Is it too late now to say sorry?
'Cause I'm missing more than just your body, oh
Is it too late now to say sorry?
Yeah, I know-oh-oh, that I let you down
Is it too late to say I'm sorry now?Pawisan ako habang hinihingal nang umupo. That's how I start my day. May contest akong lalahukan next month kaya puspusan ang pag-eexercise ko. I need to win that thing. I badly needed the money. Ganito na ang buhay ko araw-araw. Pagkagising sa umaga workout agad. Tubig lang at biscuit ang kailangan bago magsimula. Sa tanghali nalang ako kumakain ng normal, minsan nga hindi pa. Nasanay na ko sa ganitong buhay. Simula nang mag-aral ako ng kolehiyo, sarili ko nalang ang mayroon ako. Kaya wala akong ibang aasahan kundi ako lang din.
"Meeeeeeeeegan!!!"
For sure si Trixie 'yan. Siya lang naman ang ganiyan sumigaw eh.
"Anong meron?" Masungit kong bungad sa kaniya habang naglalakad at pinupunasan ang pawis sa aking katawan at mukha.
"Special delivery." Aniya nang nakangiti sabay lahad ng dala dala niyang pagkain.
Kinuha ko muna ang dala niya bago magsalita. "O! Kanino galing?" Halata ang pagtataka sa mukha ko.
"Ewan ko. 'Di ko din alam. Nakita ko lang 'yan diyan sa labas." Sagot niya habang nagtataka din.
"Yaan mo na. Wala naman sigurong lason to. Tara kain tayo." Anyaya ko sa kaniya habang tinutungo ang kusina.
Dalawa lang kami ni Trixie dito sa bahay nila. Simula nung mag-aral ako ng kolehiyo, dito na ako tumira. Kinakapatid ko siya at matalik na magkaibigan ang mga magulang namin. Mayaman sila, itong bahay na tinitigilan namin ay minana niya sa kaniyang mga lolo. Nasa ibang bansa na ang kaniyang mga magulang at mga kapatid. Kaya maswerte ako dahil pinatuloy nila ako dito. Tinutulungan din nila ako sa pag-aaral kaso nahihiya kasi ako kaya naghahanap ako ng paraan para magkaroon ng pera. Nagtatrabaho din ako sa isang fast food chain tuwing hapon hanggang gabi matapos ang klase ko. Hindi kasi sapat ang scholarship ko para matustusan lahat ng pangangailangan ko.
"Kailan ang pageant?" Basag niya after ng huling subo niya sa kinakain naming pizza.
"Next month." Matipid kong sagot habang tinatapos ang aking kinakain.
"Kumpleto na ba lahat ng gagamitin mo?" Muli niyang tanong.
Tumango lamang ako.
"Sabihin mo sakin 'pag may kailangan ka pa ha. Sigurado namang mananalo ka." Aniya at saka ngumiti ng malapad.
Napangiti lang ako sa sinabi niya. Mas matanda ako ng isang taon kay Trixie. Parang kapatid ko na siya. Hindi siya madamot gaya ng iba, nakilala ko na siya sa halos apat na taong pagtira ko dito kasama siya. Para ko na siyang kapatid at matalik na kaibigan. We've shared secrets, happy moments and worst of everything pa. Ayaw niya sa States. Iyan lang lagi ang sinasabi niya tuwing may magtatanong sa kaniya kung bakit siya naiwan dito.
Kahit bahay nila ito ay hati-hati kami sa gawaing bahay. Dalawa lang naman kami kaya kaunti lang ang mga lilinisin at isa pa pareho kaming babae kaya walang problema. Sabado ngayon kaya siya ang nag-ayos ng mga ginamit namin nang kumain kami. Nagpahinga ako at naligo pagkatapos, may pasok pa kasi ako mamaya sa part time job ko.
"Castillo." Isang baritonong boses ang nagsalita sa harap ko nang nakapuwesto na ako sa trabaho ko."Good afternoon Sir. What's your order po?" Magalang kong sinabi habang nakangiti. Binalewala ko na lang ang paraan ng pagtawag niya sa akin.
"Can I take you with me?" Aniya at halos pabulong ang bawat bigkas niya sa mga salita.
"Sorry Sir. As you can see, I'm not available. Again Sir. May I take your order please?" Magalang kong sagot at muling ngumiti. Pasalamat siya at nasa trabaho ako dahil kung hindi sinipa ko na siya kung saan iindahin niya talaga.
"I really like your guts Meg. Just give me my usual order." Sagot niya sa isang matigas na ingles habang humahalakhak.
Tumalikod ako para ayusin ang kaniyang order. Ganito naman siya lagi. Alam niya ang oras ng trabaho ko dito at kung kailan kaya sinasakto niya talaga na magpunta dito tuwing narito ako. Nang minsan na makipagpalit ako ng schedule ay bigla pa rin siyang sumulpot, kaya hinayaan ko nalang. Mukha naman kasing wala siyang planong tumigil sa ginagawa niya. Aalis din naman siya after niyang kumain kaya wala naman sigurong problema kung bwisitin man niya ako isang beses sa isang araw.
BINABASA MO ANG
Stay Unfocused (COMPLETED)
General FictionEvery second count. One minute can change everything, even seconds. So, do what you need to do and say what you need to say. Because you didn't know what will happen next. You cannot predict the future, you cannot rewrite the past, you just have tod...