Nagising ako na may brasong nakayakap sa'kin at binting nakapatong sa binti ko. I feel sore, that's my first. But I didn't regret giving it to him. For sure... Hahampasin ako ng bote sa ulo ni Trixie 'pag nalaman niya ito. Speaking of Trixie, hindi ko siya nasabihan kagabi. Kaya hirap man ay tinanggal ko ng unti unti ang braso at binti ni Klark na nakadantay sa'kin. Pero kada tanggal ko ay bigla itong bumabalik sa pagkakadantay. "Good morning." Nakangiti niyang pagbati. Nahihiya akong ngumiti pabalik.
Ang walang modong lalaki ay bigla akong hinalikan at tumayo papunta sa banyo. "Gusto mong sumabay?" Sumilip siya mula sa pintuan ng banyo kaya binato ko lang siya ng unan.
Tumayo ako at dumiretso sa banyo sa kusina. Sinimulan kong maligo at naisip ko lahat ng nangyari kagabi. Kung paano ako nagpaubaya kay Klark at hindi nag-protesta.
Nasundan pa ang pangyayaring iyon. Ilang beses nang may nangyari sa'min. Sa loob ng apat na buwan ay halos madalas kaming magkasama. Umuuwi ako sa bahay na tulog na si Trixie kaya hindi ko pa nasasabi sakaniya ang mga nangyayari sa buhay ko. Maging ako ay hindi ko alam kung ano ba kami ngayon ni Klark. Pagdating kasi sa campus ay normal lang ang turingan namin, kagaya noon, tahimik lang pareho at hindi madalas mag-usap. Patapos na ang sem sa susunod na buwan, ang bilis ng araw. Mas naging busy ako ngayon kumpara nung mga nakaraang sem. Nagwowork-out sa umaga para sa pageant sa susunod na taon, pumapasok sa eskwela pagkatapos, trabaho sa hapon at kasama ko si Klark sa gabi pagkatapos ng shift ko bago ako umuwi.
"Klark." Malambing na tawag ni Trina. Awtomatikong napataas ang kilay ko dahil sa paraan ng kaniyang pagtawag. "Busy ka ba mamaya? May party ulit sa bahay baka gusto mong magpunta kagaya nung nakaraan." Hindi naman ako tsismosa pero siyempre katabi ko si Klark kaya natural lang na marinig ko ang mga sinasabi niya.
"Sorry busy." Tipid na sagot lang ng katabi ko.
Hinimas muna ni Trina ang braso niya. "Ay sayang naman. Miss na kita maka'hangout eh. Alam mo na." Makahulugan niyang sinabi.
"Uhm... pasensya na Trina. Baka kasi magalit ang girlfriend ko. Mahirap na." Tinanggal ni Klark ang kamay ni Trina sa kaniyang braso.
Sumimangot ang mukha ni Trina. "Wala ka namang girlfriend."
Narinig ko ang pag-usog ng upuan niya at naramdaman ko ang biglang pag-akbay ni Klark sa balikat ko. "She's my girlfriend, we're okay now. Siya 'yong nabanggit ko na sinundan ko dito. So, sorry." Tila batang nagmartsa si Trina papalayo sa pwesto namin.
"Bakit mo sinabi sakaniya na girlfriend mo 'ko?" Masungit kong baling habang tinatanggal ang braso niya sa balikat ko.
"Ano ba dapat? Fiancé ba?" Tinaasan niya ako ng kilay at ibinalik lang ang braso niyang nakaakbay sa balikat ko. "Hinahayaan lang kita na hindi mo ako masiyadong pinapansin dito sa campus dahil pakiramdam ko hindi ka komportable. Pero alam ko kung anong nararamdaman mo, ramdam ko. Hindi mo naman hahayaan na magkasama tayo madalas at may nangyayari kung wala lang ako sa'yo. Mas mabuti ng alam ng mga tao na girlfriend kita at boyfriend mo 'ko. Ayoko na ng issue Meg. Seryoso ako dito... seryoso ako sa'yo. Hindi ako bumalik ng Pilipinas para lang maging fuck buddy mo. Hindi ako nakikipaglandian sa'yo." Lumingon ito sa'kin bigla. "Kung hindi ko sinabi sa kaniya na girlfriend kita ay malamang aawayin mo naman ako mamaya."
"Anong sinasabi mo diyan?" Hindi ako makatingin sakaniya ng diretso.
"Na... nagseselos ka. Kunwari ka pa. Nakita kong tumaas ang kilay mo kanina nung papalapit siya dito. Kabisado ko na 'yang reaction mo. Kilalang kilala na kita kaya 'wag mo ng subukan pang magdeny diyan." Tumatawa ito ng mahina habang tinatanggal ang braso niyang nakaakbay at inaayos ang kaniyang upuan. "Sobrang selosa kahit kailan." Inirapan ko lang siya.
---
"Babae may dapat ka bang aminin sa'kin?" Nakahalukipkip na bungad ni Trixie.
"Sobrang straight na tagalog a." Biro ko.
Weekend ngayon kaya nagpang-abot kami dito sa bahay. "Iniiba mo ang usapan." Napansin kong medyo naiinis na siya.
"O. Ihampas mo sa ulo ko." Nilahad ko sakaniya ang bote ng wine.
Bigla itong sumimangot at nagsalubong ang kilay. "Sinasabi ko na e." Palatak niya. "Kalat na sa campus na you and Klark were in a relationship. Don't want to believe pa nung una kasi sabi lang ng tsismosa kong classmate... B.A. daw na isasali sa pageant and a transferee." Hinampas niya ako bigla sa puwet. "If hindi tayo nag-abot dito now hindi ko pa malalaman ang totoo." Tila nagtatampo niyang sambit.
"Sorry na busy lang." Nag-peace sign ako.
Bigla siyang umirap. "Rupok level 101 ka din. Na'notice ko na last time nung medyo madalang na tayong magkita here sa house. Seems like ginagabi ka madalas. At first, iniisip ko busy ka lang or kaya overtime sa work pero later on naisip ko baka may boyfriend ka na. I thought nga si Bryan ang boyfriend mo kasi alam sa campus na bet ka no'n, ikaw lang ata ang may hindi alam."
Nanlaki ang mata ko. "Si Bryan? Kaibigan ko lang 'yon."
"A friend?" Muli siyang umirap. "Ikaw nga lang ang may hindi alam. Anyway, tell to Klark that I'll kick his balls if he'll hurt you again okay? And please. Iwas sa group ni Trina ha? Bet niya ang boyfriend mo." Paalala niya sa'kin.
"Bakit ang dami mong alam sa College namin ha?" Usisa ko.
"A e... dahil sa classmate kong tsismosa. Plus, you know Arevallo?" Tila bigla siyang nahiya.
"Julius Arevallo?" Pagkumpirma ko.
"Yup, he's my boyfriend." Hinampas ko lang din siya sa puwet dahil sa narinig.
"May boyfriend ka din pala e." Pang-aasar ko.
"Yup. But ssshhh ka lang." Aniya habang nakalagay ang hintuturo sa kaniyang labi. "Magagalit si Claire, the real girlfriend." Bigla itong lumungkot.
"Hala ka. Bakit ka pumayag?" May pag-aalala sa boses ko.
"Long story. Basta ano... Patago lang kami kung magkita. Sabi niya mahal niya 'ko. Pero he can't leave that girl until maka'graduate siya." Bigla ko siyang niyakap dahil sa narinig.
BINABASA MO ANG
Stay Unfocused (COMPLETED)
General FictionEvery second count. One minute can change everything, even seconds. So, do what you need to do and say what you need to say. Because you didn't know what will happen next. You cannot predict the future, you cannot rewrite the past, you just have tod...