Chapter 30

28 1 0
                                    

Sa mga nagdaang taon hindi na bago sa akin ang mawalan at maiwan, pero ngayon ata ang pinakamasakit. Na tipong pinapatay ako ng paulit-ulit. Hindi mawala sa utak ko ang sinabi ng doctor. Hindi ko matanggap, wala man lang akong nagawa. Bakit hindi ko alam? Bakit ni ideya man lang ay wala.

"Uhm... Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Trixie habang tumatabi sa pwesto ko.

Malungkot lang akong tumingin sa kaniya. Hindi ko kayang sagutin ang tanong niya. Gusto kong isigaw na hindi ako okay pero wala rin namang mangyayari, hindi na mababalik ang lahat. Hindi na.

"If you need someone to talk to, I am just here Meg, we're just here." Pagsuko niya bago tumayo at umalis.

Isang buwan na ang nagdaan pero parang kahapon lang ang lahat. Hanggang ngayon sobrang sakit pa din. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. Isang buwan na rin akong hindi pumapasok sa part-time job ko, hindi ko alam kung anong sinabi ni Trixie sa boss ko dahil nakatanggap lang ako ng mensahe mula rito na magpagaling daw ako at bumalik na lang 'pag okay na. Mabuti na lamang at bakasiyon na ngayon. Mas gusto ko 'yong ganito, kagaya noon, mag-isa lang. Hindi ko kailangang ipaliwanag sa kahit na sino ang nararamdaman ko.

Sa loob ng isang buwan ay walang araw na hindi ako umiyak, araw man o gabi. Para akong namatay kasama ng pangyayaring iyon. Tila isang bangungot na paulit ulit kong napapanaginipan habang gising. Nawalan na 'ko ng gana sa lahat, parang ayaw ko na ding mabuhay.

"May naghahanap sa'yo sa baba." Katok ni Trixie sa kwarto ko.

Walang emosiyon akong tumayo at tumungo dito. "Meg." Bigla nitong hinawakan ang kamay ko.

"Anong kailangan mo?" Matabang kong tanong matapos kong bawiin ang kamay ko.

Mukhang nagulat siya sa ginawa ko. "Gusto ko lang malaman kung kumusta ka na." Naupo siya sa upuan na nasa harap ko.

Tumitig lang ako dito at nang mapansin niyang wala akong planong magsalita ay muli siyang nagsalita. "Nawalan din ako Meg. Pero hindi ko kaya na pati ikaw ay mawala din sa'kin. Hindi ko kaya na mawala ka ulit sa'kin." Medyo nabasag ang kaniyang boses. "If you want to mourn, let's mourn together. Hindi 'yong ganito..." Nilamukos niya ang kaniyang mukha gamit ang kaniyang mga kamay at malungkot na tumingin sa gawi ko. "I am here Meg... If you need me, I am just here. Kasi ako kailangan kita Meg... nasasaktan din ako at nahihirapan." Nakita ko ang pagtulo ng luha sa kaniyang mata.

Tila walang buhay lang akong nakatitig sakaniya. Lumapit siya sa pwesto ko at lumuhod sa harap ko. "Please Meg. 'Wag ganito. Magsalita ka. Kung galit ka at nasasaktan sabihin mo sa'kin."

Hinawi ko ang mga kamay niyang nakahawak sa mga tuhod ko. "Ayokong pag-usapan Klark. Makakaalis ka na." Parang nauubusan ako ng hangin, sobrang hirap para sa'kin kahit ang magsalita man lang.

"Hindi Meg." Tumaas ang kaniyang boses. "Hindi lang ikaw ang nawalan dito." Tumayo siya at ginulo ang sarili niyang buhok. "Hindi lang ikaw ang nasasaktan."

Tumingin lang ako sa baba at kinuyom ang aking mga palad. "Hindi mo alam ang pakiramdam na para kang pinapatay Klark, hindi mo alam kung gaano ako nasasaktan." Sumbat ko sakaniya. "Araw-araw para akong pinapatay ng paulit-ulit. Araw-araw kong sinisisi ang sarili ko. Sobrang sakit..." Hindi ko na napigilan ang maiyak. "Ni hindi ko man lang siya naramdaman, ni hindi man lang ako nag-ingat ng husto. Ang alam ko lang nawala siya at wala man lang akong nagawa." Bigla akong napakapit sa tiyan ko. "Nasasaktan ka? Kailangan mo ako? Bakit Klark 'pag dinamayan ba kita maibabalik ba no'n ang anak natin?" Galit kong sigaw dito.

"Pero hindi ko hahayaan na pati ikaw ay mawala sa'kin ulit Meg. Hindi ko kaya..." Napapaos niyang sinabi.

"Hayaan mo lang muna akong mag-isa. Hindi ko pa kaya Klark... masiyado pang masakit." Napahagulhol ako sa mga kamay ko.

"Hanggang kailan Meg? Ikaw na rin ang nagsabi, kahit anong gawin mo ay hindi mo na maibabalik ang lahat. Kailangan mong tanggapin lahat at magpatuloy sa buhay. Move on Meg." Aniya bago umalis.

Madalas ang pinakamahirap na kalaban ay ang mga alaala at ang sarili mo mismo. Nandito ako ngayon sa pinagawa kong puntod para sa anak namin ni Klark. Isang buwan na rin mula nung huli kaming magkausap. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapatawad ang sarili ko. Naaalala ko pa rin kung paano ako nakunan. Nag-eensayo ako noon para sa pageant nang bigla akong madulas. Nagulat pa ako nang may makita akong dugo at biglang napasigaw kaya dali-dali akong itinakbo ni Trixie sa pinakamalapit na ospital. Hindi ko rin makalimutan kung paano sinabi sa akin ng doctor na isang buwan na akong buntis at nalaglag ang bata sa sinapupunan ko. Halos dugo palang siya, ni hindi ko man lang nakita. Kaya hindi ko maiwasan na hindi sisihin ang sarili ko. Kasi kahit saang anggulo ko tignan ay wala akong pwedeng sisihin kundi ang sarili ko lamang.

Magpapasukan na naman sa susunod na buwan. Hindi ko ata kayang harapin si Klark. Nagagalit ako sakaniya, kahit wala naman siyang kasalanan. May parte sa puso ko na hindi ko maipaliwanag. Parang gusto kong ibuhos sakaniya lahat ng sama ng loob ko kahit hindi dapat. At parang gusto ko siyang yakapin at humingi ng lakas dito. Pero alam ko ngayon na hindi pa ako ulit handa na makita siya. Siguro ay 'pag napatawad ko na ang sarili ko. Kaso ngayon alam kong hindi pa, hindi ko pa kaya. 

Stay Unfocused (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon