Klark never failed to take care of me siyempre pati na rin si baby. Kahit busy siya sa trabaho ay palagi siyang may oras para sa'min. Madalas akong puyat dahil gising tuwing madaling araw ang anak namin. May mga sanggol daw talagang ganoon sabi nila mom, na kung kailan gabi ay saka gising at magsisimulang mamuyat. But somehow it makes me happy. Sobrang weird minsan, iba kasi talaga sa pakiramdam na alagaan ang sarili mong anak. Kahit na may kinuhang katulong si Klark ay gusto ko na hands-on ako sa pag-alaga sa bata. Hindi pa muna ako ulit pumapasok sa office, nagsabi ako sa parents ko. Kung maari nga ay aantayin ko muna na lumaki ang anak namin bago ako bumalik sa trabaho. Hindi ko naman daw kailangan pang magtrabaho sabi ng asawa ko pero kasi tumatanda na rin ang parents ko at gusto ko na magpahinga na sila at ako na ang mag-asikaso ng lahat.
"How's our business mom?" Tanong ko sa kaniya habang karga karga niya si baby Kaleb.
Natatawa siya habang umiiling. "We can handle our business hija. Besides, matagal ko na 'yong ginagawa kaya hindi na bago para sa'kin na muli itong patakbuhin. We're not that old to rest. I know what you're thinking." Inilapag niya sa kuna si baby nang makatulog na ito. "You have your own family now, nung ipinanganak kita ay hindi rin ako pinayagan na magtrabaho ng dad mo. Stop worrying. Intindihin mo nalang muna ang pamilya mo."
Kaya naging ganoon ang sitwasiyon ng mga sumunod na buwan. Inasikaso ko lang ang asawa ko at anak ko. Nagluluto ako lagi para sa hapunan para 'pag dadating na si Klark ay sabay kaming makakakain, madalas naman kasi ay tulog pa ng ganoong oras ang anak namin.
"How's my lovely wife?" Tanong niya matapos niya akong yakapin at halikan sa labi.
Inayos ko ang mga gamit niya bago sumagot. "Ayos naman. Sinabayan kong matulog kanina ang anak mo at tiyak na gising na naman mamayang hating gabi."
"Sinosolo ka ng anak natin, hindi tuloy ako maka-score tuwing gabi." Sabay kaming natawa.
"Kumain na tayo. Panay ka na naman kalokohan."
"Boss. Mom called earlier. She's asking about the wedding. If you're ready for the preparations or what." Napatulala ako sa sinabi niya. Sa totoo lang ay nawala na sa utak ko. "Besides, ilang months na naman si baby kaya siguro ay we can push through the wedding already." Dagdag pa niya.
"We can hire a wedding planner naman 'diba?" Tanong ko sa kaniya.
"Of course. I know that you're busy with our son. I'll tell her that we will just hire a wedding planner para hindi ka masiyadong mapagod."
---
Girl you are to me
All that a woman should be
And I dedicate my life
To you always
Bumukas ang pintuan ng simbahan at ito ang kantang bumungad sa akin. Nasa magkabilang tabi ko sina mom at dad na ngayon ay parehong may bakas pa ng mga luha sa kanilang mata. Kanina sa kotse ay nagulat nalang kami ni mom na biglang umiyak si dad kaya pati tuloy kaming dalawa ay naiyak na din.
A love like yours is rare
It must have been sent from up above
And I know you'll stay this way
For always
Mula sa pwesto ko ay kitang kita ko si Klark katabi ng kaniyang bestman na si Drew. Pero teka bakit may panyong hawak si Klark? Umiiyak ba siya? Kahit kailan talaga ang lalaking 'yan. Kahit man ako naiiyak, pagkatapos lahat ng nangyari sa amin, sa simbahan rin pala ang tuloy namin. Pinatibay kami ng mga pagsubok at ng panahon.
And we both know, that our love will grow
And forever it will be, you and me (yeah)
Sa totoo lang sumuko na ko nung una, nung maghiwalay kami. Ayoko ng maniwala sa pag-ibig, natakot na kong magtiwala. Sobrang sakit, para kang pinapatay ng paulit-ulit. Mabuti na lang ay hindi siya sumuko, hindi niya ko sinukuan, kasi kung ako ang tatanungin... mahina ako, kinakain ako lagi ng takot.
Ooh you're like the sun, chasing all of the rain away
When you come around you bring brighter days
You're the perfect one, for me and you forever will be
And I will love you so, for always
Pero iba si Klark, nagsilbi siyang lakas ko kahit siya din ang kahinaan ko. Hindi niya ako tinigilan hanggang sa maging maayos kami, hindi siya tumigil hanggang sa maging masaya kami ulit. Napakalabo ng buhay, kahit anong gawin mo sasadyain ka nitong iligaw. Hindi mo namamalayan nawawala ka na, hindi sa daan kundi mismo sa sarili mo. Bubulagin ka minsan lalo na sa sarili mong nararamdaman, lalo na 'pag nasaktan ka. Hindi mo namamalayan nakakasakit ka na din. Pero doon ka matututo, sa bawat pagbangon, bagong pag-asa ang binibigay sa'yo para mabuhay, para muling magmahal.
Come with me my sweet, let's go make a family
They will bring us joy, for always
Ooh boy I love you so, I can't find enough ways
To let you know, but you can be sure I'm yours for always
Inaamin ko, masiyado akong naging tutok sa sarili kong buhay, na tila ba 'yong mundo sa'kin lang umiikot. Na 'pag may nararamdaman ako hindi ko na naiisip ang ibang tao na nasa paligid ko. Nagiging makasarili ako, kaya sobrang nagpapasalamat ako Klark. Lalo na sa pagmamahal na ibinigay at ipinakita niya sa'kin. Natuto akong tumingin sa mas malalaking bagay, sa mga tao na nasa paligid ko, sa mga nararamdaman nila. Natuto akong magmahal ng wagas, natuto akong magmahal ng walang pag-aalinlangan at higit sa lahat natuto akong mabuhay para sa iba.
And we both know, that our love will grow
And forever it will be, you and me (yeah)
To love is to grow. Sa ilang taon na kasama ko si Klark, hindi lang ako natuto, pareho kami. Na kahit anong mangyari, kung mahal mo talaga ang isang tao... isasantabi mo lahat. Ang sarili mong galit, ang mga masama mong nakasanayan, ang pride mo at kung ano pang mayroon ka. Oo walang kasiguraduhan lahat pero ngayon isa lang ang sigurado ako, sobrang saya, sobrang payapa sa pakiramdam lalo na kung ang mga taong minamahal mo napapasaya mo, nabibigyan mo ng kapayapaan at kapanatagan. The less that I became focused with my own life the happier that I become. Ngayon masasabi ko na masaya ako, masaya ang puso ko. Ngayon mas handa na ako sa kung ano mang haharapin ko lalo na at kasama ko ang taong mahal na mahal ko. Hindi na lang ako basta si Meg ngayon, ako na si Meg, ang bagong Meg, asawa ni Klark, ina ng anak niya at ng mga magiging mga anak pa niya. Minsan na kong pinaglaruan ng buhay pero ngayon handa na kong makipagsabayan dito, para sa'kin at para sa'min ng pamilya ko.
BINABASA MO ANG
Stay Unfocused (COMPLETED)
General FictionEvery second count. One minute can change everything, even seconds. So, do what you need to do and say what you need to say. Because you didn't know what will happen next. You cannot predict the future, you cannot rewrite the past, you just have tod...