Tok! Tok! Tok!
Mahigpit na hinawakan ni Benz ang sandata nang marinig ang mga katok na iyon. Habang ang mga kasamahan ay nakiramdam sa paligid. Dahan-dahan siyang lumapit sa pintuan at sumilip sa peep hole.
Nakahinga siya ng maluwag nang makita na nakatayo si Ebony sa labas na naghihintay na pagbuksan, nakita niyang may dalawa itong kasama pero hindi niya maaninag ang mga mukha ng mga ito.
Binuksan niya ang pintuan at sinalubong si Ebony, saka niya tinapunan ng pansin ang mga kasama nito, si Gieca ng Harlin, pero ang binatilyo ay hindi niya kilala. Nagtatanong ang mga mata niyang tumingin kay Ebony.
“Papasukin mo muna kami, Benz,” Binigyan niya naman ng daan para makapasok ang tatlo saka sumunod.
“Ebony!” Napatayo si Mae ng makita ang babae at napayakap dito. “I’m glad na safe ka,” Aniya saka ngumiti, doon niya napansin na may mga kasama ito, katulad ng reaksyon ni Benz, nagtatanong din ang mga manta niyang tumingin kay Ebony.
“Bago ko kayo sagutin, kailangan ko munang makausap si Scarlet,” Ani Ebony
“Nasa taas si Scarlet, sinamahan si Elyn, sumama kasi ang pakiramdam dulot ng pagtakas namin,” Ani Benz
“Mukhang narinig ko ang pangalan ko- Oh, Ebony, nandito na pala kayo, kanina pa kayo hinihintay ng Mata,” Ani Scarlet na pababa ng hagdan
**
Nasa isang bahay sila ngayon na nakatirik sa gitna ng gubat. Isa itong maliit na Two-storey house. Ito ang kanilang Safe house, malayo ito sa kabihasnan at nasa gitna ng gubat kaya hindi madaling makita o mapansin.
Ngayong kayong apat ay magkasama na, maghanda kayo. Umasa tayong hindi pa huli ang lahat, bukas ng gabi mangyayari ang Bakunawa kung saan ganap nang magpapamalas ng buo at malakas na kapangyarihan si Salima
“Bakunawa? Ano ang Bakunawa Mata?” Tanong ni Mae
Ito ang pagtatago ng buwan sa anino ng Mundo. Ang kwento sa likod ng Bakunawa ay ito mismo ang Dragon na nagtangkang kainin ang Buwan, iyon ang alamat nito.
“Lunar Eclipse,” Ani Benz
“Kung magiging malakas bukas si Salima, bakit hindi na lang ngayon tayo sumugod ? Bakit hihintayin pa ang Bakunawa?” Si Mae
Dahil sa panahong iyan din magtataglay ng kakaibang lakas si Era, at dahil yan ang nakatakdang Panahon.
“Weird,” Bulong ni Mae
Alam kong handa at buo na rin ang loob mong makipaglaban, Gamaliel.
"Gamaliel?" Napalingon sila sa kinauupuan ni Khalil kung saan nakatuon ang atensyon ng Mata
"Gamaliel ang tunay kong pangalan, nang dumating ako rito sa mundo ng mga mortal kasama ang ibang mga tamawo ay pinalitan namin ang aming mga pangalan," Paliwanag ni Khalil
Tumango-tango na lamang sila sa paliwanag ni Khalil.
Ngayon na nga ang takdang panahon at maghahanda na silang mga Killian, tatapusin na nila ang kaguluhang ito, tatapusin na nila si Salima sa abot ng kanilang makakaya.
**
Maagang nagising si Elyn kinabukasan. Maaga, dahil alas siyete na ng umaga, pero alam niyang madilim pa rin ang paligid. Bumangon siya at lumapit sa bintana at hinawi ang kurtinang nakatakip doon. Umihip ang malamig na simoy ng hangin, napakasarap ng pagtama nito sa kanyang balat, iginala niya ang paningin sa labas na puro nagtataasan at naglalakihang puno. Katabi niya si Sadheek na hindi sa kanya humihiwalay saan man siya magpunta, tiningnan niya ito, akala mo ay malalim ang tulog, pero kakaibang ingay o amoy lamang ay nagiging alerto ito at magigising.
BINABASA MO ANG
Stained Blood (Enchanted Gangsters)
AdventureIn order to save the Aindria, they must find the Aegre- a Red Nightingale that posses a power and can stop the Shadow of Darkness from conquering the world. They are the Killian, but well-known as the dangerous and deadly Enchanted Gangsters. Gang...