Pagkapasok ni Sane at Elyn ay sabay na tumuon sa kanila ang paningin ng tatlo- si Kev, Ebony at Benz.
Sa HeadQuarters sila dumeretso ni Elyn, ipinaalam niya na kaagad na darating sila ni Elyn at ang tungkol sa nangyari kaya ipinasya ni Kev na sa HQ na lang sila magkita.
"Sane.." Panimula ni Kev ng maka-upo na ang dalawa.
Si Elyn ay hindi malaman ang nararamdaman lalo na at First time niya lang makita ang mga kaibigan ni Sane at isipan pang hindi ito mga tao.
"I'm sorry guys, kailangan niya pang malaman ang tungkol sa atin, I don't have a choice, balak siyang dukutin ni Grey." ani Sane
"Paano tayo nakaka-siguro na siya ang isinasaad ng mata, Sane?" wika naman ni Ebony
"Natagpuan siya, besides siya rin ang puntirya ng mga Aglaeca."
"Pero hindi ko maramdaman ang kapangyarihan sa kanya."
"Maraming hiwaga ang pwedeng mangyari, Ebony, at hindi rin natin alam kung papaano maisasagawa ng Naka-takda ang pagpigil sa Heiress." Sagot naman ni Benz.
"Ano bang pangalan mo, Miss?" Tanong ni Kev kay Elyn.
"E-elyn..." sagot ni Elyn na halatang medyo kinakabahan pa lalo na sa usapan ng apat na hindi niya maintindihan kung ano ba talaga ang nangyayari. Ginagap naman ni Sane ang palad niya upang iparating dito na wag siyang mag-alala
"Kung ganun, alam mo na na hindi na magiging normal ang buhay mo, lalo na at alam na ng mga kalaban ang tungkol sa'yo." Si Kev uli
Napa-tungo na lang si Ellyn, naisip niya na rin iyon. Ang kaligtasan niya, pero alam niya namang hindi siya pababayaan ni Sane.
"Alam mo narin siguro na isa kami sa grupo ng mga Enchanted Gangsters, kaya maging handa ka sa mga posibleng mangyari." Wika ni Benz
Tumango si Ellyn bilang pagsang-ayon sa narinig.
"Kailangan mo ng proteksyon, Ellyn, kaya kung maaari ay dito ka na sa amin tumira at iwan mo na ang trabaho at dating tinutuluyan mo upang wag na sila madamay." ani Kev
"Pero, paano ang pamilya ko? Ako lamang ang bumubuhay sa kanila." Protesta ni Ellyn
Nasa probinsya sa Cebu ang Ina at nag-iisang kapatid na lalaki ni Ellyn, wala na silang ama kaya siya ang bumubuhay sa mga ito.
"Wala kang alalahanin kung pera lang naman ang kailangan, Ellyn, we really need to make sure that you are hundred percent safe for always." Si Kev
"Ako ang magiging personal body Guard ni Ellyn guys." ani Sane
Sa Narinig ay mahinang tumawa si Ebony.
"Of course Sane, hindi lang naman dahil siya ang itinakda kaya po-protektahan mo siya. Kumakalat sa hangin ang nararamdaman niyo sa isa't-isa, nararamdaman ko yun."
Napa-iling na lang si Sane. Wala siyang ligtas sa kapangyarihan ni Ebony, tulad ni Razik, nakakaramdam ang mga ito sa pamamagitan ng hangin.
"Pero mag-ingat lang kayo, dahil hindi natin alam kung ano ang responsibilidad ni Elyn bilang itinakda, maaaring maging balakid ang nararamdaman niyo sa isa't-isa Sane."
***
Kakarating lang ni Mae galing sa isang lakad. Nagtext kanina sa kanya si Sane tungkol sa babaeng isinasaad ng mata, uuwi daw ito kasama ang babae dahil muntik na itong madukot ni Grey. Pero hindi siya naka-uwi agad dahil marami siyang business transaction, gamit ang angking ganda ay pagiging modelo ang trabaho niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/18430287-288-k388253.jpg)
BINABASA MO ANG
Stained Blood (Enchanted Gangsters)
AdventureIn order to save the Aindria, they must find the Aegre- a Red Nightingale that posses a power and can stop the Shadow of Darkness from conquering the world. They are the Killian, but well-known as the dangerous and deadly Enchanted Gangsters. Gang...