Diamond Crash

605 14 6
                                    

Dahan-dahan niyang idinilat ang kanyang mga mata. Tumambad sa kanya ang liwanag na nanggaaling sa labas ng bintana, napapikit siyang muli ng nasilaw siya mula sa liwanag. Hangga't sa unti-unting idinilat niya itong muli, sinasanay sa liwanag ang mga paningin. 

Inilibot niya ang paningin at napagtanto niyang nasa isa siyang silid, hindi siya pamilyar kung saang silid ito. Ang dingding ng silid ay napapalibutan ng makakapal na kahoy, ganun din ang pinto nito, mahirap itong gibain dahil sa tingin niya ay matitibay ito.

Bumangon siya at dahan-dahang tumayo, pakiramdam niya ay bumalik siya sa sinaunang panahon dahil sa silid na iyon, lumapit siya sa malaking aparador kung saan may malaking salamin at nakita niya ang kanyang repleksyon doon.

Nagulat siya dahil sa kakaibang pakiramdam, dati na siyang maputi, pero ang kaputian ng balat niya ngayon ay kakaiba, maputlang- maputla na tila ba kulang siya sa dugo. Lumapit pa siya ng ilang hakbang sa salamin nang sa ganun ay mas masipat ang kanyang sarili, kakaibang-kakaiba ang pakiramdam niya.

Napansin niyang kakaiba ang mata niya at laking gulat niya ng makitang kulay pula ang maliit na bilog sa kanyang mga mata (pupil). Napaawang ang kanyang bibig dahil sa nakita, at doon niya rin napansin ang dalawang matutulis na pangil.

"N-no.."

Naalala niya ang nangyari bago siya nagkamalay, sinugod siya mga bampira at hindi siya nakaligtas dito

No! bampira na rin ba ako? hindi! hindi pwede!

Saka niya naalala ang babaeng nagligtas sa kanya. Ang babaeng nabangga niya na tila manyika.

Siya ba ang nagdala sa akin dito?

Doon bumukas ang pintuan kaya siya napalingon.

"Zia.."

"Seven?! A-anong nangyari sa akin? Nasaan ako?!" Ani Zia saka marahas ang mga hakbang na lumapit sa lalaki.

"Calm down, Zia.."

"Calm down?! Pagkatapos kong makita ito at ito?!" Sagot niya na itinuro ang pangil at mga mata.

"Zia.."

"Saan na ang babaeng nagligtas sa akin? Seven.." Ani Zia na unti-unting pumatak ang mga luha dahil sa mga nalaman tungkol a kanya.

Maagap naman siyang niyakap ng lalaki.

"Seven, anong nangyari sa akin?! Sumagot ka?! Diba nagkahiwalay na tayo ng gabing iyon?! Pero bakit nandito ako? Nandito ka?!" Sigaw ni Zia saka kumalas ng yakap sa lalaki.

"Zia..."

"Sumagot ka!"

"Zia, Eleanor attacked and bit you, th-that's why you became a.. a.."

"Vampire?! Hell, No! Who's Eleanor?" Tanong ni Zia at tiningala si Seven,"W-who are you?" dugtong niya ng marealize kung paano nito nalaman ang tungkol sa Vampires.

Bakas sa mukha ng lalaki ang pagkabahala at lungkot nito, lumapit siya sa babae pero umatras ito para lumayo.

"Who are you?!"

"I'm Severino, The Envoy of WereWolves."

"N-no! Halimaw ka!" Naningkit ang mga mata ni Zia sa galit. Unti-unti niyang pinagana ang kapangyarihan. She needs to switch her skin into Diamond to defend herself.

Pero nagimbal siya sa nakita. Dahil imbes na diamond  ay bato ang bumalot sa katawan niya. Ordinaryong bato lamang ang bumalot sa katawan niya, ordinaryong bato na katulad ng makikita mo sa paligid

"W-what's Happening to me? Bakit hindi Diamonds ang bumabalot sa katawan ko?" 

"Because your Blood was stained by a Vampire."

Stained Blood (Enchanted Gangsters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon