Mula sa nakakabinging katahimikan ng paligid ay biglang sumulpot mula sa kawalan sina Mae at Kev.
"We're here." Ani Kev habang iginala ang paningin. Nakatayo sila sa paanan ng isang bulkan.
"So this is the Mt. Fuji, huh?" Si Mae.
"Yep, wag na tayong mag-aksaya ng oras, let's find the Clout element." Nagsimula ng umakyat pataas ng bulkan sina Mae at Kev.
Ilang minuto pa ang nilakad nila bago nila marating ang pinakatuktok kung nasaan ang bunganga ng bulkan. Sinilip nila ang laman sa loob, napakapayapa nito, walang mag-aakala na kahit anong oras ay maaaring maghasik ng kamatayan sa mga tao sa paligid sa oras na pumutok ito.
"Paano natin malalaman kung nasaan ang Clout? Si Mae.
"Hindi ko rin alam, Mae-
"Hey, hindi kaya yun?" Putol ni Mae na itinuro ang bagay na kumislap malapit sa bunganga ng bulkan, pero nasa loob ito, kaya medyo mahihirapan ang kung sinuman na may gustong kumuha, maliban na lang kung angkop ang kakayahan mo para makuha ito.
"Mukhang iyon na nga." Si Kev
"Parang mahirap kunin, isang pagkakamali lang, maaaring mahulog tayo."
"Akong bahala, papasaan ba at may teleportation skills ako." Ani Kev na ngumiti pa.
Isang paghahanda ang ginawa ni Kev para makuha ang bato, pero bgo pa niya magawa iyon ay ilang bolang apoy ang humahagibis patungo sa kinaroroonan nila.
"Kev!"
Mabilis na kumilos si Mae, ikinumpas niya ang mga kamay upang magpakawala ng Air balls at isinalag ito sa mga fire balls na umaatake sa kanila.
"Mukhang mabilis ka na ngayon Razik?" ani ng boses sa kabilang bahagi ng bulkan.
"Grey" Sambit ni Mae ng makilala kung sino ito, kasama nito si Glynn. Bahagya pa niyang nilinga ang paligid kung may iba pa itong kasama, pero nakita niyang dalawa lang rin sila.
"Mukhang may balak din kayo sa hiyas ah."
"Hiyas?" Si Kev. Ibig sabihin Berhargang hiyas ang naririto sa bulkan.
Wala na muling may nagsalita sa kanila, sa halip ay binuhay ni Grey ang apoy at bumalot ito sa katawan niya, kaya humanda na rin sila sa magiging laban nila ngayon.
***
Halos kanina pa suka ng suka si Elyn, pero tanging laway lang ang lumalabas mula sa sikmura niya.
"Elyn, ayos ka lang ba?" Si Ebony.
Nilingon ni Elyn si Ebony na namumutla saka umiling ito.
"Anong nagyayari sa iyo?"
"H-hindi ko alam, kanina pa ako nagsusuka, pero puro laway lang naman ang lumalabas, at hilong-hilo na ako."
"Ano ba kasing nakain- oh my Gosh, hindi kaya...?" Muling umangat ang tingin ni Elyn kay Ebony sa bahagyang pagbibitin niya sa sinabi.
"Hindi kaya.. buntis ka?!"
Npatulala na lang si Elyn, posible nga, dahil may nangyari sa kanila ni Sane nung nagdaang gabi, pero nung nagdaan gabi lang yun, parang ang bilis naman yata?
"Si Sane ba?" Tanong ni Ebony. Tumango naman siya. Bahagya siyang nailang sa tanong ni Ebony, natural si Sane, alangan namang magpapagalaw siya sa ibang lalaki.
"OwEm! kailangan niyang malaman to!" Hindi na napigilan ni Elyn si Ebony, dahil mabilis itong tumakbo, kaya napapailing na lamang siyang umupo sa upuan na malapit sa kanya.
BINABASA MO ANG
Stained Blood (Enchanted Gangsters)
Phiêu lưuIn order to save the Aindria, they must find the Aegre- a Red Nightingale that posses a power and can stop the Shadow of Darkness from conquering the world. They are the Killian, but well-known as the dangerous and deadly Enchanted Gangsters. Gang...