"Elyn.." Dumako ang tingin niya sa babaeng tumawag sa kanya.
"Scarlet.." Napangiti na lamang ito sa kanya, pagkuwan ay dumako ang paningin nito sa kanyang tiyan.
"May kaunting umbok na sa iyong tiyan, ang bilis ng pagbubuntis mo." Pahayag ni Scarlet. Umiwas ng tingin si Elyn. Napaisip siya, hindi man lang ba nagtataka si Scarlet kung bakit parang ang bilis lang? May alam na rin ba ito sa mga hiwagang nangyayari sa paligid? Kung-
Naputol ang pag-iisip niya ng lumindol ng malakas.
"Elyn!" Muntik na siyang sumubsob kung hindi lamang maagap si Scarlet na daluhan siya.
Ilang minuto rin tumagal ang lindol. napaupo na lamang sila sa sahig ng matapos iyon. Nakaramdam ng matinding hilo si Elyn, kaya mabilis siyang tumayo at tinakbo ang lababo sa kusina, mabuti na lamang at malapit sila doon. Sumunod naman sa kanya si Scarlet.
Matapos ang pagsusuka niya sa tindi ng pagkahilo ay binigyan siya ni Scarlet ng tubig.
"Anong nagyari? Bakit ang lakas ng lindol na iyon?" Tiningnan niya ang paligid, maraming gamit sa loob ng bahay ang natumba at nasira.
"Magsisimula na ang tunay na laban.' Ani Scarlet na nakatingin sa kawalan.
Naguguluhang napatingin sa kanya si Elyn, Ibig sabihin may alam nga ito.
"Ayos lang ba kayo?" Ani Ebony na humahangos na lumapit sa kanila. Tumango lamang si Elyn, samantalang si Scarlet ay walang reaksyon, parang kay lalim ng iniisip nito.
"Ebony! Kailangan niyong makita ito!" Sigaw ni Benz sa di kalayuan at lumabas ng bahay, sumunod rin si Ebony.
Nagkatinginan lamang si Scarlet at Elyn. Akmang hahakbang na sana para sumunod si Elyn, pero hinawakan siya ni Scarlet sa kamay para pigilan.
"Dito ka lang, wag kang lalabas Elyn, delikado."
"Pero-"
"Just do what I say kung ayaw mong mapahamak." Yun lang at humakbang na rin si Scarlet at sumunod kina Ebony. Naiwang naguguluhan si Elyn.
***
"Hindi niyo ba papapasukin ang inyong mga bisita?"
Iyon ang bati ng babaeng naka-itim paglabas nina Ebony at Benz ng bahay at nang tuluyan silang makalapit sa gate. Kasama nito ang dalawang Aglaecan- si Mikan at Greacoh, at ang ilang nakakatakot na mga nilalang, tila ba mga kapre sa laki at daig pa ang mga wrestlers sa laki ng mga katawan nila.
"Sino ka? Anong kailangan mo?" Sigaw ni Ebony.
Tanging tawa lamang ang sagot ng babae. Tawang nakakatakot. Nakakapangilabot. Tawa ng isang demonyo.
"Lumayo kayo sa kanya!" Napalingon silang dalawa sa babaeng sumigaw.
"Scarlet?" si Benz.
"Protektado ng kapangyarihan ni Sane ang paligid. Hindi sila basta-basta makakapasok." Paliwanag ni Ebony.
"Paano ka nakakasiguro Ebony? Nakikilala mo ba kung sino ang babaeng iyan? Siya si Salima, ang heiress of the Dark World!"
"Anong alam mo tungkol sa kanya? S-sino ka ba talaga Scarlet?" Naguguluhang tanong ni Ebony. Bahagya siyang nahintakutan ng malamang si Salima ang kaharap niya.
Imbes na sagutin siya ni Scarlet ay binalingan nito si Salima.
"Salima!" Tumawa naman si Salima ng marinig ang pagtawag sa kanya ni Scarlet.
BINABASA MO ANG
Stained Blood (Enchanted Gangsters)
MaceraIn order to save the Aindria, they must find the Aegre- a Red Nightingale that posses a power and can stop the Shadow of Darkness from conquering the world. They are the Killian, but well-known as the dangerous and deadly Enchanted Gangsters. Gang...