Mabilis silang tumatakbo mula sa kahabaan ng puro buhangin na paligid. Mabilis rin silang hinahabol na ng mga Halimaw na nagsisulputan mula sa ilalim ng buhangin. Ito ay nang makuha nila ang isang maliit na baul. Hindi nila alam kung ano ito, basta ang alam nila isa itong Coult element.
"Mael, saluhin mo!" Wika ng isang babae sa pamamagitang ng pagtakbo, ito ang may hawak ng baul, at initsa na nga ito sa tinawag na Mael
Habang patuloy na tumatakbo ang tatlo pang kasamahan ay huminto siya at humarap sa mga palapit na halimaw na humahabol sa kanila. ang mga halimaw na ito ay may malalaking mata, malalaking ilong at may mahahabang pangil, ang mga tainga ay matutulis na tulad sa paniki, parang mga palaka rin ito kung tumalon. Ang mga balat ay makukunat na nakabalot sa mga payat na katawan.
Nang huminto ang babae ay unti-unting humati sa dalawa ang katawan nito, kaya dalawang babae na ang makikita mo at parang kambal lang sila, hangga't sa humati uli ng humati hangang sa maging dalawampu na sila.
"Scholastica, bilis!" sigaw ng isa pang babae na may mahabang buhok sa babaeng, nagkaroon ng animo maraming kakambal.
Iyon ang kapangyarihan niya, kaya niyang paramihin ang sarili upang magsilbing attacking Force niya. Sa isang salita nakakagawa siya ng 'Clone' gamit ang kapangyarihan
Humarang sa mga halimaw ang mga babaeng 'Clone' gamit ang mga Clone Samurai ng mga ito.
Kasalukuyan sila ngayong nasa Egypt, partikular sa Great Pyramid of Giza kung saan nila kinuha ang baul. Napag-alaman nilang may Coult Element doon, matagumpay naman nilang nakuha ito, pero sa kasamaang palad may mga halimaw na nagsisulputan at hinahabol sila.
Kailangan nilang makarating sa 4X4 truck nilang sasakyan upang makalayo sila dito.
"Scholastica, mukhang natalo ng mga halimaw ang mga Clone mo," Humihingal na wika ng isang kasama nila, si Gibb.
Lumingon si Scholastica at mukhang tama si Gibb, dahil may mga humahabol na ulit sa kanila.
"They're reaching my temper na ha?" wika naman ni Mael "Gibb, ikaw naman humawak nito o." saka initsa kay Gibb ang hawak na baul, kasing laki lang itong ng kahon ng sapatos.
Tumigil naman ang tatlo sa pagtakbo ng tumigil si Mael.
"Maabutan rin naman tayo ng mga 'to eh, tingnan mo ang tataas tumalon." si Mael uli.
"Okay, Gieca, tawagan mo si Venni, sabihin mong sunduin tayo ng sasakyan." Utos ni Scholastica. Tumalima naman si Gieca at nagsalita ito sa mouth piece upang kausapin si Venni.
"Girls, here they are!" malakas na boses ni Mael. Humanda na ito.
Humarap si Mael sa paparating na halimaw, unti-unting lumalabas ang mga spikes sa braso niya.
"Eeeerrrrrrrrr!" ungol ng mga nagngangalit na mga halimaw na ngayo'y malapit na malapit na sa apat na babae.
PinagKrus ni Mael ang dalawang braso sa harap ng kanyang mukha at mabilis ring ibinuka. Nagsiliparan mula dito ang mga spikes na may mga dalawang dangkal kalaki, papunta sa mga halimaw.
Ang iba ay nasabol sa dibdib at ulo, kaya nagsibagsakan ito sa buhanginan at tuluyang nalagutan ng hininga, kapag napatay na ang mga ito ay unti-unting nagiging buhangin, ang iba'y nadaplisan lang at ang iba ay sadyang hindi natamaan kaya patuloy rin sa pag-atake ang mga ito.
Napangiwi si Mael.
"Mukhang sablay ang ibang tira mo, Amega!" nakangising wika ni Scholastica. Sabay na nagbunot ng mga samurai ang tatlong babae, maliban kay Mael, dahil hindi na nito iyon kailangan.
BINABASA MO ANG
Stained Blood (Enchanted Gangsters)
AventuraIn order to save the Aindria, they must find the Aegre- a Red Nightingale that posses a power and can stop the Shadow of Darkness from conquering the world. They are the Killian, but well-known as the dangerous and deadly Enchanted Gangsters. Gang...