na itong maabutan ng dilim, ng saktong makuha niya ito at ikinumpas ang kamay, at sa singsing na iyon muling lumabas ang liwanag upang protektahan sila.
"Tumakbo ka na Sane!" Utos ng hari. Limampung metro ang layo nila sa kinaroroonan ng portal at kung nasaan ang reyna at iba pang kasama nila.
"P-pero mahal na Hari-"
"Takbo!" Pagkarinig sa sigaw ng hari ay agad na tumakbo si Sane papunta sa portal.
"Sane!"
"M-mahal na reyna!"
Pansamantalang natigil ang pagkalat ng dilim sa kanila dahil sa liwanag ng kapangyarihan na nilikha ng Hari, mula sa kinaroroonan nila ay tanaw nila ang pagsibol ng isang anino na korteng tao. Sa isang iglap ay nakikipagbuno na ang hari sa aninong iyon.
Takot na pinanood nila ang pakikipaglabang iyon, maya-maya pa ay may tumalsik na kung anong bagay sa harapan nila. Nagimbal sila ng malaman kung ano iyon- kung sino iyon.
Ang Hari.
"Handaro! Hindi!" Sigaw iyon ng reyna sa pangalan ng hari. Nanginginig na nilapitan niya ito.
"Handaro!"
"L-Lucilla!" Kita ang hirap sa mukha nito. Naglakihan ang mga ugat nito partikular sa mukha at nagkukulay ube na rin ito gawa ng anino.
"K-kunin mo i-ito! k-kailangan m-mong mas... masara ang lagusan!" anang hari saka ibinigay ang singsing sa reyna, hirap na itong huminga kaya binawian din ito ng buhay.
"Hindi!!"
Humagulgol sa iyak ang Reyna. Pag-angat niya ng mukha ay unti-unti na namang kumakalat ang dilim papunta sa kanila. Kailangan niyang kumilos .
"Pumasok na kayo sa lagusan! Bilis!"Sigaw ng reyna. Agad namang sumunod ang mga ito. Nawala na ang mga presensya ng mga ito ng pumasok na sila sa Portal. Maliban sa isa.
"Ina! Halika na!"
"Hindi anak, walang magsasara sa lagusan, masusundan kayo ng dilim!"
"Pero Ina, hindi pwede! Kailangan ka namin! Kailangan nating iligtas ang Kaharian, ang buong Aindria!"
"Isa lang ang paraan para mailigtas ang buong Aindria, anak. Dapat niyong makuha ang pulang ibon. Mag-ingat kayo!" Niyakap niya ang anak. Sa pamamagitan ng pagyakap ay inilagay niya sa kamay ng anak ang isang libro. Kumalas siya sa pagyakap at hinalikan sa noo na ngayo'y walang pagtigil sa pagluha.
Hindi niya alam kung ano na rin ang nagyari sa iba pang kaharian sa Aindria.
"Iligtas niyo ang Aindria. Mag-ingat kayo!"
Magsasalita pa sana ang anak niya ng itinulak niya na ito sa lagusan. Naramdaman niya na ilang hakbang na lang ang layo sa kanila ng dilim
"Inaaaaaaaaa!!!!!!!!"
Nang masigurong ligtas na ang anak at ilang mga Killians ay ikinumpas niya ang kamay na hawak ang singsing at isinara ang portal
humarap siya sa kadiliman at ginamit pa ang natitirang kapangyarihan.
Ilang sandali pa at makikitang tumalsik ang sinsing sa isang sulok ng dati ay malaparaisong lugar.
************************************************************************
Hello Friends at sa mga naligaw na makabasa nito!!! Kung nagustuhan niyo po ang story at prologue, I would like to have your Comments para ma motivate po ako sa pagsulat at tapusin ito.
Mayroon rin po akong isa pang nobela- ang "Won't Stop until my Last Breath", Baka gusto niyo pong basahin :) On going pa lang yun, pero triny kong silang pagsabayin nitong Enchanted Gangsters.
Hope maappreciate niyo ang story :)
Adios!
-kapriel
BINABASA MO ANG
Stained Blood (Enchanted Gangsters)
AventuraIn order to save the Aindria, they must find the Aegre- a Red Nightingale that posses a power and can stop the Shadow of Darkness from conquering the world. They are the Killian, but well-known as the dangerous and deadly Enchanted Gangsters. Gang...