Stumble upon

561 11 2
                                    

Muntik nang matumba si Inayra sa malakas na pagyanig na nangyari , mabuti na lang at maagap siyang nahawakan ni Sane.

“What the-? Ang lakas nun ah?” Aniya

Wala siyang narinig na sagot mula kay Sane, dahil mukhang nagiging abala ito sa pagtitig sa madilim na kalangitan.

“Hey, Sane. Anong meron sa langit?”

“Hindi mo ba napansin? Napakabilis ng pagkalat kadlimani,” Nagpatuloy sila sa paglalakad.

“Ahhhhhhhhhhhhhhhh!” Naputol ang kanilang pag-uusap ng isang sigaw ang kanilang narinig, nasundan pa ito ng ilan pang nakakabingi . Pakiwari nila ay may hindi magandang nangyayari kaya nagkatinginan sila at walang inaksayang panahon na tinakbo ang kinaroroonan  ng mga sigaw.

Ilang minutong takbo ang ginawa nila bago makarating sa pinagmumulan ng sigaw, maraming establismyento rito at mukhang malapit na sila sa City.

“Sane, Anong klaseng mga halimaw yan? Ano ba 'yan? Kapre?” Gimbal si Inayra nang Makita ang mga sumusugod sa mga tao.

“Wag na tayong mag-aksaya ng oras Inayra, maghiwalay tayo,” Inihanda ni Sane ang pana at dumukot ng palaso mula sa kanyang likod, samantalang si Inayra ay inilabas na rin ang Katana.

Pinana ni Sane ang halimaw at natamaan ito sa leeg, kaya nabitawan nito ang hawak-hawak na tao.

Barbaro

Nakita niya na ang mga ganitong uri ng mga nilalang sa kanilang pag-aaral sa Clovis noon. Kailangan dobleng ingat ang gawin nila, dahil triple rin ang taglay na mga lakas ng mga ito.

Mukhang napansin siya ng ilang mga Barbaro kaya patakbo siyang nilapitan ng mga ito, pero bago siya ng mga ito mahawakan, ilang metro pa lang ang layo ng mga ito ay isa-isa na niyang napatumba dahil mabilis niya tong pinatamaan ng mga palaso. Ulo at dibdib ng mga ito ang puntirya niya upang madaling mapatay.

“Inayra, mag-ingat ka! Hindi pangkaraniwan ang mga lakas nila.”

Isang barbaro ang nakalapit kay Inayra at inihampas nito sa kanya ang malaking palakol, mabilis niya naming isinalag ang kanyang katana, pero dahil higit na malakas ang barbaro kumpara sa kanya ay tumilapon siya.

Mabilis siyang bumangon dahil papalapit na naman sa kanya ang barbaro, ikinumpas niya ang mga kamay at nagpakawala ng mga matutulis at matatalim na yelo, ipinatama niya ito sa kalaban, kaya bago pa ito makalapit sa kanya ay natumba na ito.

Ginamit ni Sane ang Invisibility power para mapadali ang pagkalaban nila sa mga barbaro na ito. Kailangan nilang mahanap kaagad si Zia, hindi na sila dapat mag-aksaya ng oras.

Isa-isang nagsibagsakan ang mga barbaro nang hindi nila namamalayan. Hanggang sa iisa na lang ang natira, humugot siyang muli ng palaso, at sa pagkakataong ito ay dala-dalawa na. Sabay niyang ibinala sa pana ang dalawang palaso at ng pakawalan niya iyo ay tumama ang dalawang pana sa kaliwang binti ng barbaro kaya napa-ungol ito ng malakas. Muling siyang bumunot ng dalawang palaso at sa pagkakataong iyon ay sa kanang binti niya naman ito pinatama, kaya napaluhod na ang kalaban.

Humakbang siya papunta sa kinaroroonan ng barbarong iyon.

“Bakit hindi mo pa siya pinatay?” Ani Inayra na nasa likod niya na pala.

“Kailangan nating malaman kung saan sila nanggaling, Hindi ka ba nagtataka?”

“Baka, bagong Creation ni Zecilla?” Hindi na sumagot pa si Sane, sa halip ay binalingan nito ang halimaw na nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kanila.

Stained Blood (Enchanted Gangsters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon