Date and Danger

591 12 3
                                    

I came in like a wrecking ball...

I never hit so hard in love....

all I wanted was to break your wall..

all you ever did was wreeeeckk me.. yeah you..

you wreeecckk meee

I never meant to-

"Hoy! Zia sagutin mo naman yan, ang ingay kaya!" Si Inayra

"OA mo naman teh." Sagot naman ni Zia saka kinuha ang Cellphone at binuksan ang message.

Nangunot naman ang Noo ni Inayra at lumapit sa harapan ni Zia, patuloy lang ito sa pagtipa ng screen ng CP kaya hinablot ito ni Inayra.

"Hoy, Ano ba? Yung babaeng to, ang ganda na ng Text ko eh!" Angal ni Zia

"You mean Text message lang yun? Hindi tawag?" Tanong ni Inayra

"Oo, bakita ba? Akin na nga yan." Ani Zia saka kinuha ang CP sa babae.

"Juice Colored! Text Message lang, Wrecking Ball pa talaga! Baliw!"  Ani Inayra at napa-Facepalm na lang at lumakad palayo.

"Hoy, walaang basagan ng trip, Tse!" Hirit pa ni Zia saka binalingan na ang text Message.

Gaaaadddd,  Nagtiti-Text na si Fafa Seven! Hayyyy, gulayyyy..


Doon nag-umpisa ang mga bagay-bagay sa pagitan nina Seven at Zia, naging madalas ang kanilang pagkikita, halos araw-araw na rin.

"O, wala pa si Zia?" Tanong ni Kev. Kasalukuyan silang naghahapunan at tanging si Zia lang ang wala."

"Naku, hindi na daw dito kakain, sa labas na daw kakain kasama si Seven." Sagot naman ni Inayra

"Seven?!" Halos panabay na gulat na sambit ng mga kasamahan. Kaya nagulat din si Inayra.

"S-seven.. Yung ka-date niya. Alam niyo, nakakagulat kayo, kulang na lang magsitalsikan yung mga laway niyo diyan sa mga pagkain." Ani Inayra

"Sino ba naman kasi yun? Bakit wala kaming alam?" Tanong naman ni Benz habang kumukuha ng kanin.

"Ewan, di ko rin nakita pa." Tipid na sagot ni Inayra saka sumubo ng pagkain.

"Pag-iingatin niyo na lang si Zia. Kahit Kadiliman maghahanap rin ng liwanag." Sambot naman ni Scarlet habang tuloy lang sa pagkain.

Nagkatinginan ang ilan sa kanila, masyadong matalinhaga ang sinabi nito pero hindi na nila pinansin.

***

"Uy Seven ha? Baka nalulugi ka na sa akin? Lagi na lang ikaw ang nanlilibre tuwing kakain tayo sa labas, tsaka may Flowers ka pa at Chocolate... Uhmmm, ang bango pa!" Ani Zia na inamoy pa talaga ang bouquet ng bulaklak na ibinigay sa kanya ni Seven. Nagdi-dinner date ngayon ang dalawa kaya wala pa sa bahay si Zia.

"Wala yun, basta ikaw."

"Huh? Teka... Nanliligaw ka ba? Diretsang tanong ni Zia. 

"Uhm, kung okay lang sa'yo."

"Ahihihi, ikaw talaga!" Saka tinampal niya sa balikat si Seven. "Naku, baka mahirapan kang manligaw." Dugtong pa niya.

"Kahit anong hirap Zia, kakayanin ko." Ani Seven at seryosong tinitigan si Zia at hinawakan pa nito ang kamay niya.

Sa una ay nakipagtitigan siya sa lalaki pero binawi niya rin ang pagtitig dito dahil nakaramdam siya ng ilang.

Lingid sa kanilang kaalaman, mula sa 'di kalayuan ay isang pares ng mga mapupula at nagbabagang mga mata ang nakatuon ang atensiyon sa kanila.

"Ah, O-oo naman.. Sandali ha? Magsi-Cr lang ako." Aniya. 

Pagdating na pagdating sa Cr ay napatukod si Zia sa Lavatory sa harap ng salamin at tinitigan ang repleksiyon ng sarili.

Is this Real? Is this Real?   Liligawan ako ni Seven? Pero ilang weeks pa lang kami nagkakilala.. ..Pero ligaw pa lang diba? Hay ano ba tong napi-feel ko, parang nauutot ako o na parang hindi naman, ano ba to? alam na this?.. Naku kailangan ko ng bumalik baka mainip siya at mag back out na lang sa ligawan..


Nagretouch si Zia ng kaunti at mabilis na bumalik sa pwesto nila. Sa pagmamadali ay hindi niya napansin ang isang babae kaya nabangga niya ito.

"Ayy, Sorry Miss." Ani Zia

Tiningnan niya ito at ganun na lang ang pagkamangha niya ng mapagmasdan ang mukha at kabuuan  nito, May kapayatan ito at napaka puti ,napaka ganda nito, tila ba isang manyika. Napansin niya rin ang kakaibang ekspresyon ng mga mata nang makita siya.

Baka nagandahan rin sa akin?

Yumukod lang ang babae bilang pagtugon at nilampasan na rin siya, kaya nag-umpisa na rin siyang maglakad pabalik kay Seven.

"Okay ka lang ba?" Tanong ni Seven ng makaupo siya, marahil napansin nito ang malalim na pag-iisip niya, iniisip niya pa rin kasi ang babae.

"O-oo naman, may nakita kasi ako, akala ko kilala ko, hindi pala." Pagsisinungaling niya.

Lumipas ang ilang sandali ay napagpasyahan na nilang umuwi. Ihahatid pa sana siya ni Seven gamit ang kotse nito pero tumanggi na rin siya dahil dala niya rin naman ang sasakyan niya. Hindi na rin ito nagpumilit pa kaya naghiwalay na rin sila pagdating sa parking lot ng Restaurant na kinainan nila.

"Bye, Ingat ka." Ani Zia saka pumasok sa loob ng kotse niya, binuksan niya ang bintana ng kotse, sa pagtataka niya ay hindi pa rin umaalis si Seven sa kinatatayuan, nakangiti pa ito sa kanya. "Hihintayin mo pa bang makaalis ako bago ka sasakay ng kotse mo?" dugtong pa ni Zia.

Pero nagulat na lamang siya ng mabilis itong kumilos at binigyan siya ngsmack sa Lips. Hindi siya kaagad nakabawi, sa halip ay napaawang na lang ang kanyang mga labi.

"What's with that lips, Are they inviting mine?" Narinig niyang Anas ni Seven na ang tinutukoy ay ang pagka-awang ng kanyang mga labi.

"Hmpp. Tse! Diyan ka na nga!" Aniya ng makabawi na rin. Tumawa na lang si Seven at kumaway sa kanya ng pinaandar niya na ang sasakyan. Isang ngiti pa at pagkaway ang ginawa ni Zia bago tuluyang pinaharuruot ang saakyan.

Nasa gitna na siya ng biyahe ng maalala ang ginawa ni Seven

Kilig!

Biglang tumunog ang CP niya kaya tiningnan niya kung sino ito. Si Inayra iyon, hinahanap na siya sa bahay. Malayo-layo sa City Proper ang tirahan nila kaya 30 minutes pa ang biyahe papunta dito. Nagreply siya  kahit nagmamaneho, at pagkatapos ay ibinalik na ang CP sa bag niya. 

Saktong ibinalik niya na ang pansin sa daan ng isang nilalang ang tumalon sa harap ng kotse kasunod nun ang nakakangilong tunog ng preno. Sa isang kurap ay nawala ang nilalang.

Shit!

Kinuha niya ang Revolver sa drawer ng dashboard, pansamantalang nakiramdam siya sa labas at ilang saglit ay matapang na lumabas ng kotse.

"Lumabas ka kung sino ka man! Show yourself AssH*le!" Sigaw ni Zia sa kawalan.

Tanging malamig na ihip ng hangin ang sumagot kay Zia, nasa bahagi siya ng siyudad kung saan malawak na talahiban ang naririto bagamat may mga street lights naman, isa itong under developed na Commercial Lot at ito ang ginagawa niyang ShortCut pag nagba-biyahe.

Unti-unting nagsilabasan mula sa dilim ang mga anino na alam na alam niya kung mga ano.

 **********************************************************************************************

Stained Blood (Enchanted Gangsters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon