“Kalahating tamawo at kalahating Hadeo?” Ulit niya
“Oo,” Bahagya itong umatras at lumitaw ang mga pakpak nito mula sa kanyang likod, mga pakpak na katulad ng sa tutubi. Kumaway-kaway ang mga ito at ilang saglit lang Ay nasa ere na si Khalil palipad-lipad.
Natigilan si Ebony, muli niyang naalala ang pinag-usapan nila.
Tama ka Ebony, kaya nagkaroon ng hinirang dahil siya ang gagawa ng tungkulin ng tagapangalaga ng apoy. Kakaiba ang taglay niyang kapangyarihan dahil sa dalawang uri ng dugong nananalaytay sa kanya.
Tama. Kung ganun si Khalil ang hinirang na tinutukoy ng Mata. Unti-unti nang lumalantad ang mga isinasaad nito. Ang takda, na si Scarlet. Ang hinirang, na si Khalil. Ang hindi pa nalalaman ay kung sino ang banta.
“Kung ganun, matutulungan mo kami,” aniya nang makababa na ito. “Alam niyo ang tungkol sa Aegre, hindi ba?” dugtong niya na binalingan si Gieca
“Oo, ang Aegre, siya ang makakatalo kay Salima hindi ba?” Si Gieca
“Hindi sa ganun. Siya lamang ang makakatulong sa apat na tagapangalaga para matalo si Salima,”
“Anong ibig mong sabihin?” si Khalil
“Ang mga Elemental Keeper ang makakatalo sa Heiress, at ang Aegre ang magbibigay ng kakaibang lakas sa apat na elemental keeper. Kaya nitong palakasin ng sampung beses ang kapangyarihan ng kahit sino. Yun ang nagagawa ng Aegre.” Paliwanag ni Ebony
“Pero, si Grey ang tagapangalaga ng apoy, imposibleng maging kakampi natin siya, at isa pa hindi pa natatagpuan ang Aegre,” Ani Gieca
“Si Khalil ang gagawa ng tungkulin ni Grey, dahil siya ang isinasaad na hinirang ayon sa mata, at huwag kayong mag-alala, nasa panig na namin ang Aegre,” Nagkatinginan na lamang si Khalil at Gieca mula sa mga narinig sa kanya. “Maasahan ko ba kayo?”
“Sasama kami sa’yo Ebony, kung iyon ang kailangan,” Si Gieca. Tumango rin si Khalil bilang pagsang-ayon. Isang ngiti ang pinakawalan niya.
Kailangan nilang maghanda sa nalalapit na laban.
**
“Ano ba yan! Ten hours na akong tulog, ang dilim pa rin! Tss!” Pababa na ng hagdan si Mae at nakita niyang nasa sala si Scarlet at Benz na nag-uusap.
“Mae, gising ka na pala,” Si Scarlet
“Oo, bakit ang dilim pa rin sa labas? Or sira lang itong relo ko? Eight thirty am na kasi dito eh,”
“Walang pag-asang lumiwanag ngayon Mae, habang malakas ang kapangyarihan ni Salima, ganito rin ang ginawa niya sa Aindria nun. Ang magkaiba nga lang hindi niya mapapatay ang kahit anong nilalang gamit ang dilim na ikinalat niya,” Sagot ni Benz
“Pero bakit?”
“Dahil nandito ako, hindi magagawa ng lubusan ni Salima ang plano niya, yun nga lang hindi ko rin napigilan,” Ani Scarlet
“Gosh! This is Exhausting! Iilan na lang tayo ang natira? May pag-asa pa ba na matalo natin si Salima?”
“Matatalo natin si Salima, Mae. Wag kang-
Hindi natapos ang sasabihin ni Scarlet ng biglang yumanig ng malakas.
“Anong nangyayari?” Pumunta sa pintuan si Benz, pero nakakailang hakbang pa lang siya ng biglang yumanig uli, pero sa pagkakataong ito ay triple ang lakas kaya tumilapon sila sa kung saan-saan, natumba at nagkalat rin ang mga gamit nila sa loob.
BINABASA MO ANG
Stained Blood (Enchanted Gangsters)
AdventureIn order to save the Aindria, they must find the Aegre- a Red Nightingale that posses a power and can stop the Shadow of Darkness from conquering the world. They are the Killian, but well-known as the dangerous and deadly Enchanted Gangsters. Gang...