“Magaling Grey, hindi niyo ako binigo sa pagkakataong ito,” Hawak-hawak ni Salima ang kumikislap na pulang berhargang hiyas. “Maghanda kayo, nais kong sumama kayo sa akin.” Patuloy pa ni Salima.
“Saan tayo, pupunta kamahalan?” Si Mikan.
“Kung nasaan ang itim na berharga, magiging kapana-panabik ang mga susunod na pangyari, HA HA HA HA,” umalingawngaw sa kawalan ang tawang iyon ni Salima bago ito binalot ng itim na usok at naglaho.
Nagkatinginan na lamang sila sa isa’t-isa.
Tatalikod na sana si Grey ng hinawakan siya sa braso ni Mikan.
“Grey, Nasaan si Glynn? Bakit ikaw lang mag-isa ang bumalik?” Tumaas lang ang sulok ng labi ni Grey at seryosong tinitigan si Mikan.
“He’s gone.” Tipid niyang sagot at kumawala sa pagkakahawak mula sa babae. Napasinghap na lamang ang mga kasamahan mula sa narinig sa kanya.
“Anong ibig mong sabihin Grey?” Tanong ni Abril.
“Kailangan ko pa bang magpaliwanag?”
“Oo, Grey, kailangan. Anong gusto mo? Gumawa kami ng basta-bastang senaryo kung bakit wala na si Glynn?” singit naman ni Greacoh sa usapan.
“Wala na siya! Yung wala na. Hindi ko alam kung saan siya dinala ni Kev.” Yun lang at muling tumalikod siyang at nagpatuloy sa paglalakad palayo sa lugar na iyon.
“Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!” Hindi mapigilan ang pagwawalang iyon ni Mikan mula sa narinig kay Grey, ang nangyari ay nagsilayuan ang mga kasama dahil nagsimulang magrelease ng lason sa kahanginan si Mikan. Ganun siya pag-nagagalit.
“Magbabayad kayo!”
“Elyn?” Napalingon siya sa bumukas na pintuan ng marinig ang pagtawag sa kanya.
“Sane!” Sinalubong niya ng yakap ang pinakamamahal na lalaki.
Ilang Segundo ring tumagal ang yakap na iyon bago sila naghiwalay. Kung siya ang tatanungin ayaw niya nang matapos iyon.
Iginiya siya ni Sane paupo sa kama.
“Elyn..” Ginawaran niya ito ng halik sa labi. It was a soft and light kiss.
“Sane, may problema ba?”
Hindi sumagot si Sane, may dinukot ito sa bulsa at nang iiladlad nito ang isang bagay mula sa palad nito ay tumambad sa paningin niya ang isang kuwintas. Kumikislap na pilak ito na may pendant na maliit na Kristal na nakadikit rin sa isang silver na nagsisilbing protector nito.
Ang mas nakaagaw sa atensyon niya ay ang puting usok sa loob ng Kristal na paikot-ikot na lumulutang dito.
Isinuot sa kanya ni Sane ang kuwintas na iyon.
“Ingatan mo ito, Elyn. Ito ang magpo-protekta sa’yo habang wala ako.”
“A-aalis ka?” Muli, sa halip na sumagot si Sane ay isang matamis na ngiti ang ibinigay niya sa babae, pero mahahalata ang katamlayan mula dito.
“Kailangan, Mahal ko.” Muling yumakap si Elyn kay Sane at hindi nito napigilan ang mapahagulgol sa iyak.
Ilang oras din sila sa ganung sitwasyon, hanggang sa nakatulugan ni Elyn ang pag-iyak sa bisig ni Sane. Marahan niyang inihiga sa kama ang babae. Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na nakatabing sa mukha nito, ilang segundong pinagmasdan ang payapang mukha ng natutulog na babae.
Pinagana ni Sane ang kapangyarihan. Ramdam niya ang Mana sa katawan niya na dumadaloy sa kanyang mga ugat at kumawala ito sa kanyang mga palad.
Marahan niyang inilapat ang mga palad sa tiyan ng babae. Bahagyang kumislot si Elyn sa ginawa niyang iyon.
BINABASA MO ANG
Stained Blood (Enchanted Gangsters)
AventuraIn order to save the Aindria, they must find the Aegre- a Red Nightingale that posses a power and can stop the Shadow of Darkness from conquering the world. They are the Killian, but well-known as the dangerous and deadly Enchanted Gangsters. Gang...